Chapter 50

14.9K 160 78
  • Dedicated kay itsmecarine88, SollyManalo, and princesskilig
                                    

Chapter 50

Makalipas ang isang buwan ay nagsimula na sila Kim at Xian na mag-asikaso para sa kanilang kasal.

Hands on sila sa pag-aasikaso dahil gusto ni Kim na maging memorable ang kanilang kasal. Pero nag-hire pa din si Xian ng wedding coordinator na magiging katulong ni Kim para mas mapaganda ang kanilang kasal.

"Babe, hindi na naman natin kailangan ng wedding coordinator. Kaya ko naman asikasuhin ang lahat ng ito eh." sabi ni Kim ng minsang mag-dinner sila ni Xian.

"Alam ko naman na kayang kaya mo iyan Babe, pero ayoko namang mapagod ka ng husto. I want you to be more beautiful and amazing sa wedding day natin." sabi ni Xian.

"Eh mas lumalaki ang gastos natin eh. Remember wala pa tayong bahay at magsisimula pa lang tayo. Hindi naman ganoon kalaki pa ang naiipon ko." sabi ni Kim.

"Babe, don't worry about sa mga gastos natin. I'll handle it. Ako ang lalaki kaya ako ang bahala sa lahat." sabi ni Xian.

"Ay hindi naman ako papayag nun! Remember we are one in this wedding kaya dapat may share din ako." sabi ni Kim.

"Ikaw ang bahala Babe! Pero as much as possible ako na muna ang bahala." sabi ni Xian.

"Ikaw ang bahala pero sana naman eh bukas hindi tayo nakatunganga!" pahayag ni Kim.

Tumawa lang si Xian saka ito nagsalita.

"Ang Babe ko talaga! Hinding hindi po yun mangyayari. Before I enter into this eh napaghandaan ko na po ang lahat." sabi ni Xian. "Wala ka bang tiwala sa akin?" dagdag nito.

"Hindi naman sa ganoon! Syempre malaki ang tiwala ko sayo. Kaya lang hindi mo din naman maiaalis na mag-alala ako para sa future natin." sabi ni Kim.

"Babe basta magkasama tayong dalawa eh makakayanan natin ito." sabi ni Xian.

Tumango lang si Kim bilang pagsang-ayon.

"Before I forgot, may pupuntahan nga pala tayo after we finished our dinner." sabi ni Xian.

"Ha? Saan tayo pupunta?" takang tanong ni Kim.

"Basta. Finished your meal first para mapuntahan na natin yun!" sabi ni Xian.

Kunot-noong tinapos ni Kim ang kanyang pagkain.

After nilang magbayad ay umalis na din sla.

"Babe, I have to blindfold you first para sa surprise ko." sabi ni Xian ng makapasok sila sa kotse nito.

"Ha? Kailangang may ganito talaga?" sabi ni Kim.

Nakangiting tumango lang si Xian.

"Babe ha, I warned you! Don't do anything or else.." sabi ni Kim na hindi na natapos ang sasabihin dahil sa hinalikan na siya ni Xian sa labi.

"Or else what?" tanong ni Xian matapos nyang halikan si Kim.

Umiling lang si Kim matapos gawin yun ni Xian.

"Trust me Babe! Wala naman akong gagawing masama." sabi ni Xian.

"Okay!" maikling sagot ni Kim.

"I love you Babe!" sabi ni Xian.

"I love you more Babe!" sagot ni Kim.

Nilagyan na ni Xian ng blindfold si Kim saka nito pinaandar ang kanyang sasakyan.

"Malayo pa ba tayo Babe?" tanong ni Kim.

"Medyo Babe!" sagot ni Xian na nakangiti ng sinulyapan si Kim.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon