Chapter 31

18K 145 51
  • Dedicated kay AkosiPamGen, hellowder and Tinylianne
                                    

Chapter 31

Pagpasok nya ay binuksan nya ang kanyang laptop saka binasa ang card....

Pards,

Thank you so much for your understanding though what happened was not fully cleared to you. And because you're talking to me na, I owe you a lot! Basta lagi mong tatandaan na walang araw na hindi kita inisip. 

I'll see you very soon Pards! I miss you so much!

Xian <3

Napangiti si Kim matapos nyang mabasa ang nakasulat sa card. 

I believe in you Pards! I'm sorry kung pinagdudahan kita noon. Babawi din ako sayo pagbalik mo. I'll wait for your comeback!

Nakita ni Kim na may email sya galing kay Superman. Naalala nya na matagal na din nya itong hindi nakakausap sa email.

Dali dali nyang binuksan yun email nito sa kanya.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ni Kim habang binabasa nya ang email na iyon.

Happy. Kasi nagka-usap na si Superman at ang bestfriend nya at namiss sya ni Superman.

Sad. Kasi namiss din nya si Superman.

Guilty. Kasi feeling nya na inaagaw nya yun time ni Superman para sa bestfriend nya.

Jealous. Kasi okay na sila ng bestfriend nya meaning less na ang time nya for me.

Tama ba itong nararamdaman ko? Nagseselos ako?

Pumikit ng mariin si Kim bago nagmulat muli.

Magrereply ba ako sayo Superman o lalayuan na lang muna kita?

Ano ba itong nangyayari na ito? Please God help me with this! Sana matapos na ito. Haaaay! 

Nagpasya si Kim na hindi na muna magreply kay Superman. Mag-iisip isip muna sya tungkol sa kung ano ba talaga ang nararamdaman nya para kay Superman.

Ibinaling nya ang kanyang atensyon sa mga tulips na binigay ni Xian sa kanya. Nagpasya syang itext si Xian.

To Xian: Pards, hindi na kita tinawagan kasi alam ko na nasa work ka na. I just texted you to say Thank you sa mga lovely tulips na pinadala mo dito sa bahay. I'm really glad that somehow di mo nakalimutan ang paborito ko. Till here Pards. Thank you again and take care! <3

Sinend na niya iyon at natulog na sya. 

Maya maya ay tumunog ang cellphone nya. Nakita nya na may text si Xian sa kanya. Napabalikwas sya at biglang nawala ang antok. Binasa nya iyon agad.

To Kim: You are always welcome Pards. I'll do anything just for you! I'm glad that you like it. And FYI, hinding hindi ko talaga iyon nakakalimutan. Lahat ng memories natin ay fresh na fresh sa puso at isip ko! Sige magpahinga ka na! Talk to you soon! Take care! <3

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Kim matapos nyang basahin ang text ni Xian. At nakatulog sya na may ngiti sa kanyang labi.

Sa Los Angeles...

Matapos magreply ni Xian sa text ni Kim ay tinawagan nya si Laureen.

Agad naman sinagot ni Laureen ang tawag ni Xian.

"Hello Little Bro! What made you call in this hour?" sabi ni Laureen.

"Ate Lau, sorry to disturb you from sleep. I just want to say thank you for you help! Nagtext na si Kim saying that she received the tulips! Thank you Ate!" sabi ni Xian.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon