Chapter 46
"Babe....." bulong ni Xian.
Biglang napabalikwas si Kim.
Pumiglas ito sa pagkakayakap ni Xian.
"Sino ka?" gulat na tanong ni Kim.
"Babe! Ako ito!" sabi ni Xian habang lumalapit kay Kim.
"Dyan ka lang! Wag kang lalapit! At bakit Babe ang tawag mo sa akin?" sabi ni Kim na nakasandal sa may bintana.
"Ano ka ba! Ako ito si Xian!" sabi ni Xian na lumapit sa switch upang buksan ito.
Biglang nagbukas ang ilaw sa loob ng kwarto ni Xian.
"X-I-A-N!?!?" bulalas ni Kim na nanlaki ang mata.
"Yes! Ako nga Babe!" sabi ni Xian habang lumalapit kay Kim.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kim.
"Teka, di ba ako dapat ang magtanong nyan sayo? Anong ginagawa mo dito sa L.A. at anong ginagawa mo dito sa kwarto ko at yakap yakap mo pa yang coat ko!" sabi ni Xian.
Namula si Kim at hindi nakasagot kay Xian saka nito binitawan ang coat.
Oo nga no? Nasa kwarto nga pala nya ako!
Napayuko na lang si Kim ng makita nya ang kanyang suot.
Nakapantulog na kasi sya noon. Isang manipis na nighties. Agad nyang dimapot ang coat at itinabing ito sa katawan nya.
Napansin naman ni Xian ang pagiging awkward ni Kim kaya iniba na lang nya ang usapan.
"Seriously, anong ginagawa mo dito sa L.A.?" tanong ni Xian na umupo sa upuan na malapit sa pinto ng kwarto nya.
"Ahmmm.. Pumunta ako dito para magbakasyon!" sabi ni Kim.
"Ahhmmm... Yun lang ba?" tanong ulit ni Xian.
Tumango lang si Kim.
"Akala ko ba ayaw mo akong makita pero bakit nandidito ka?" tanong ni Xian.
"Wala pa kasi akong nakikitang hotel eh. Don't worry bukas na bukas magcheck in na ako sa isang hotel." sagot ni Kim na lumakad na patungong pintuan upang lumabas na.
"Bakit aalis ka na? Kadadating ko lang eh aalis ka na?" sabi ni Xian na humarang sa pinto.
Walang nagawa si Kim kung hindi ang umupo sa gilid ng kama.
Tahimik din na umupo si Xian sa tabi ni Kim.
"I missed you!" sabi ni Xian sa mahinang boses.
Hindi sumagot si Kim sa sinabing iyon ni Xian.
"I'm sorry Babe! I know madami na akong sama ng loob na ibinagay sayo. But please give me another chance? Hindi ko na alam ang gagawin ko." sabi ni XIan.
Tumulo ang masaganang luha sa mata ni Kim.
"Babe, I love you so much! Sabihin mo lang kung ano ang dapat kong gawin para manumbalik ang pagtitiwala mo sa akin." sabi ni Xian.
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Maya maya ay nagsalita na si Kim.
"Honestly, I came here for you Xi! Alam ko na ang buong katotohanan. At kaya nandito din ako upang humingi din ng tawad sayo. I know I'm being hard on you at kahit papaano ay nasaktan ko din ang kalooban mo. Sorry Xi!" sabi ni Kim na nakatungo habang pumapatak ang luha.
Tumayo si Xian sa harap ni Kim at inalalayan nya ito sa dalawang braso nito upang itayo.
"Totoo ba ito?" tanong ni Xian na tinitigan si Kim sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Reunion of Hearts (Completed)
FanficWhat will happen after 10 years of not seeing and being together with your best friend? Will the love you feel towards him/her grow or will it stay the same how you feel for him/her as before? Find out here in the story of two best friends whom bein...