Chapter 35
Kinabahan si Kim habang nagsasalita yun nasa kabilang linya. Boses lalaki iyon at hindi nya iyon mabosesan kung sino......
"Yes I am Kim Chiu. Who's this?" kinakabahang tanong ni Kim.
Biglang naputol ang linya.
Hmp! Bastos ah! Binabaan ako ng phone!?! Ano kaya ang problema nun?
Sandaling tumigil si Kimat nag-isip.
Kung sino ka man, hindi mo ako masisindak! Basta alam kong wala akong ginagawang masama.
Tumayo na si Kim at hindi na pinansin iyon sa halip ay nagpatuloy na lang sya sa paghahanda at baka mahuli pa sila sa party.
Matapos nilang gumayak ay umalis na din sila.
Hindi pa nagsisimula ng sila ay dumating.
Sinalubong agad sila ni Xian at kinuha ang dala ni Tay Chen na adobong luto ni Nay Zheny. Ibinigay naman iyon ni Xian kay Manang Tasing at ipinahain sa lamesa. Konti pa lang ang tao doon. Hindi naman gaano nag-imbita si Xian. Ayaw kasi nyang maagaw ang attention nya kay Kim.
Nagsimula na ang mass. Magkatabi sila sa likod ng kanilang mga magulang.
"You look great tonight Pards!" bulong ni Xian kay Kim.
"Thank you! You look great too, Pards!" sabi naman ni Kim.
Ngumiti lang si Xian kay Kim.
Matapos nilang purihin ang isa't isa ay mataman na silang nakinig sa misa.
Nang matapos ang misa ay nagsalo-salo na sila sa hapag.
Asikasong asikaso ni Xian si Kim kulang na lang ay subuan din niya ito.
"Salamat sa pagpunta nyo dito Zheny and Chen pati na din sa mga bata! Salamat din sa masarap na adobong niluto mo Zheny!" pasasalamat ni Menchu.
"Walang anuman iyon. Namiss din kasi namin itong si Xian eh. Hindi nga ako makapaniwala na nandito na sya." sabi ni Zheny. "Salamat din at nagustuhan nyo ang simpleng regalo namin sa pagbabalik ni Xian." dagdag ni Zheny.
"Namiss ko din po kayo Nay!" sagot ni Xian. "At ito pong dala nyo ay hindi simple, kundi napaka-espesyal! Ang sarap nga po eh! Namiss ko mga luto nyo!" sabi pa ni Xian.
"For good ka na ba dito?" tanong naman ni Tay Chen.
"Opo Tay! I want to spent time naman with my family. Siguro if I will go there eh for vacation na lang." sabi ni Xian na tumingin kay Kim.
"Xian will be part now ng Topsitop starting this Monday." anunsyo ni Edison.
"Wow! Welcome back Pards!" sabi ni Kim na nakipag-apir pa kay Xian.
Nagpatuloy sila sa pagkain at ng matapos sila ay nagkanya kanya silang kwentuhan.
Lumabas sa garden sila Kim at Xian.
Naupo sila sa isang bench doon. Tahimik lang sila habang pinagmamasdan ang kabilugan ng buwan.
"Pards, pwedeng magtanong?" basag ni Xian sa katahimikan.
"Ano yun Pards?" balik na tanong ni Kim na nakatingin pa rin sa buwan.
"Anong nangyari sa inyo ni Carl at bakit nagbreak kayo, if you don't mind?" sabi ni Xian na tumingin sa kanya.
Napatingin din si Kim kay Xian. Hindi aagad sya nakasagot.
"Your silence means you don't want to discuss it anymore!" sabi ni Xian. "Eto na lang, naging masaya ka ba sa kanya?" tanong ni Xian.
BINABASA MO ANG
Reunion of Hearts (Completed)
FanfictionWhat will happen after 10 years of not seeing and being together with your best friend? Will the love you feel towards him/her grow or will it stay the same how you feel for him/her as before? Find out here in the story of two best friends whom bein...