"Bat kaya ganun, Lou-Lou? Bat ganun ung Silver na yun kanina?" Hindi na naman ako makatulog. Dumadalaw na naman si insomnia eh.
"Arf! Arf!"
"Hindi ko sya maintindihan eh, bigla na lang syang naging masungit eh."
"Arf! Arf!"
"Hindi nya ba alam na natatakot ako sa kanya!? Nakakainis sya!"
"Arf! Arf!"
Eh kasi naman kanina, bago kami umuwi, ang tahimik nya tas di nya ako kinakausap. Nakakabother tuloy. Kaya hindi ako makatulog. Di ko pa nga naeexplain sa kanya ung nangyari eh, tas susungitan nya na'ko? Unfair naman yun!
Teka nga, kailangan ko ng makakausap eh.
Lumabas ako ng kwarto ko at kumatok sa pinto ni Papa. Sana di pa sya tulog.
"Papa?"
"Oh, anak? Ano yun?"
"Tulog na po kayo?"
"Oo tulog na, nagsi-sleeptalk lang ako.. Malamang hindi pa, kaya nga kita kinakausap eh!"
"Papa naman!"
"Hehehe.. Ano ba yung kailangan mo?"
"Pwede pong hiramin ung cellphone nyo? Nasira na po kasi ung cellphone ko eh."
"Naku kabago-bago pa ng cellphone mo nasira agad? Kakabili ko lang nyang IPhone5s mo ah!"
"Grabe Papa! Hiyang-hiya naman ung 3210 kong uugud-ugod na noh! Dali na kasi Papa! Peram na'ko cellphone mo!" Abnoy talaga to si Papa! Hahaha.
"Osiyasiya! Ingatan mo yan! Baka magasgasan yang Nokia ko ah!"
"Oo na po! Ang tanong may load ba to?"
"Syempre! Anong tingin mo saken, poor?"
"HUWAW NAMAN! Papa umaasenso ka na talaga ah! Sige po, balik ko na mamaya ah. Babush!"
Minsan parang may tililing din talaga yun si Papa. Pagpasensyahan na po, may lahing abnoy lang talaga kami hehehe.
Bumalik na'ko sa kwarto. Actually, tatawagan ko sila Cadence at Gneiss eh. Hihingi ako ng payo sa kanila.
"Hello? Cadence, Gneiss!" Naka-conference kaming tatlo ngayon. Oh antaray ng lola nyo noh? Hahahaha. XD
[Oh bes! Why did you call?] Tanong ni Cadence.
"May itatanong kasi sana ako sa inyo ni Gneiss eh."
[Are we talking about girl stuffs here?] Gneiss giggled.
"Uhm, medyo.. Parang ganun na nga, uhm.."
[Go on, Lavender, where listening.] Cadence said knowingly. Parang alam nya na ata ang itatanong ko eh.
[I knew it! You're going to ask about you and Silver's date tomorrow right?] Ampupu. Bat alam ni Gneiss!? Tsk.
"Oo na! Sige na! Ganun nga!" Badterp. This is embarassing. Huhuhu. "Ano kasi.. Galit ata sya saken eh.."
[ERMYGAWSH! LQ again! So sweet!] Bigla ba namang sumigaw si Gneiss sa tenga ko! Muntik ko na tuloy maihagis ung cellphone ni Papa! Ampotekkk.
"Makasigaw, wagas! Baka gusto mo pang ilakas yan, Gneiss?! Haaaay nako. Hindi kasi ganun noh! LQ LQ ka dyan? Walang ganun! Hindi ko nga ba maintindihan sa ungas na yun eh! Bigla-bigla na lang nagagalit! Tsk!"
BINABASA MO ANG
The Heartstring Grapplers
RomanceWhat if one day, you discovered na magpapakasal ka na pala? Pano na lang ang True Love? Yan ang napakalaking problema ngayon sa love story ni Lavender Lagdameo. Ano ang kahihinatnan ng buhay niya pag nadiskubre nya na kung sino at ano ba talagang kl...