Chapter 26

18.9K 107 58
                                    

Chapter 26

Pagbukas ni Kim ay nagulat ulit sya sa tumambad sa kanyang harapan.......

"CARL!?!?" gulat na tanong ni Kim ng makita nya si Carl na nakatayo sa labas na may dalang tulips. 

"Surprise!" bulalas ni Carl sabay abot kay Kim ng tulips.  

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" tanong ni Kim habang inaabot ang mga tulips.

"I'm missing you Kim kaya sumunod ako dito! Tsaka para mabisita na din kita!" dagdag ni Carl.

"Malapit na naman akong umuwe eh! Di ka na dapat nag-abala pa!" pahayag ni Kim.

"Wait a second, di mo ba muna ako papatuluyin?" tanong ni Carl.

"Ay sorry! Halika pasok ka muna!" pagpapatuloy ni Kim. "Maupo ka!" dagdag pa nya.

"Thank you, Kim!" sabi ni Carl.

"Sandali lang kukuha lang ako ng maiinom!" paalam ni Kim at dumiretso na sya sa kusina upang kumuha ng juice.

Makaraan ang ilang minuto ay bumalik na si Kim na may dalang strawberry juice.

"O uminom ka muna!" alok ni Kim kay Carl. 

"Thank you!" pasasalamat ni Carl. "Feel ko parang ayaw mo akong makita ah?" tanong ni Carl na may halong tampo ang tono ng pananalita.

"Hindi naman sa ganoon! Di ka na sana sumunod dito, naabala ka pa tuloy!" sabi ni Kim.

"Ano ka ba! Di naman ito abala sa akin! Kim, gusto ko ito kaya ko ito ginagawa!" wika ni Carl.

"Sige ikaw ang bahala! Basta walang sumbatan ha?" Tanong ni Kim.

"Oo naman Kim! So may gagawin ka ba ngayon? Let's have dinner!" yaya ni Carl.

"Tonight? Okay!" pagpayag ni Kim sa paanyaya ni Carl. "Eh san ka ba tumutuloy? Tsaka paano mo nalaman na dito ako tumutuloy?" tanong ni Kim.

"Before I booked for a flight going here, I asked Tita Menchu kung saan ka tumutuloy. Then I just check in Renaissance Hollywood Hotel and Spa para di gaanong malayo." sagot ni Carl.

"Ah okay! Well, thank you for visitng me here!" sabi ni Kim. "Wait lang ha magbibihis lang ako para makaalis na tayo." paalam ni Kim.

Tumango lang na nakangiti si Carl kay Kim.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Kim at sila ay umalis na.

Nagpunta sila sa Hollywood Blvd at kumain sila sa Trastevere Ristorante na isang Italian Restaurant. Doon sila sa labas umupo para pwede silang manood sa mga taong namamasyal doon. Masarap pati ang simoy ng hangin kaya doon ang pinili nila.

Umorder na sila. Hindi ganoon kadami ang tao ng mga oras na iyon. Kaya naiserve agad sa kanila ang kanilang order.

Nagsimula na silang kumain. Nagkwentuhan sila habang kumakain.

Nang matapos silang kumain ay naglakad lakad sila sa kahabaan ng Hollywood Blvd. 

"Kim, sorry ha!" basag ni Carl sa katahimikan nila.

"Sorry for what Carl?" tanong ni Kim.

"Sorry sa mga nagawa ko! Sorry kung sinundan kita dito!" pahayag ni Carl.

"Kalimutan na natin iyon Carl! Wala na naman akong magagawa eh. Nangyari na naman ang lahat. Ang dapat mong gawin ay wag na dapat iyon maulit." wika ni Kim.

"I'll promise Kim! Hinding hindi na iyon mauulit!" sabi ni Carl na itinaas pa ang kanang kamay na animo'y nanunumpa.

"Carl, promises are made to be broken! Kaya wag kang mangako, gawin mo na lang iyon!" sabi ni Kim.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon