Everything was different in school since Silver's announcement. I guess it will never be the same again. Feeling ko nagbago lahat mula nung sabihin ni Silver sa public na ‘girlfriend‘ nya daw ako. At meron pa talaga syang ‘we‘ve been togethe since God-knows-when‘ na nalalaman. Great. Just great.
Alam mo ung tipong pag maglalakad ka, lahat ng makakakita sayo, ngingitian ka at magha-hi sayo. Instant celebrity eh noh? Hahaha. Napag-alaman ko rin na talk of the town pala ngayon ang pagiging ‘kami‘ ni Silver.
Isa tong malaking kalokohan. -_______-
Lahat naririnig kong pinag-uusapan kami, ganito ganun. Blah blah blah. Grabeee lang talaga.
Ung mga nadadaanan ko, ang sinasabi, "Hi Lavender, congrats!"
"Ah hehe.. Sige.." Oo na lang ako eh. Ano pa bang magagawa ko? Haaay.
Ung iba naman, "Congratulations, Lavender! Bagay kayo!"
"Thanks.." Sows. Parang kailan lang tinitingnan pa ako ng taas-baba ng mga to eh. Tss buti na lang I don't hold grudges. Okay, minsan lang haha. But not in their case. Hindi naman sila ung nagpakalat ng pictures eh. Nakuuuuu lagot saken ung salarin na yun, papaslangin ko talaga sya pag nakilala ko sya! Dahil sa kanya, napagkakamalan pa‘kong girlfriend nung ungas. Amputsss. -_______-
Papasok pa lang ako ng room ko pero nakita ko ng nag-aabang sila Cadence at Gneiss sa may pinto.
"So Lavender! Should we celebrate your monthsary with Silver?" Excited na tanong ni Gneiss. Monthsary? Joke ba yun? O______o
"I'll take care of your dress, Lavender! I already talked to Uncle Victor and I have arranged meetings to different fashion designers." Sabi naman ni Cadence.
"GRABE?! Seryoso ba yun? Sinabi mo kay Tito Victor?" Sabi ko pagpasok namin sa room. Tss. Late na naman yun si Silver. Not that I care.
Their faces fell with what I said.
"Lavender, please? Kahit bilang compensation lang sa hindi mo pagsasabi samen na kayo na pala ni Silver! Ohmigosh!" Pag-iinarte ni Gneiss. Nagkatinginan kami ni Cadence. Hehehe. Narealize kong si Gneiss na lang pala ang walang kaalam-alam sa mga pangyayari hahaha. Eh kasi naman somehow, alam talaga ng barkada ni Silver na ikakasal sya (pero di alam kung sino). Alam rin syempre ni bes. Si Gneiss lang talaga. XD
"Gneiss, hindi nga kasi kami!" Sabi ko na lang.
"Don't deny it, Lavender! I knew it from the very start! Sinasabi ko na nga ba eh, padeny-deny ka pang nalalaman!" Binelatan ako ni Gneiss. Kulet talaga netong lukaret na to. Hahaha.
"Hindi nga kasi eh!"
"Yeah Lavender." Cadence winked at me. Alam kong nakikiride na lang sya kay Gneiss eh. Haha. "I promise I'll make us beautiful during that night. Besides, I just can't wait to dress you up!" That night? Wow. So mukhang napagplanuhan na talaga nila ung party daw na monthsary chuchu. Grabe lang talaga.
"Eh kasi marami pang bagay na mas dapat nating pagtuunan ng pansin kaysa dun eh. Eh diba meron pang papalapit na outreach activity ung school natin? Dapat dun tayo magfocus para mkatulong tayo sa ibang tao."
"Iboto Lavander Lagdameo para sa Senado! Whooo!" Biglang may nagsigawan sa likod ko.
Paglingon ko, sila Thrace at Icon pala. Nag-hi sila saken. (Sayang wala si Yuren! Hindi ko tuloy sya maiinterview tungkol kay Cadence!) Kararating lang nila, kasama ung ungas na ngiting-ngiti pa talaga. Tss.
"Miss me?" Biglang nilapit saken si Silver ung mukha nya kaya napausog ako.
"Anobayan! Tsk!" Tas tinulak ko ung mukha nya palayo. Talaga tong manyak na to, hindi man lang nahiya!
BINABASA MO ANG
The Heartstring Grapplers
RomanceWhat if one day, you discovered na magpapakasal ka na pala? Pano na lang ang True Love? Yan ang napakalaking problema ngayon sa love story ni Lavender Lagdameo. Ano ang kahihinatnan ng buhay niya pag nadiskubre nya na kung sino at ano ba talagang kl...