Anong oras na ba? 7:00pm. Shzt late na pala! Kailangan ko na umuwi kaso sobrang lakas ng ulan. Magpapatila na lang muna ako sandali tas aalis na ako maya-maya. :/
Binuksan ko na lang muna ung tv for weather update kasi ayokong pumasok ulet sa kwarto ni Silver eh. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko pag andun ako eh.
Umupo ako sa sofa, niyakap ung isang throw pillow, at kinuha ung remote. Nilipat-lipat ko ung channel. Wow feel at home ako masyado ah. Hahaha. Ansarap talaga netong dark chocolate na kinakain ko! XD
Narinig siguro ni Silver na nakabukas ung tv kaya lumabas siya ng kwarto.
"Wow, look at my very sexy and hot tutor. Nanonood lang ng tv." He said sarcastically but he smiled.
"Baket bawal magpahinga?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nah, I'm just saying." He grinned. Tas umupo siya sa tabi ko. I scooted farther. Dumadamubs na naman tong manyak na to ah. O______O
Tahimik lang kaming nanood ng tv. Kakainis naman oh. Bat ngayon pa umulan? Badtrip pano ako uuwi neto. Ugh. :/
"Love, nabalitaan mo na ba? Umapaw na daw ung dam!" Sabi ni Silver. Bigla tuloy akong napatingin sa kanya.
"Ha?! Saang dam?!"
"Ung DAMdamin ko sayo."
"Aypotekkk! Bwisit ka akala ko naman kung ano na!" Hinampas ko ung balikat. Loko-loko talaga tong ungas na to! >_______<
"And yet you're blushing! Hahaha! Lika nga dito!" Bigla niyang hinawakan ung kamay ko tas hinila ako papalapit sa kanya.
"Anoba Silver! Ikaw manyak ka talaga eh!" Pagkahila niya saken, bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Eto na naman.. Nahihilo na naman ako..
"Sige na kasi, Love! Papakasal na rin naman na tayo eh!"
"Anong sige na kasi ka diyan!? Bitawan mo nga ako!" Pilit akong nagpupumiglas pero mahigpit talaga ung pagkakayakap niya saken eh. Kakagatin ko na sana ung kamay niya kaso bigla akong napatigil sa balita sa tv.
*Flash Report*
Saglit pong pinuputol ang palabas para sa isang nagbabagang balita. Naglandfall na po ang bagyong si Maria Regina Cristina Jennigail Mania Pili, kilala rin po bilang si bagyong Redge sa Luzon at kasalukuyan pong nasa Signal no. 1 ang Baguio, Tagaytay at Laguna. Signal no. 2 naman po sa mga bahagi ng Cavite, Quezon City, Bicol, Nueva Ecija. At signal no. 3 na po sa Manila at Metro Manila.
Eto po si Kuya Kimmy, nagsasabing ang buhay ay weather weather lang. Samantala, saksihan natin ang mga maiinit na eksena sa ‘Dukutin Mo Ang Puso Ko‘.
Salamat po.
*End of Flash Report*
ANAK NG PITUMPU'T PITONG PUTING TUPA NAMAN OH! Kaya naman pala ang lakas ng ulan eh! Pero ang weirdo naman ng bagyong Redge na yan! Sa Metro Manila at Manila, Signal no. 3, pero ung pinagigitnaan nilang Quezon City, Signal no. 2 lang. I smell something fishy. O_______o
Saka paano ko uuwi niyan ngayon? Sigurado baha na dun sa isang barangay na dadaanan bago makapasok sa mismong barangay namin kaya di na'ko makakadaan. Kung sa mismong bahay namin, wala namang problema kasi di naman bahain yun dahil mataas naman ung lugar namin. Ung isang barangay nga lang na daanan ang mababa. Minsan nga kahit wala pang Signal pero malakas ang ulan, binabaha na talaga dun eh. Arggggh bakit ngayon pa? :'(
"Lavender? Bat ka di makaimik dyan? What are you thinking?" Biglang nagsalita si Silver sa tabi ko, pulling me out of reverie.
Suddenly, a horrible thought dawned upon me. Kung hindi ako makakauwi ngayong gabi, where am I supposed to stay the night? AND THERE'S NO WAY NA MATUTULOG AKO MAG-ISA DITO SA CONDO NA TO KASAMA TONG MANYAK SA TABI KO! No way! Halaaaa pano na gagawin ko?
BINABASA MO ANG
The Heartstring Grapplers
RomanceWhat if one day, you discovered na magpapakasal ka na pala? Pano na lang ang True Love? Yan ang napakalaking problema ngayon sa love story ni Lavender Lagdameo. Ano ang kahihinatnan ng buhay niya pag nadiskubre nya na kung sino at ano ba talagang kl...