Chapter 24
Naputol ang kanyang paggawa ng kanta ng mag-ring ang cellphone nya. Nagulat sya sa nakita nyang caller nya ng ganoong oras..."Hello Ma! Bakit po kayo napatawag ng ganitong oras?" tanong ni Xian ng sagutin nya ang cellphone nya.
"Iho, di na ako makahintay ng bukas eh!" sagot ni Menchu.
"And what about it Ma?" tanong ulit ni Xian.
"Well, alam ko ma-eexcite ka dito sa ibabalita ko!" sabi ni Menchu na nambibitin pa.
"Okay Ma, what is it?" sabi ni Xian na halatang excited din sa ibabalita ni Menchu.
"Well, remember yun someone na ipapadala ko dyan to take charge of your work, I extended her stay in LA until Sept. 18 para kahit saglit man lang ay magkita kayo!" pahayag ni Menchu.
"Really Ma? That's good! Sino ba sya Ma para naman I have an idea kung ano itsura nya?" sabi ni Xian.
"It's for you to find out Iho! So make sure na magkita kayo ha!" bilin ni Menchu.
"I will Ma! Thank you po!" pasasalamat ni Xian.
"Okay Iho! I'll get some rest na! Yun lang naman talaga ang itinawag ko sayo eh! Take care always! Bye!" paalam ni Menchu.
"You take care too Ma! My hugs and kisses to all of you!" sabi ni Xian at ibinaba na ang cellphone nya.
Sa sobrang excitement ay nawala si Xian sa concentration nya sa pagsusulat ng kanta. Nahulog sya sa pag-iisip kung sino yun someone na ipapadala ng kanyang Mama Menchu.
Biglang may kumatok at bumukas ng pinto. Pumasok si Caroline, ang secretary ni Xian.
"Sir, I would like to inform you that you have a 1:00 pm meeting today with all the staff. The meeting is about some stuff regarding the duties and responsibilities of each employees." sabi ni Caroline.
"Okay! Thank you Caroline! Is that all?" tanong ni Xian.
"Yes Sir! And if you need anything else, I'm just outside your office Sir!" sabi ni Caroline at lumabas na ng opisina ni Xian.
Muli nya itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang trabaho. Gagawa sya ng mga rules and reagulations para magkaron ng good working relationship ang bawat isa dito sa opisina.
Naging abala si Kim sa pag-aasikaso ng kanyang passport at pagkuha ng visa. Madali namang na-approve ang kayang passport at visa dahil sa request ng company nila.
"Nay, andito na po ako!" salubong ni Kim kay Nay Zheny na nakaupo sa sala nila na may hawak na bouquet ng white tulips.
"Wow Nay ang ganda naman nyang white tulips nyo! Galing po ba yan kay Tay?" tanong ni Kim.
"Naku wish ko lang anak na kay Chen ito galing!" sagot ni Zheny. "Para sa iyo ito. Kadedeliver lang nun delivery boy dito sa bahay." dagdag ni Zheny.
"Para po sa akin?" takang tanong ni Kim na kumunot pa ang noo. Pero madaling nawala ang pagkakunot noon ng maalala nya yun sabi ni Superman sa kanya.
"Oh bakit bigla ka dyan napapangiti eh kanina lang nakakunot yang noo mo!" tanong ni Zheny ng mapansin ang reaction ni Kim.
"Wala po Nay, may naalala lang po ako!" sagot ni Kim. "May card po ba itong kasama?" dagdag na tanong ni Kim.
"Ay oo anak! Nandyan sa loob nun bouquet! Sige maiwan na muna kita at ako'y magluluto na ng hapunan natin." sabi ni Zheny.
"Sige po Nay! Salamat po! Akyat din po muna ako!" paalam ni Kim na umakyat na sa patungo sa kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
Reunion of Hearts (Completed)
FanfictionWhat will happen after 10 years of not seeing and being together with your best friend? Will the love you feel towards him/her grow or will it stay the same how you feel for him/her as before? Find out here in the story of two best friends whom bein...