CHAPTER 33: I'm Growing A Year Older

13 0 0
                                    

"Maligayang bati.."

I heard someone humming to my ears.

"Sa iyong pagsilang.."

Binuksan ko ung isang mata ko para silipin kung sino ung kumakanta.

"Maligaya maligaya.."

She's looking at me intently.

"Maligayang bati."

And now she's smiling at me.

"Happy birthday, Lourrin."

I woke up with a start. Panaginip lang pala. Teka, Lourrin daw ba? Wala pang tumatawag saken sa second name ko maliban kay Hadrienne. Saka babae ung nasa panaginip ko eh. Hmmm. Sino kaya ung babae yun sa panaginip ko? Hindi masyadong malinaw ung features pero parang mejj matanda na sya eh. Siguro mga kaedad ni Papa, parang ganun. O_______o 

Teka, teka, anong oras na ba? 5am. Hhmm. Aga pa pala. Ang sarap-sarap kaya matulog dito sa bago kong kama hahahaha. Ang himbing ng tulog ko eh. Di naman pala nakakatakot matulog mag-isa eh. Saka sa weekends masisimulan ko na ung plano ko sa kwarto ko. Hahaha magpapainting ako! Exciting! XD

Ayan tuloy di na'ko makatulog sa sobrang excitement. Hayaan mo na nga, tutal papasok na rin ako maya-maya. Lumabas na'ko sa kwarto ko at bumaba sa hagdan. Feel na feel ko talaga pati ung cute na cute na hagdan namin eh! I love everything about this house! :)

Binuksan ko muna ung main door para magpahangin pero nagulat na lang ako ng may nakita akong malaking rectangular box sa tapat ng pinto.

A gift.

Naku si Papa talaga! May pa-surprise surprise pang nalalaman! Kunwari iiwan pa sa labas ng pinto namin para di ko akalain na sya. Eh obvious naman! Hahahaha. XD

Bubuksan ko na ba o mamaya na? Hmmm. Buksan ko na nga! Naeexcite na'ko eh! Umupo ako sa cute na cute na sofa dala-dala ung gift ni Papa. Inalog-alog ko muna ung box at pinakinggan ung tunog. Hmmm. May peculiar sound! Nakakaintriga talaga. Buksan ko na nga!

Eto na, tinatanggal ko na ung gift wrapper..

Ayan na, binubuksan ko na ung box..

Eto na..

OH. MY. GOD.

OHMYGOD! I'M GONNA DIEEEEEEE!

Isang buong sketchpad and a lot of different coloring materials! Merong oil pastel, tons of color pencils, paint brush of different sizes, poster paints, and a hell lot more!!!

I TOTALLY LOVE THESE! ♥_______♥

Tumakbo agad ako paakyat sa kwarto ni Papa sa sobrang saya ko! Wala nang katok katok. Sabi nga ni Papa, wala nang patumpik-tumpik pa, karakaraka!

"Papa! Papa!" Sigaw ko sabay yakap agad kay Papa.

"Ay anak ng----ano ba yun Lavender?! Bat ka nanggigising dyan?" Naalimpungatang tanong ni Papa. Pero di ko sya pinansin. Patuloy lang ako sa pagyakap at pagkiss sa cheeks nya.

"Tha nk you, Papa! Gustong-gusto ko talaga ung regalo mo saken! San ka kumuha ng pera pambili ng mga yun? Umamin ka Papa, sumayaw ka na naman sa gay bar noh?!"

"Teka nga, anak! Matagal na'kong retired dun!" Sabi ni Papa tas bumangon na sya. Kinamot nya pa ung ulo nya. "Saka ano bang regalo ang sinasabi mo? Di ko pa nga nababalot yung binili ko kahapon eh!"

"H-Ha?" Naguguluhan ako. O______O

"Ung regalo ko kako, di ko pa nababalot." Inaantok pang sabi ni Papa.

"Ha? Eh kanino galing ung regalo sa labas ng pinto?"

"Asang regalo? Patingin nga---AWAWAW!" Nagulat si Papa nung pinakita ko ung malaking box na nakita ko sa labas kanina. "Ang dami naman! San galing yan?"

The Heartstring GrapplersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon