Chapter 2

27K 115 28
                                    

CHAPTER 2

Hindi mapakali si Kim sa naging desisyon nya na makipagdeal kay Xian. Madaming tanong ang naglalaro sa isip nya. Paano kung di sya magtagumpay, ano ang hihinging premyo ni Xian. Nasa ganung kalagayan sya at hindi nya namalayan na katabi na pala nya si Xian. Lunch break nun at nasa canteen sila. 

"Pards! Bakit natutulala ka dyan?" panggugulat ni Xian sa nakatulalang Kim.

"Uy Pards andyan ka na pala! Ah wala may naalala lang ako!" Sabe ni Kim.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Xian. Kahit mapang-asar itong si Xian eh malambing at maalalahanin naman ito. At yun ang ilang ugaling nagustuhan ni Kim sa kanya.

"Ah hindi pa! Inaantay ko kasi kayo. Nasan na sila Mateo at Maja?" saad ni Kim.

"Andun nabili na ng kanilang pagkain. Tara bili na tayo gutom na kasi ako!" yaya ni Xian.

"Sige Pards may baon akong pagkain. Pinaghanda ako ni Nay eh. Sige bili ka na dun, hintayin ko na lang kayong tatlo." sabi ni Kim.

"O sige intayin mo ko dyan. Madali lang ako." sabi ni Xian.

Pagkaalis ni Xian, dumaan ang isang grupo ng mga babae. Si Naomi kasama ang kanyang mga bruhang friends. Kaklase din nila ito na malaki ang paghanga kay Xian. Nag-audition din ito sa cheer leading kaso di nakapasa kahit ang height at hubog ng katawan eh pang modelo. Kaya galit na galit ito kay Kim.

"Well, well, well! Look who's here girls!" mataray na sabe ni Naomi.

"Ako ba ang tinutukoy nyo?" tanong ni Kim.

"Eh sino pa ba? Wala namang ibang tao dito kundi ikaw lang." Sabi ni Denise.

"Oh anu naman ba ang gusto nyo?" matapang na sabi ni Kim.

"Wala naman! Ah wait! I want you to back out on the cheer leading squad para makapasok ako!" Mataray na sabe ni Naomi.

"Ahhh... Yun lang ba? Pwes, kung sa tingin mo eh masisindak mo ako eh nagkakamali ka. Nag-audition ako at ginawa ko naman ang lahat para makapasa ako. So I don't need to back out just to give way to you!" sabi ni Jade.

"Okay! If you think you've win in this battle, well I'm sorry to tell you my dear cause the battle is just starting!" sabi ni Naomi. Sabay irap at talikod kay Kim.

Nakalayo na sila Naomi pero nakatulala pa din si Kim. Malalim ang iniisip tungkol sa sinabe ni Naomi sa kanya. Nagulat na lang sya ng may magsalita sa tabi nya. 

"Uy Pards okay ka lang ba? Kanina ka pa ganyan ah!" nag-aalalang tanong ni Xian.

"Oo nga girl! Anu bang nangyayari sayo?" dagdag ni Maja.

"Ah.. Wala! Okay lang ako! Gutom lang siguro! Tara kain na tayo!" pag-iiba ni Kim sa usapan.

"Hay naku Kim! Mukhang gutom nga lang yan." sabi ni Mateo.

"Oh eto binilhan kita ng juice at buko pandan. Alam ko naman na paborito mo ito." sabi ni Xian habang iniaabot ang juice at buko pandan kay Kim.

"Wow!!! Salamat Pards!" nanlalaking mata na sabi ni Kim. Buti naiba na ang usapan at hindi na sila nagtanong pa. Mabuti nalang din at hindi nila nakita sila Naomi.

Natapos ang araw na yun na puno ng pag-iisip si Kim. Di nya napansin na kanina pa nagriring ang kanyang cellphone. 

"Uy girl! Bakit ba wala ka sa sarili mo? Di mo ba nakikinig na nagriring ang cellphone mo?" sabi ni Maja.

"Ha?! Ay teka lang si Pards natawag!" sabe ni Kim.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon