Chapter 38
Nagpatuloy pa ang kanilang kwentuhan habang nagsasalo salo sila.
Napuno din ng tawanan ang hapag na iyon.
Ng matapos ang kanilang salo-salo ay hindi na din nagtagal si Kim sa bahay nila Xian. Naintindihan naman iyon ng pamilyang Lim. Inimbitahan na lang ulit sya ni Mama Menchu na magbalik doon sa ibang araw na pinaunlakan naman ni Kim.
Inihatid na ni Xian si Kim sa kanila upang makapagpahinga na din at sinabing susunduin na lang bago mag-6:00pm para sa Mr. & Ms. Global Seed.
Naihatid na ni Xian si Kim. Hindi na din nagtagal doon si Xian kasi dadaanan pa nya yun damit nya sa boutique ni Laureen.
Ng makaalis si Xian ay nagpahinga muna si Kim.
5:00 pm na ng magsimulang mag-ayos si Kim.
Kumatok si Eda sa kanyang kwarto.
"Ate Kim, andito na si Kuya Xian." anunsyo ni Eda.
Ha? Ang aga naman yata nya! Excited ang peg ng Babe ko ah!
"Sige Eda sabihin mo saglit lang at nagbibihis na ako!" sabi ni Kim.
Makalipas ang kalahating oras ay bumaba na si Kim.
Napatulala si Xian ng makita si Kim sa ganoong ayos.
Humapit kasi sa hubog ng katawan ni Kim ang kanyang damit. Kulay white tube top iyon na tinernuhan ng black square pants. Ito ang damit na binigay ni Xian sa kanya. Nakalugay lang ang mahabang buhok nito na kinulot ang dulo. Simple at light ang make-up nito na lalong nagpalabas sa angking ganda nito.
Si Xian naman ay gwapong gwapo sa kanyang suit na mula naman sa boutique ni Laureen. Neat looking at smart looking ang dating nito.
"Babe!?" sabi ni Kim ng makitang nakatulala si Xian. "Okay lang ba ang suot ko?" dagdag na tanong ni Xian.
Hindi agad nakasagot si Xian.
"Uy! Ano?" tanong ulit ni Kim.
Noon lang natauhan si Xian.
"Ha? Ah eh... Sorry kung napatulala ako! Ngayon lang kasi ako nakakita ng napakagandang babae eh! Bagay na bagay sayo yang damit mo!" sabi ni Xian na kumawala ang isang ngiting abot hanggang tenga.
"Naks naman! Ikaw na talaga ang magaling mambola! Ano tara na ba?" sabi ni Kim.
"Uy hindi ako nambobola ha! Kahit tanong mo pa kay Eda at Nay Zheny!" sabi ni Xian na tumingin sa dalawa pagkasabi noon.
"Tama si Kuya Xian, Ate Kim! Bagay na bagay sayo yang damit mo!" sabi ni Eda na nagthumbs up pa. "Baka ikaw Ate ang makoronahan mamaya ah!" dagdag ni Kim.
"Sus! Nagsama pa ang dalawang magaling mambola!" sabi ni Kim na umiling na lang.
"Hindi kami ganoon, Ate Kim! Totoo lahat ang sinasabi namin!" sabi ni Eda.
"Hala tama na yan! Lumakad na kayo at baka mahuli pa kayo dahil sa traffic." sabi ni Nay Zheny.
"Sasabay ka ba sa amin Eda?" tanong ni Kim.
"Oo Ate, pwede ba?" tanong ni Eda.
"Oo naman! Kami lang naman ni Kim ang sakay ng kotse eh!" sabi ni Xian.
"Oo Eda, baka mamaya kung san ka lang pumunta eh!" sabi ni Kim.
Nagpaalam na sila kay Nay Zheny. Wala pa si Tay Chen ng mga oras na iyon kaya pinasabi na lang ni Kim na umalis na sila.
BINABASA MO ANG
Reunion of Hearts (Completed)
FanfictionWhat will happen after 10 years of not seeing and being together with your best friend? Will the love you feel towards him/her grow or will it stay the same how you feel for him/her as before? Find out here in the story of two best friends whom bein...