CHAPTER 3: Long Time No See

36 0 0
                                    

"Lavender!"

Lumingon ako sa likod ko pero wala naman atang tumatawag saken. Inisip ko baka guni-guni lang yun. Haha. Sa dami ba naman ng tao dito sa Divisoria eh baka hindi lang naman ako ang Lavender sa mundo noh? Makapaglakad na nga ulet.

"Lavender!"

Lumingon na naman ako sa likod ko pero wala naman talaga. Tsk. Sino ba kasi ung tawag nang tawag? Kainis naman eh. Whatever. Di ko na pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglakad.

"LAVENDEEEEEEEEEEEEER!!!!"

"Ano b----" Paglingon ko ay bigla akong sinunggaban ng isang babae at niyakap,"H-hoy! T-teka nga! Sino ka ba?"

"Di mo na‘ko naaalala?" Sabi nung babae, mukhang kaedaran ko lang rin.

"Magtatanong ba'ko kung kilala kita? Saka teka nga---bat ka nangyayakap bigla dyan?!"

"Haaay di ka pa rin nagbabago, Lavender. Takot ka pa rin sa physical contact! Ahihihihi!"

"Teka kilala ko yang tawa na yan ah! Hmmmm...Cadence!"

"RIGHT!"

I'm sooooo happy! Nakita ko ulet ung kababata ko! Kaibigan (bestfriend, actually) ko na si Cadence Glochenspielle (pronounce as Glü-ken-spiyel. Sosyal ng surname nya noh? Foreigner kasi eh. XD) since kinder pa kami. Mayaman sya, mabait, at napakaganda talaga. Fil-Am sya, ung daddy nya ay foreigner. Haha. Naalala ko nung 7 years old pa lang kami lagi kaming naglalaro sa ulan kasama si Ren-Ren (crush namin pareho ni Cadence dati. :""">), kaso si Ren-Ren nagmigrate na sa America kaya kami na lang ni Cadence ung sabay lumaki. Oooh anasaveeeh! Grabe sobrang namiss ko sya. Pano kasi pagkagraduate namin ng elementary, nawalan na'ko ng balita sa kanya.

"Oh kamusta ka naman?", tanong ko kay Cadence.

"I'm fine. Thank you. How about you?" Sabi nya na nakabungisngis pa.

"Sobrang formal naman neto. Hahaha. Pa-english english ka pa dyan!" Hindi na’ko magugulat kung hanggang ngayon ay nag-eenglish pa rin si Cadence dahil bata pa lang kami, ganyan na talaga sya. Laking America kasi. Halos inuntog ko na nga ung sarili ko sa pader nung bata pa kami dahil di ko talaga maintindihan noon ang mga pinagsasasabi nya saken eh. Buti ngayon kahit papaano taglish na. Hahaha. 

“You know what, Lavender, natatawa ako sayo kanina!”

“Bat na naman? Haha.”

“Don’t tell me naiilang ka pa sa physical contact pati na rin around boys?”

“Sinabi mo pa! Mula talaga nung nangyari un saken nung bata pa ako, hindi na talaga ako nagbago.”

“So as in naiilang ka talaga around boys noh?! My God, I could never forget that pervert boy! Nung hinipuan ka nya, I mean hinawakan nya ung pwet mo! OMG talaga!“

“Haaay nako pinaalala mo pa! Sobrang na-trauma ako dun kaya eto na ang naging epekto saken.“

"Hihihi. Anways, balita ko scholar ka sa papasukan mong college ah, sa Harell University?" Tanong nya saken tas hinila nya ako at nagkwentuhan kami habang naglalakad.

"Chos. Haha. Scholar nga ako, alam mo naman wala kaming pera pang-tuition dun."

"Grabe talino mo talaga! I know even in high school, you’re also a scholar. Hihihi!"

Marami kaming napagkwentuhan sa tagal ng panahon na di kami nagkasama. Syempre marami rin akong gustong malaman tungkol kay Cadence dahil sobrang napag-iwanan na ata ako ng panahon sa dami ng bagong happenings sa buhay nya. :"(

"You know what, after elementary graduation, my dad brought me to States para dun mag-aral ng high school." Kwento ni Cadence. Ang swerte talaga nya! =)))

The Heartstring GrapplersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon