CHAPTER 4: The First Encounter

70 0 0
                                    

KOK-KORO-KOK! KOK-KORO-KOK!

Alarm clock ko yun. Ang cool ng tunog noh, kala nyo totoong rooster talaga? XD Haha. Maaga talaga akong bumangon para makapaghanda na ng almusal para kay Papa dahil siguradong puyat yun sa trabaho nya. Syempre, naghilamos muna ako nagbihis bago bumili sa tindahan ni Aling Nena. Bumili ako ng dalawang itlog, mantika at magic sarap. Sosyal noh? Syempre kahit mhirap kami pwede pa rin kaming mag-ulam ng masarap! Nyahaha. Pagkaluto ko, ginising ko na si Papa.

"Papa, gising ka na, nakaluto na’ko ng almusal." Niyuyugyog ko sya ng onti para magising, ang hirap kasi gisingin netong si Papa pag puyat eh.

"Mmm-maya na, Jessie.." Natahimik ako sa sinabi ni Papa. Binanggit nya na naman ang pangalan ni Mama, siguro napapanaginipan nya na naman ito. Miss na miss na siguro nya si Mama. Ako rin eh, kahit never ko pa nakita ang Mama ko. Sa pictures lang. Kaso puro pics un nung dalaga pa sya nun eh, bata-bata pa. Ang ganda nya, bat di ako nagmana sa kanya? Haha. Pero sa totoo lang, somehow sinisisi ko ang sarili ko kung bakit namatay si Mama dahil namatay sya sa panganganak saken. Inalay nya ang buhay nya para mabuhay lang ako. Mama, kung naririnig nyo po ako, mahal na mahal ko po kayo. Salamat po sa inyo..

Nagising ako sa pagmumuni-muni ko kasi biglang may nagtext. Panira naman ng moment to oh! Andun na eh, andun na talaga eh! Tss. Sino ba to?

FROM: 09*********

Lavender! Can we meet later dun sa may park at around 10am? :)

Ahhh kay Cadence nga pala number to. I-save ko na nga nang di ko makalimutan. Kita daw kami? Teka anong oras na ba? 8am. Maaga pa. YEAH!

TO: Cadence (sinave ko na number nya)

Sigesige. See you! =)))

MESSAGE SENT.

*toot toot toot toot*

FROM: Cadence

See yah! :)

Pinilit ko na talaga gisingin si Papa dahil nga may lakad ako. Pagbangon nya ay sabay na kaming nag-almusal ng pinirito kong itlog at ung natirang kanin kagabi.

"Papa, nagkita daw pala kayo kahapon ni Cadence?" Tanong ko kay Papa habang sumasandok ng kanin.

"Ah oo nga pala. Nagkita na rin pala kayo? Mabuti naman at  mukhang miss ka na ng kaibigan mo eh. Kaganda-gandang bata pa rin ano?" Sabi naman ni Papa sabay kuha sa itlog nya, este sa itlog na pinirito ko at iuulam nya. Yan. Tong mga to, green masyado. Ahaha. XD

"Opo, may lakad nga po kami ngayon eh. Pwede po ba ako pumunta, sa may park lang po?"

"Oo naman. Basta wag kayo lalayo masyado ha? Wag kayong magpapaligaw hehehe."

"Si Papa talaga! Sige po, Papa. Thank you po!" Niyakap ko si Papa at nagmadali na akong maligo.

Time check. 9:30am. Yan ang oras nung dumating ako sa meeting place namin ni Cadence. Nagulat ako nang makita ko na sa may bench si Cadence! :O

"Cadence! Ang aga mo naman! Late ba tong relos ko?" Sabi ko sa kanya at tumabi na rin sa kinauupuan nya.

"Hihihi. Don't worry, Lavender. Inagahan ko talaga dahil ayokong paghintayin ka." Sweet talaga ni Cadence! :""">

"Grabe naman. Nakakahiya tuloy sayo!"

"Wag mo nang isipin yun. Ready ka na?" At hinila nya na’ko papatayo sa upuan namin.

"San tayo pupunta?" Sa fastfood chain ba ulet? Nyahaha. XD

"Pupunta tayo sa mall. Samahan mo‘ko mamili ng dress at bibili ka na rin!" Tuwang-tuwa ang loka! Ano kayang meron?

The Heartstring GrapplersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon