CHAPTER 36: Child At Heart

12 0 0
                                    

“Hmm hmmmmm hmmm..“ Papunta na‘ko sa first class ko ngayong araw.

Today is a fresh start for all the students. Kakatapos ang ng first sem ng school year and the second one enters. Actually masakit pa rin ung katawan dahil sa basketball game namin last time pero buti naman nakakaya ko na. Si Cadence din mejj gumagaling na ung paa dahil nga sa----Oh, I don‘t really want to remember it anymore. -______-

“Hmmmm hmm hmmmm..“

Pagpasok ko sa room, iilan-ilan pa lang tao sa loob. Oh well. Baka magpapalate ung karamihan. May outreach program kasi ung batch namin mamaya mga during lunch. Pupunta kami sa isang orphanage. Actually pwede na hindi mag-class ung may mga morning classes pa ngayon. Pero ung ibang masisipag, pwede rin pumasok. Pwede rin magvolunteer sa pagtulong sa pagrerepack nung mga ibibigay namin sa orhanage mamaya.

Ako naman, magcaclass ngayon tapos maya-maya, pupunta na mamaya sa Batch Council para tumulong sa pagrerepack. :)

Pagdating ko sa chair ko para umupo, nagulat na lang ako nung may nakapatong na isang tulip na kulay purple sa table ko. Na naman? Simula nung matapos ung basketball game, lagi ng ganito ang umaga ko. Laging may tulip sa table ko. Tapos may nakataling letter dun sa tangkay. Nung binuksan ko:

Good morning. Smile. :)

Yun lang ung nakalagay. Simpleng-simple. Pero napangiti ako. Teka kinikilig pa rin ba ako?! Peste naman oh. >/////<

Kanino kaya galing to? Hmmm.

“Diba sabi ni Peter Pan, when you think happy thoughts you‘ll fly?“ 

“Ha?“ Nagulat ako paglingon ko kasi tapat ko na si Silver. Kabute talaga to. Biglang sumusulpot. -_______-

“Eh bat pag iniisip kita.. I fall?“

“A-A-Ano?! Ewan ko sayo! Baliw!“ Leshe naman oh. Lakas na naman makabanat netong mokong na to eh. Nangangamatis na naman ang mukha ko neto for sure.

“Do you like the flower?“ Sabi nya as he dragged another chair closer to mine.

“Ha? Sayo galing to?“ Nagulat ako. So pati ung mga tulips nung mga nakaraang araw kanya rin galing?

“Why are you shocked? Shouldn‘t it be obvious? Bakit, may iba bang nanliligaw sayo?!“ He grinned as he come closer.

“Baliw! Parang ewan to, syempre wala! Tss. Uhm.. ano, salamat..“ Nakayukong sabi ko. Leshe bat ako nahihiya?

“Do I get a kiss?“ He said. Nagulat ako kasi sobrang lapit ng mukha nya saken. Naka-lean pa sya sa armchair ko. I can smell his breath.

“Baliw! Tumigil ka nga dyan!“ Tinulak ko palayo ung mukha nya but he caught my hands.

“Why? A kiss isn‘t much of a request from your fiancé, right?“ He whispered. His lips are less than an inch close to mine.

>_______<

“Find a room!“ Natulak ko bigla ung mukha nung manyak na yun dahil sa gulat ko nung may sumigaw. Nakatayo sa likod nya sila Cadence at Gneiss. Pati sila Yuren, Icon at Thrace.

“Istorbo!“ Silver exclaimed.

“Andaming langgam, dude! Tapakan mo dali!“ Asar ni Icon habang nakatingin samen. Tapos kunwari may mga tinatapakan sya sa sahig. Ampupu naman sila eh!

“Langgam lang ba? I thought ipis na eh! Iniipis na ung room natin, dude!“ Dagdag naman ni Thrace at nag-apir pa talaga sila ni Icon. Buti na lang di na dumagdag pa si Yuren. Kaso tawa naman ng tawa sila Cadence at Gneiss.

Teka may naalala ako. “Hoy Thrace! Sa pagkakaalala ko may atraso ka pa saken ah?!“

Thrace stiffened suddenly. “Aah.. Haha.. Let‘s just forget about that, Lavender. New sem, new life!“ Oh ngayon ngingisi-ngisi lang sya dyan? Wahahahaha.

The Heartstring GrapplersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon