Chapter 49

14.1K 140 53
                                    

Chapter 49

Nang dumating sila sa bahay ng mga Chiu ay dumating na din si Edison na galing sa opisina nito.

Nakita din nilang abalang abala si Eda sa paghahanda ng hapag. 

May kare-kare, sinigang na hipon, inihaw na tilapia, lumpiang gulay na sariwa at bistek tagalog.

"Wow! Ang dami naman po nito! Lalo akong nagutom ah!" bulalas ni Xian ng makita ang nakahain sa lamesa nila.

"Kain na po tayo! Nakahanda na po ang hapag!" yaya ni Eda.

"Hello Eda! Kamusta ka? Mamaya na ang pasalubong mo ha, gutom na ako eh!" sabi ni Xian.

"Hi Kuya Xi! Okay lang yun!" sagot nito.

Dumulog na silang lahat sa hapag.

"Namiss ko ang mga putaheng iyan ah!" wika ni Joey ng makita ang mga nakahaing putahe sa lamesa.

"Kayo po ba ang nagluto ng lahat ng ito Nay Zheny?" tanong ni Laureen.

"Oo Lau! Pero yun lumpia eh si Eda na ang gumawa kasi sumama na ako kina Menchu sa pagsundo sa inyo eh." sabi ni Nay Zheny. "Hala magsi-upo na kayo ng makakain na!" dagdag ni nay Zheny.

"Hmmm.. Matikman nga itong gawa ni bunso!" sabi ni Kim na umupo na.

Maya maya ay may nagsalita galing sa may pintuan.

"Teka abot pa ba ako?" bulalas ni Tay Chen na kadadating lang galing trabaho.

"Tay!!!" sigaw ni Kim na tumakbo palapit kay Tay Chen at niyakap ito.

"Kim, anak! Mabuti at nakauwi kayo ng maayos dito!" sabi ni Tay Chen na niyakap din si Kim.

"Namiss ko po kayo!" sabi ni Kim ng magbitaw sila sa pagkakayakap na medyo naluha pa.

"Namiss din kita!" sabi ni Tay Chen na pinunanasan ang pisngi ni Kim.

"Itong mag-ama ko madrama ah! Halina kayong dalawa dito ng makakain na. Alam kong mga gutom na tayong lahat." sabi ni Nay Zheny.

"Ang Nay naman eh! Nagmomoment pa kami ni Tay eh!" sabi ni Kim.

Nagtawanan ang lahat at nagsimula na silang magsalo-salo.

Tahimik lang ang lahat habang kumakain sila.

Si Xian ay bumulong kay Kim.

"Babe, sabihin na natin sa kanila!" bulong nito kay Kim.

Tumango lang si Kim bilang pagsang-ayon.

"Ahhmm.. Ehem.. May sasabihin lang po akong importanteng bagay." basag ni Xian sa katahimikan ng lahat.

"What about it son?" tanong ni Edison.

"Ako din po may sasabihing mahalagang bagay." sabi ni Joey.

"SIge Kuya Joey mauna ka na sa sasabihin mo!" sabi ni Xian.

"Laureen and I wanted to invite you all sa engagement party namin next week." sabi ni Joey.

"It will be held sa bahay namin." dugtong naman ni Laureen.

"Finally! Akala ko mauunahan pa kayo nila Xian at Kim eh!" sabi ni Mama Menchu.

"Kasunod na kami Ma! Coz we've got engaged while we're in L.A." sagot naman ni Xian.

"WHAT?" sabay na sabi nila Nay Zheny at Tay Chen.

"Talagang duet pa kayo Nay, Tay?" tanong ni Kim.

"Seryoso ba kayo anak?" tanong ni Nay Zheny.

Pinakita ni Kim ang singsing na suot nya.

"Wow! Ate Kim ang ganda naman nyan! Bagay na bagay sa kamay mo!" bulalas ni Eda.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon