CHAPTER 2: I Hate Goodbyes

30 0 0
                                    

OM! This is it! This is very is it is it ng bonggang-bongga! Chos. Haha. Gagraduate na meeee! =)))) :(

Maaga akong gumising para magpaayos sa parlor kahit na mamayang 6pm pa magsisimula ung Graduation rites. Syempre kahit papano naman pinag-ipunan ni Papa ung graduation ko dahil mahalaga sa kanya ang edukasyon. Buti na lang mabait ung si Ate Pam na may-ari ng parlor at sagot nya na daw ang beauty ko! Hahaha. Nakakatuwa naman, parang lahat masaya ngayong araw. Kaso medyo nalulungkot pa rin ako. :(

"Lavender, anak! Congratulations! College ka na! Anak wag ka munang magpapakananay ha? Hehehe." Sabi ni Papa nung lumapit sya saken habang inaayusan ni Ate Pam ung buhok ko.

"Papa talaga! Syempre magtatapos pa nga ako ng pag-aaral eh! Saka magpapakananay agad? Diba pwedeng mag-asawa muna?" Haaaay. :(

"Joke lang hehehe. Nakooo dalaga na talaga ang anak ko, wag ka muna magpapaligaw ah?"

"Lagi mo na lang sinasabi yan, Pa! Syempre hindi na talaga ako pwedeng magpaligaw!" :(

"Kinaklaro ko lang hehe. Osiya, mag-aayos rin muna ako. Aakyat sa stage ang Papa mo kaya dapat magmukha akong Tom Cruise!"

"Gwapo ka na, Pa. Ikaw ang pinakagwapong papa sa buong mundo! Hehehe."

"Ikaw talaga, Lavender. Manang-manang ka talaga saken, sinungaling hehe. Joke lang! Osiyasiya!"

Pagkatapos kulutin ni Ate Pam ung buhok ko eh minake-upan naman nya ako. Sabi ko ayoko ng makapal na make-up kasi nangangati ung mukha ko. Saka para natural lang din ung itsura.

"Ayan, ang ganda ganda mo talaga, Lavender." Sabi ni Ate Pam. Syempre flattered ang lola nyo! >:)

So mga bandang 4:30pm, sinuot ko na rin ung uniform ko at ipinatong ung toga ng dahan-dahan para di magulo ung buhok ko. Haha. Shet feel na feel ko na! Gagraduate na’koooo! Parang 4 years ago, nagmamadali akong maging Senior para makagraduate na’ko, tapos ngayong andito na’ko, parang gusto kong magbackout. Huhuhu. =))) :(

"Handa na ba ang maganda kong anak?" Bigla nagmaterialize sa harap ko si Papa na nakabihis na rin. Nuxx mukha ngang Tom Cruise ah! XD

"Ready na po, Papa!" Chos. Pinanindigan talagang ako ung "magandang" anak eh noh? Hahaha.

"Edi tara na! Mamaya malate pa tayo, di pa kita masabitan ng medal mo!"

Pagdating namin sa school, nagulat ako. In fairness maganda ung pagkakaayos nila. Red carpet pa talaga ung aisle. Haha. May flower pots pa sa stairs on the way to the stage. Dondo. :)

Sa left side nung aisle nakaasign ung students. Sa right naman ung parents. Marami na ring andun na mga schoolmates ko. Nagulat ako at andun na rin si Hadrienne at kasama nya syempre ung parents nya. I caught his father looking intently at me. Haaay. Yaan mo na nga sya.. Si Hadrienne.. shet ang gwapo nya.. :"""">

"Boo!" Tinawag ko sya at lumingon naman sya agad. Tumakbo na agad sya papunta saken.

"Papa, wait lang ha?" Sabi ko kay Papa at tumakbo na rin ako papunta kay Hadrienne.

"TeeDee!" Niyakap ako ni Hadrienne. Napansin kong pinagtinginan kami nung mga schoolmates namin nung niyakap nya ako.

"Boo! Ang aga mo ah andito ka na agad?" I pulled away to see his face.

"You look beautiful." He said quietly as he tucked a loose strand of my hair behind my ear. I know, I know. Nagbublush na naman ako for sure. :/

"Weh? Ikaw rin, ang gwapo mo." I muttered under my breath, nahihiya ako na marinig nya ung compliment ko sa kanya. Hahaha.

"Pardon?"

"Ha? Ah wala. Buti naman andito si Tita Cath at si.. Tito Ego." Un ung mga magulang ni Hadrienne.

The Heartstring GrapplersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon