Chapter 18

19.8K 88 46
                                    

Chapter 18

*****PAK*****

"Sweet!!! What's happening? Bakit mo ako sinampal?" sabi ni Carl na hawak ang pisngi na sinampal ni Kim.

"Huh! Nagtatanong ka pa kung bakit? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" sabi ni Kim na galit na galit.

"I don't have time for this Kim! What's going on?" sabi ni Carl na namula ang pisngi dahil sa lakas ng sampal ni Kim.

"Okay! Iisa isahin ko sayo! Una, You always cancelled our dates! Lagi kang nakapangako na babawi ka, na you will make up with this pero ano ang ginawa mo? Wala! You keep me waiting in vain! My God Carl, girlfriend mo ako!" bulalas ni Kim na unti unti ng pumatak ang luha sa mga mata nya.

"Kim, I thought you understand my situation?" tanong ni Carl sa mahinahong tono.

"Andun na ako Carl! I really understand your work pero bakit kailangan mo sa aking magsinungaling?" sabi ni Kim na nanginginig ang boses.

"Magsinungaling? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Carl.

"You remember nun tinawagan kita and you said you were at your office and busy ka when in fact you're on hotel with someone named NAOMI!?!" sabi ni Kim.

Nanlaki ang mga mata ni Carl sa narinig. 

"Oh bakit hindi ka ngayon makapagsalita. Sige Carl, I'll give you the chance to explain and defend yourself." sabi ni Kim na hilam pa din ang mga mata sa luha.

"Oh Sweet yun ba? Sorry if I didn't tell it to you. Natakot kasi akong pagdudahan mo ako." pahayag ni Carl.

"Natakot ka na pagdudahan kita? Ganyan ba ang tingin mo sa akin ha Carl? At sa tingin mo sa ginawa mo eh hindi ako magdududa?" sabi ni Kim.

"I'm so sorry Sweet! It was just a mere friendly date, nothing romantic!" sabi ni Carl.

"Nothing romantic? What about kanina? I saw you with Naomi again sa Serendra. You cancelled our date just to be with her? How dare you Carl!!!" sabi ni Kim.

"Look Sweet, Naomi needs someone to talk to. She and her boyfriend had misunderstanding. Bilang kaibigan nya eh I'll listen to her sentiments. Please Kim maniwala ka naman sa akin! There's nothing going on between me and Naomi!" pahayag ni Carl.

"There's nothing going on? Nothing romantic between you and her? Eh how can you explain this?" sabi ni Kim sabay pakita ng cellphone nya na may picture nila ni Naomi na magkahawak kamay.

"Are you spying on me Sweet?" tanong ni Carl.

"No Carl! Nagkakataon lang na nandoon ako ng mga panahong iyon. So how can you explain this?" sabi ni Kim.

"Sweet, nag-uusap lang kami ni Naomi that time about her boyfriend. She's too upset so I'll try to comfort her." sabi ni Carl.

"Wow! Ang bait at ang sweet mo namang kaibigan! Convince yourself Carl with your stupid explanation!" sabi ni Kim na tumalikod na kay Carl.

Pinigilan ni Carl si Kim.

"Sweet, please believe! I'll promise it won't happen again! At next time na makipagkita si Naomi sa akin eh isasama na kita. Please forgive me Sweet!" pagsusumamo ni Carl.

"Masyado akong nasaktan sa mga ginawa mo! You betrayed me and you ruin my trust on you! Give me time to think about this! But for now, I want a cool off! So please leave Carl kung ayaw mong tuluyan kitang kamuhian." sabi ni Kim.

"Sweet don't do this to me! Please!?!" sabi ni Carl na niyakap si Kim.

"Ang lakas naman ng loob mo na sabihin yan Carl. Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit tayo ngkakaganito." sabi ni Kim na umalpas sa yakap ni Carl.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon