Chapter 34

17.2K 122 38
                                    

Chapter 34

After 20 minutes bumalik na si Kim sa jail. Laking gulat nya sa kanyang nadatnan sa jail booth.......

"P-A-R-D-S????" bulalas ni Kim.

Nakita ni Kim na may dalang gitara si Xian na nagsimulang tumugtog at kumanta ng "My Valentine" para sa kanya.

"Ano ito?" tanong ni Kim ng lapitan nya si Xian.

Tuloy tuloy lang sa pagtugtug at pagkanta si Xian.

Ang lahat ng nandoon ay nakatingin lang sa kanila. Ang iba ay nagbubulungan at ang iba naman ay kinikilig.

You're all I need my love, my Valentine......

Nang matapos sya sa pagkanta ay may binigay si Xian sa kanya na isang bouquet ng long stem red roses.

Napaluha si Kim sa ginawang iyon ni Xian.

"Thank you Pards!" sabi ni Kim na gumaralgal ang boses dahil sa pagluha.

"Shhhh.. Don't cry!" sabi ni Xian na pinunasan ang mga luha na naglandas sa pisngi ni Kim.

"I don't deserve this Pards!" sabi ni Kim.

"Shhhh..." sabi ni Xian sabay lagay ng kanyang hintuturo sa labi ni Kim upang hindi na ito makapagsalita.

"You deserve everything Kim! Kulang pa itong mga ginagawa kong ito sa mga pagkukulang ko sayo!" dagdag ni Xian.

Hindi na nakapagsalita si Kim sa sinabi na iyon ni Xian. Sa halip ay tuluyang umagos ang masasaganang luha sa kanyang mga mata.

"Para sa akin ba yang pagkain na dala mo?" pag-iiba ni Xian sa usapan.

"Oo binilhan din kita kasi alam ko na nagugutom ka na!" sabi ni Kim.

"Tara kainin na natin yan! Kanina pa nag-aalburoto ang mga anaconda ko sa tyan ko!' wika ni Xian.

Nagtungo sila sa isang bench kung saan doon nila pinagsaluhan ang pagkain na dala ni Kim.

Nang matapos silang kumain ay hinanap nila Kim at Xian sina Maja at Mateo upang akitin na subukan ang horror booth.

"Hey guys, saan ba kayo nagsususuot?" sabi ni Maja ng makita sila Kim at Xian.

"Doon lang kami sa jail booth kasi si Xian naman ang nakulong!" sagot ni Kim.

"Mga wanted ba kayo at kayong dalawa ay nakulong?" natatawang sabi ni Mateo.

"Sira ka talaga Bro!" sabi ni Xian. "Mabuti pa try natin ang horror booth!" mungkahi ni Xian.

"Ha? Ayoko dun! Baka atakihin ako sa puso!" sagot ni Kim.

"Kailan ka pa nagkaroon ng sakit sa puso Pards?" tanong ni Xian.

"Basta ayoko itry yun! Kayo na lang!" sagot ni Kim.

"Dali na girl! Di ba matapang ka naman?" sabi ni Maja.

"Oo nga! Nasan na ang Kim na matapang?" dagdag ni Xian.

"Hala tara na nga!" sagot ni Kim na nanguna pa sa paglalakad.

Pumunta na sila sa horror booth. Nagbayad na sila ng entrance at pumasok na sila.

Medyo malaki yun horror booth na iyon. High Tech din ang horror booth na iyon at lahat ay kuryente ang nagpapagana.

Pagkapasok nila ay umalingawngaw agad ang tunog ng halakhak ni dracula.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon