Chapter 25

18.7K 108 54
                                    

Chapter 25

Pagpasok ni Kim sa bahay ay nanlaki  ang mga mata nya sa nakita nya...

Nagulat sya sa laki at ganda nung apartment.

"Is this the house that I'm going to stay while I'm here in LA?" tanong ni Kim kay Caroline.

"Yes Ma'am! There's two room here. The left side is for you Ma'am! And the right side if for Sir!" sabi ni Caroline habang tinuro ang mga kwarto.

"By the way Ma'am, this is Ms. Paz, she's the one helping you with all the household chores." pahayag ulit ni Caroline.

"Okay! Thank you Caroline!" pasasalamat ni Kim. 

"You're welcome Ma'am! I'll go ahead. I need to go back to the office to finish some paper works. I'll see you tomorrow Ma'am! And whatever you need, just asked Ms. Paz!" paalam ni Caroline at umalis na sya.

"Hello Ms. Paz! Nice to meet you!" bati ni Kim ng makaalis si Caroline.

"Hello Iha! Baka nagugutom ka na, halika ka na sa dining para makakain ka na." sabi ni Aling Paz matapos makaalis si Caroline.

"Filipino din po pala kayo?" gulat na tanong ni Kim matapos mag-Tagalog si Aling Paz.

"Oo Iha! Tsaka Nanay o Aling Paz na lang ang itawag mo sa akin." sagot ni Aling Paz.

"Sige po! Nay Paz na lang po ang itatawag ko sa inyo." sabi ni Kim.

"Oh halika na Iha kumain ka na para makapagpahinga ka na!" yaya ni Nay Paz.

Sumunod naman si Kim kay Nay Paz sa kumedor. Nakakaramdam na din kasi sya ng gutom.

"Wow! Nay Paz ang dami naman po nitong inihanda ninyo. Halina po kayo at saluhan nyo ako. Malungkot kumain ng mag-isa eh!" yaya ni Kim.

"Oh sige Iha sasabayan kita! Hindi kasi talaga ako nasabay kumain eh kahit kay Sir!" sabi ni Nay Paz. Habang inaayos ang lamesa.

"Sir? Ano po ba ang pangalan nya? Ok lang po ba na dito ako tumira? Nasaan po ba sya?" tanong ni Kim.

"Oo Iha! Lalaki ang nakatira dito! Kita mo naman sa design at color ng interior, black and white! Ok lang iyon Iha, super bait naman si Sir at wala naman sya dito eh." sagot ni Nay Paz.

"Talaga po ba? Eh nasaan po ba sya?" tanong ulit ni Kim.

"Nasa New York sya Ma'am! Umalis lang nung isang araw! Sayang di kayo nag-abot!" sagot ni Nay Paz.

"Ah ganun po ba. So sya yun manager ng Topsitop dito?"sabi ni Kim.

Tumango lang si Nay Paz sabay sabi, "Sya sige Iha kumain na tayo para makapagpahinga ka na."

Kumain sila ng tahimik. Nang matapos silang kumain ay nagpaalam muna si Kim na magpapahinga.

Bago sya magpahinga ay tumawag muna sya sa kanila upang ipaalam na nakarating siya ng LA ng matiwasay.

Matapos nyang makausap si Nay Zheny ay natulog na sya. Madali naman syang nakatulog dala ng pagod at jet lag.

Napahimbing ang tulog nya kaya gabi na ng magising sya. Lumabas sya ng kanyang kwarto pero wala na doon si Nay Paz. Nakita nya yun note sa may ref.

Kim, 

Iha uuwi na ako. Wag kang mag-alala may luto na dyang pagkain para sa iyong hapunan. Bukas na ng umaga ang balik ko.

Nay Paz

Matapos nya iyon basahin ay pumunta sya ng sala. Pinagmasdan nya ang kabuuan ng silid na iyon. 

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon