CHAPTER 30: My Explainable Feelings

14 0 0
                                    

<LAVENDER'S POV>

Lub-dub. Lub-dub. Lub-dub.

Bakit hindi ako makagalaw? I wanted to turn away but I can't move. I can't breathe. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Nakakabwisit ung pagmumukha nya. Nung una parang dreamy pa ung expression nya eh. Tapos nung parang nagregister na sa utak nya na nandito ako ngayon sa harap nya at nakikita ko sila, sobrang gulat na gulat sya. Bigla nya pa ngang naitulak palayo ung Poison Ivy na yun eh. Tss. Ngayon pa. Huli na sya.

"Lavender, let me explain!" He called. But I ran away.

Hindi ko maintindihan pero parang sumikip ung dibdib ko, nag-init ung ulo ko at kumulo ung dugo ko sa nakita ko kanina. Tumigil ang oras. Bumaliktad ang mundo. Nagyelo ang impyerno. Parang pinagtakbluban ako ng langit at lupa. Anong klaseng pakiramdam to? What's happening to me?! O______O

There's nothing left for me to do but to run. Pero bat ganun? Parang wala akong makita? Ang labo-labo ng paligid! Saka bat basa tong mukha ko? Teka umuulan ba? Ayy shemay umiiyak ba ako?! Ampotekkk. >:/

Takbo dito, takbo doon. Yan ang ginawa ko. Palabas na sana ako ng gate nung biglang may dalawang malalaking lalake na humarang sa daanan ko. Bwisit naman oh! Sasabay pa sila sa init ng ulo ko?! Tsk.

"Miss, hindi daw po kayo pwedeng lumabas!" Sabi nung isang lalake.

"Bat hindi?! Lalabas ako kung gusto ko!" Naiinis na‘ko ah. :/

"Miss, hindi po talaga pwede!" At talagang joined forces pa sila sa pagpigil saken? Eto ang tatandaan nila. Ang taong galit, lahat kayang gawin. Adrenaline rush.

"Umalis kayo sa dadaanan ko." Galit na galit kong sabi pero nagtitimpi na lang ako.

"Miss, bumalik ka na sa loob." Hinawakan ako nung lalake sa balikat. 

And that was it. Sumabog na lahat-lahat ng galit at hindi maipaliwanag na pakiramdam sa loob ko. Sa sobrang galit ko, hindi na‘ko nakapagpigil at hinila ko ung kamay nung lalaki sabay tinuhod ko ung tiyan nya. He fell on his knees. So I did the same to the other guy. Tinapakan ko ung paa nya tas in-uppercut ko pa sya. Aray ah! Ang sakit! Ang tigas pala ng bungo ng lalaking to. :/

Tapos tumakbo na agad ako paalis. Wala na talaga akong makita. Everything around me is hazy. Ang gulo-gulo! Ang daming tumatakbo sa isip ko. Andami kong tanong na wala namang kasagutan. Hindi ko maintindihan! Walang nagsisink-in sa utak ko. Parang nag-hang sa sobrang tagal magloading.

This is stupid. 

I don't even know why I cry. Hindi ko na to kinakaya. Ang sakit ng dibdib ko.. 

Di na‘ko makahinga.. 

Haaay buti na lang may nakita akong malaking flat na bato. Teka upo muna ako dito. Asan na ba ako? I'm sure naliligaw na naman ako. But who cares? Lagi naman talaga eh.

Muntanga na akong kanina pa umiiyak dito. Buti na lang walang ibang dumadaan. Kundi iisipin nila baliw na‘ko. Shemay naman kasi eh! Bat ba kasi ako umiiyak?! Pesyeng luha naman to oh. Tsaka bakit paulit-ulit nagfaflashback sa utak ko ung nakita ko kanina? Si.. Si.. Siya at tsaka si Ivy.. 

They were.. 

They were kissing.. 

Hindi ko maipaliwanag to pero somehow, sobrang naapektuhan ako ngayon dahil sa nakita ko kanina.

"Lavender." Ha? Teka? Nasundan nya ba ako dito?! Ampotek naman oh. Galit na galit talaga ako ngayon. And he's the last person I want to see right now. I can't even say his name! -_______-

Inangat ko ung ulo ko para makita sya. Mukhang halimaw! Arrgggh! Kumukulo na naman ang dugo ko! Pag nakikita ko ung mukha nya, naaalala ko ung nakita ko kanina. >:/

The Heartstring GrapplersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon