CHAPTER 26: Picture Perfect

15 0 0
                                    

"Papa!" Napayakap ako kay Papa nung nakita ko sya. Syempre kahit isang gabi lang kaming hindi nagkasama eh nag-alala na’ko sa kanya.

"Lavender, anak! Oh Silver! Halika pasok kayo!" Yaya ni Papa samen. Kala nya siguro nakakalimutan ko na.

"Ikaw Papa, nakakainis ka kagabi! Bakit mo'ko pinatulog dun sa condo ni Silver?!"

"Lavender naman, ano pa bang ikinakagalit mo? Ayos naman kayo pareho ah. Diba Silver? Musta, nakabuo ba kayo?"

"Papa!" My cheeks are burning with humiliation. Pano nakakapag-usap ng ganun sila Papa sa harap ko?! Somebody please explain that to me!

"Hehe hindi po, Papa. Hindi pa nga po kami kinakasal eh." Tuwang-tuwa sabi naman ni Silver kay Papa. Bwisit talaga ung ungas na yun! :/

"Grabe kayong dalawa! Andito kaya ako sa harap nyo tas ganyan ung mga usapan nyo?!" Nakapamewang kong sabi sa kanilang dalawa.

"Alam mo anak, malaki ka na. Dapat openminded ka na." Inakbayan ako ni Papa. "Basta pagka kinasal na kayo, gusto ko magkaapo agad ha?"

"AY GRABE! Papa naman!"

Grabe! I can't take this anymore! Sobrang napapahiya na’ko sa mga sinasabi ni Papa. Tas kung kung nakita nyo pa ung reaction ni Silver. Nako pangiti-ngiti lang ang ungas! Siguro naalala nya ung kagabi, ung mga panananching nya saken!

"Si Papa talaga." Nakangiting sabi ng mokong na yun. Feel na feel nya talaga tawaging Papa ung Papa ko noh! Epalogs talaga yan! Argggh!

"Sige na, sige na. Pwede ka na umalis. Diba may gagawin ka pa?" Pinagtutulakan ko na palabas si Silver. Mamaya umabot pa sa kung saan ung mga usapan nila eh. Grabe lang talaga tong dalawang to. Deadly pala pag pinagsama haaaay.

"Uhm, sige po, Papa. I‘ll go ahead." He waved goodbye.

"Sige na, alis na." Ansama ko man sa inyong paningin, wala akong pake. Hahaha. Eh kasi nakakaasar na talaga ung epalogs na yun eh.

"Bye Lavender." Ikikiss nya pa sana ako sa cheeks pero hinarangan ko ng kamay ko ung mukha nya.

"Oh! Hahabol pa eh! Sige na, alis ka na!"

Then he gave me a toothy smile.

Yehey nakaalis na sya! Paglingon ko, nakatingin lang saken si Papa.

"Nak, hindi ko gusto ung ginawa mong pagpapaalis kay Silver ah. Magiging mag-asawa na kayo. Dapat irespeto mo sya na parang asawa mo."

"Sus naman Papa! Okay lang yan, di naman maooffend yun eh! Subukan lang nya noh, sapak sya saken!"

"Grabe ka anak, manang-mana ka talaga sa Mama mo, palaban masyado. Nabuo ka nga dahil nirape nya ako eh!"

"Wow naman Papa! Hiyang-hiya naman sayo ung kaluluwa ni Mama noh! Mama, may you rest in peace." Natatawang sabi ko.

"Hehehe. So anong nangyari kagabi?" Binigyan ako ni Papa ng isang mkahulugang tingin. Ung nang-iintrigang tingin.

"Papa! Iniexpect mo talagang may nangyari kagabi?"

"Hindi naman." Nagkibit-balikat lang si Papa, "Pero kung meron man, hindi naman ako magtataka dahil normal lang sa inyong mga kabataan ang maging mapusok."

"Grabe ka talaga! Ibang-iba ka talaga Papa! Dapat nga pinapagalitan mo na’ko ngayon dahil natulog kami ng magkasama ni Silver sa isang kwarto eh!"

"Alam mo anak, may tiwala ako sa inyong pareho ni Silver. Saka kung may mangyayari man----"

"ANONG ‘KUNG MAY MANGYAYARI MAN?!‘ Ikaw talaga Papa!"

"Sandali lang, sinasabi ko lang naman. Kung may mangyari man, ayos lang yun dahil ikakasal na rin kayo."

The Heartstring GrapplersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon