Chapter5
Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Walang pinalipas na sandali sina Xian at Kim para di magkamustahan. Halos gabi gabi ay magkachat sila. Parang mga hindi busy sa pag-aaral. Natutuwa naman ang mga magulang nila na kahit napupuyat sila sa pag-uusap ay hindi nila napapabayaan ang kanilang pag-aaral. Natapos ang unang taon nila sa College. Nasa dean's list si Kim at yun ay ikinatuwa ni XIan. Si XIan naman ay matataas din ang grades sa school.
Dumating ang ikalawang taon nila sa college. Medyo naging busy sila pareho. Madaming reports, researches at projects silang ginagawa. Halos umuuwi nalang si Kim sa kanila para matulog. Si XIan naman naging busy din sa school tsaka sa pagtulong nya sa Papa Edison nya sa itinatayong branch nila doon. Ito din ang taon ng debut ni Kim. September ang debut ni Kim kaya pinaghahandaan ito ng mabuti nila Nay Zheny at Tay Chen. Sa restaurant nila Menchu at Edison ang venue. Lahat ng classmates nya ay invited. Syempre si Xian ang escort nya at kay Laureen sya nagpapagawa ng gown nya.
June pa lang ay tinutulungan na ni Laureen si Kim sa make over nya. Ang tagal na panahon bago maging ready si Kim. Madali namang nakapag-adapt si Kim sa new look and style nya.
"Kim, you are really beautiful!" pahayag ni Laureen kay Kim.
"Ate Lau hindi naman!" sagot ni Kim.
"Anong hindi? Look at yourself, ibang iba ka na sa dating Kim na boyish!" sabi ni Laureen.
Ngumiti lang si Kim. "Thanks to you Ate Lau!"
"Teka bakit parang malungkot ka?" Tanong ni Laureen.
"Hindi naman! It's just that I don't know if Pards will like it, all of this!" sabi ni Kim.
"He will Kim! Believe me! Kaya wag ka ng malungkot dyan! Smile and be confident!" sabi ni Laureen. "Kahit naman nuon pa gusto ka na ni Xian eh" bulong ni Laureen sa sarili.
"Ate Lau may sinasabi ka pa ba?" tanong ni Kim na parang narinig na may sinasabe pa si Laureen.
"Ha? Wala ah. May sinasabi pa ba ako?" sabi naman ni Laureen.
"OKay! Thank you again Ate Lau! Uwi na din ako kasi may research pa akong gagawin eh!" paalam ni Kim sabay yakap at beso kay Laureen.
"Okay! Take care! Basta if you need anything, don't hesitate to count on me!" Sabi ni Laureen na hindi alam ni Kim na ipinagbilin ni Xian sya sa kanyang ate.
"I will Ate Lau! Thanks again! Bye!" sabi ni Kim.
Nang makaalis na si Kim sa shop ni Laureen tumawag agad sya kay XIan.
"Hello little bro!"Bati ni Laureen.
"Hi Ate Lau! What made you call me in this hour?" tanong ni Xian.
"I called you just to say that Kim's make-over is successful!" balita ni Laureen.
"Really!?! I knew it! Was she happy with the outcome?" tanbong ni Xian na full ang excitement.
"Yeah! She's happy but she's worried if you would like it or not!" sabi ni Laureen.
"Hay si Pards talaga! Ate favor ulit? Please?!?!" pagsusumamo ni XIan.
"Okay! What is it little bro?" tanong ni Laureen.
"Can you take a picture of Kim in her new look?" tanong ni Xian.
"Okay little bro! Just wait and I will email it to you!" sabi ni Laureen.
"Thank you so much Ate Lau! What will I do if you're not always there for me!" sabi ni Xian.
BINABASA MO ANG
Reunion of Hearts (Completed)
FanfictionWhat will happen after 10 years of not seeing and being together with your best friend? Will the love you feel towards him/her grow or will it stay the same how you feel for him/her as before? Find out here in the story of two best friends whom bein...