Nakatulog na pala ako. Kaso nagising na naman ako. Badterp. Bumangon muna ako para umihi kasi parang sasabog na ung pantog ko eh. Haaay para akong zombie habang naglalakad. Inaantok pa ako eh. Paglabas ko ng kwarto, nagulat ako at nag-iimpake na si Papa.
"Oh Lavender, gigisingin na dapat kita eh. Lilipat na tayo ngayon. Merong mga pinadala si Victor na tutulong saten." Napansin kong parang malalim ung eyebags ni Papa. Siguro di pa sya natutulog mula kanina. :(
"As in ngayon na talaga?"
"Oo ngayon na. Wala ng patumpik-tumpik pa, karakaraka!" Hala grabe naman! Teka, anong oras na ba? Hmm. 4am pa lang ng madilim araw. Ang aga pa! Isang oras pa sanang tulog yun bago gumising dahil may pasok pa ako mamaya. Gusto ko pa matulog eh! :(
Mabilis lang akong naligo para matulungan ko si Papa na mag-impake. Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko, bigla akong kinausap ni Papa.
"Lavender anak, ayos ka na ba?"
"Ano pong ibig nyong sabihin?" I tried to sound nonchalant, like nothing's wrong. Pero deep inside, binabagabag pa rin ako ng maraming tanong na gumugulo sa isip ko. Tss leshe naman. :/
"Sigurado ka? Eh pano yan mamaya pagpasok mo sa school? Handa ka na bang makita ulet ang poging-poging mukha ng boypren mo?"
"HA?! Sinong boypren, Papa?! Wala noh!"
"Minsan may pagka-eng eng ka rin talaga, anak, noh? Si Silver kasi ang tinutukoy ko. Masyado ka namang defensive napaghahalataan ka tuloy!"
"Yuck naman, Papa! Asa! Boypren? Si Silver? Never! Saka ano naman kung magkita kami eh hindi naman ako affected sa mga nangyari kagabi?"
"Baket, wala naman akong sinabi tungkol sa nangyari kagabi ah?"
"Ah.. eh ano.. Uhm sabi ko nga wala nga.." Ampotek mabubuking pa ata ako. Lalong titindi ang pang-aasar saken ni Papa neto eh! >_______<
"Ay alam na! Umamin ka na, Lavender, nagselos ka eh! Diba? Diba? Diba?" Eto na nga ba ang sinasabi ko eh!!
"Ano?! Hindi kaya, Papa! Asa naman noh? Bat naman ako magseselos?"
"Nagseselos na yan! Nagseselos na yan!"
"Papa! Hindi nga eh! Papa naman eh! Pareho kayo ng sinasabi nung ungas na yun eh! Never akong magseselos noh!"
"Oh kita mo? Pareho pala kami ng iniisip ni Silver! Ibig sabihin nyan nagseselos ka talaga. Ano ka ba, anak? Bat parang di mo kilala ang sarili mo? May pagkamanhid ka rin noh? Mana ka tlaga sa Mama mo eh hahahaha!" Ewan ko sayo, Papa. Basta ang alam ko hindi ako nagseselos. Alam ko yun. Alam na alam ko yun. -_______-
"Haaay ewan, Papa! Bilisan na nga lang natin!"
"Ibig sabihin payag ka ng lumipat tayo?" Excited na tanong ni Papa. Haaaayz. -________-
"Hindi pa rin po! Pero para lang matigil na ung pang-aasar nyo saken, gawin na natin to, Papa!"
"That's my daughter! Haha." Tse. Paenglish-english pa to si Papa! Hahaha.
"Fine. Lezzdothis!" XD
Finally, nailagay na namin sa mini-truck lahat ng mga natitira pa nam ing gamit. We're off to our new home! Haaay kahit ayoko talaga sana lumipat. Ayoko lang kasing tumatanggap ng kahit ano sa ibang tao. Nagkakaroon tuloy ako ng utang-na-loob. Eh sa lahat pa naman ng utang, yun ang pinakamahirap bayaran. But I know I must admit that I'm kinda excited. Para kasing bagong buhay, bagong pag-asa. Chos! Hahaha.
Saka mas maganda na rin, may mapagkakaabalahan na rin ako para makalimutan ko ung nakakabwisit kong experience kagabi. Tama! Siguro pwede akong magkabit ng mga kurtina and stuffs, mga christmas decorations ganun! Octobet na rin naman na eh! Hahaha. XD
BINABASA MO ANG
The Heartstring Grapplers
RomanceWhat if one day, you discovered na magpapakasal ka na pala? Pano na lang ang True Love? Yan ang napakalaking problema ngayon sa love story ni Lavender Lagdameo. Ano ang kahihinatnan ng buhay niya pag nadiskubre nya na kung sino at ano ba talagang kl...