Oo na, oo na. First day kasi ng pagtututor ko kay Klein ngayon. Shemay. -_______-
Mula ngayong araw, lagi ko nang tututoran tong ungas na to tuwing dismissal namin eh. Haaaay.
Habang naglalakad kami, bigla niya na lang hinawakan ung ID niya tas pinakita saken. "Alam mo kung ano to?”
“Duh! Syempre ID! Anong tingin mo saken tanga?”
“Alam mo Love, sana ID na ang kita,” Naging parang sad ung expression nya then he looked me in the eyes, “Para pag nawala ka, alam nilang akin ka.”
I was stupefied. “A-ano.. B-bakit.. Baliw!” I stuttered.
“HAHAHA! Why are you blushing?”
“Hindi noh! Tara na nga!”
”WEH! Cute mo talaga, Love! Anyways, milady. As you say, pupunta na tayo sa parking lot."
Hinila ni Klein ung kamay ko. Bayun. Sinubukan kong kunin ung kamay ko pero ang higpit ng hawak. Kaynis talaga tong manyak na to oh! Ewan ko ba, iba talaga ung feeling pag hawak nya ung kamay ko or madikit lang ung balat ko sa kanya. Parang nakakakuryente na ewan. Haaay.
"Silver Klein, bitawan mo na ung kamay ko." I said firmly.
"Oh, sorry." He smiled sheepishly. Pero. Hindi nya pa rin binitawan ung kamay ko. The hell.
"Klein."
"Okay, okay." Binitawan nya na ung kamay ko this time.
"San tayo?"
"Basta. Chill ka lang."
Pagdating namin sa parking lot, nakita ko ung yellow na Porsche. Yun na ata ung sasakyan nya, pinagbuksan nya ako nung pintuan ng kotse.
"San nga tayo papunta?"
"Gusto mo dyan na lang tayo sa loob ng kotse." He smiled knowingly. Andumi talaga ng utak ng lalaki to noh?
"ANO?! Sapak gusto mo?"
"Edi dito na lang tayo sa labas." Then he walked towards me wearing that predatory look in his face.
"H-hoy! Ano na naman ba yan? Dyan ka lang!" Napausog ako ng napausog hanggang sa halos napahiga na’ko sa hood ng Porsche nya, siya naman patuloy sa paglapit saken hanggang sa ma-trap na’ko. I was caught between his arms. Tas sobrang lapit na ng mukha nya saken.
"Much better." He grinned slyly.
"Pag di ka pa lumayo saken, magreresign na talaga ako." With that, he stopped short. Lumayo na rin sya. Ha! Yan lang pala katapat mo ha? XD
"San na tayo pupunta?"
"We'll hit the supermarket first. Gutom na’ko eh."
"Okay, fine. Whatever."
"Milady." He said. Potek.
Pagpasok ko sa kotse, nahilo agad ako. Ambaho parang nasusuka ako. Ugh. Car fresheners.
"Lavender? You okay?"
"Uhm, medyo nahihilo lang ako, ambaho ng car freshener mo eh."
"Sorry, I didn't know---"
"Okay lang.." Nagulat na lang ako nang biglang papalapit na nang papalapit saken si Klein.
"Huy Klein----" Sinubukan ko syang itulak pero tuloy-tuloy pa rin sya sa paglapit. Then his face is really, really, really close now. Napapikit na lang ako dahil wala na’kong mgawa. Hinintay ko na lang na gawin nya ung gusto nyang gawin at..
Walang nangyari.
"Uhm, Lavender? Bat ka nakapikit?" Dumilat ako at nakita kong inadjust lang pala ni Klein ung seatbelt ko para maisuot nya ng maayos saken. Whew, that was close.
BINABASA MO ANG
The Heartstring Grapplers
RomansaWhat if one day, you discovered na magpapakasal ka na pala? Pano na lang ang True Love? Yan ang napakalaking problema ngayon sa love story ni Lavender Lagdameo. Ano ang kahihinatnan ng buhay niya pag nadiskubre nya na kung sino at ano ba talagang kl...