Chapter 30

18.4K 125 52
  • Dedicated kay HannahCuencaDeeDante, kathmiranda12 and moratz15
                                    

Chapter 30

Matapos nyang makausap si Edison ay nagkita naman sila Kim at Maja. Sa Strabucks sila nagkita sa Serendra.

"Oh girl how are you? Bakit biglaan naman yata itong pagkikita natin?" tanong ni Maja ng makita na nya si Kim. Nauna kasing dumating si Kim doon bilang malapit lang ang opisina nya doon.

"Hmmm.. Ayaw mo ba akong makita?" tanong ni Kim na may halong pagtatampo.

"Ay ang bata nagdradrama! May problema ba?" sagot ni Maja.

"Wala naman girl! I'm so confused lang sa mga nangyayari at nalaman ko!" sabi ni Kim na isinabunot pa ang kamay sa kanyang buhok.

"Nangyayari at nalaman mo? Ano ito girl? Can you please explained it further!" sabi ni Maja.

"Oo girl! Madami nangyayari ang hindi ko maipaliwanag kung bakit iyon nangyayari. Madami din akong nalaman na dapat noon ko pa nalaman para hindi na ito nangyayari ngayon!" paliwanag ni Kim.

"Ha? Tungkol ba saan ito girl? Mukhang complicated ah!" sabi ni Maja na nalilito na din.

"Complicated talaga girl!" sambit ni Kim.

"Tungkol ba saan, kanino or ano ba ito?" tanong ni Maja.

"Ganito kasi yun girl, I've talked to Papa Edison and nakwento nya sa akin ang mga pinagdaanan ni Xian sa States. My God girl ang dami pala nyang pinagdaanan doon. I judged him agad. Di ko muna inalam ang mga pangyayari. Naguguluhan na ako girl." sabi ni Kim na nakahawak sa kanyang ulo.

"Teka, my feelings ka ba kay Xian?" tanong ni Maja.

Nabigla si Kim sa kanyang narinig mula kay Maja at hindi agad sya nakasagot. Napayuko si Kim habang nag-iisip ng kanyang sasbihin kay Maja.

"Hmmmm.. Meron ba akong dapat malaman girl?" sabi ni Maja.

"Okay! Aaminin ko sayo girl pero promised me na wala kang pagsasabihan nito kahit kay Mat ha?" sabi ni Kim.

"Oo naman girl! Hindi naman ako madaldal! You can trust me naman." sabi ni Maja.

"Thank you! Well, simula pa noong mga bata pa tayo I have this feelings na for Xian. Noong una, binalewala ko ito kasi mga bata pa kami. Then when we were in high school lalo itong nag-grow but I kept it to myself kasi ayaw ko na malaman nya ito at baka masira friendship namin. But I realized na mahal ko na sya noong magkalayo kami." pahayag ni Kim.

"Kung ganoon bakit mo sinagot si Carl?" takang tanong ni Maja.

"Sinagot ko sya sa pag-aakalang engaged na nga si Xian at ikakasal na sya." sabi ni Kim. "But believe me, natutunan ko din mahalin si Carl. Nakita ko ang mga efforts nya at kung gaano nya ako kamahal but then he cheated on me." dagdag ni Kim.

"I believe you girl. Naiintindihan na kita ngayon." sabi ni Maja.

"Gulong gulo ako girl! Bumalik lahat ng feelings ko kay Pards after I heard Papa Edison's story! And now I'm longing to see him." sabi ni Kim. "Tapos ngayon dumagdag pa itong si Superman! I think I'm falling for him too. Kasi somehow may similarities sila ni Pards and sya ang nakikita ko everytime I read his emails!" sabi ni Kim.

"Hindi kaya si Superman at si Xian ay iisa lang?" tanong ni Maja.

"That I don't know!" sabi ni Kim.

"So anong plano mo ngayon?" tanong ni Maja.

"Siguro uumpisahan ko muna sa pagkilala kung sino talaga si Superman." sabi ni kim.

"Sige girl! I'll help you with that!" sabi ni Maja.

"Thank you girl! Di ko lang talaga alam ang gagawin ko." sabi ni Kim.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon