Grabeeee ang sakit na ng katawan ko. Ugh. Shemay isang linggong non-stop training namin. Awwww ang sakit talaga ng brabalibintawan (braso, balikat, binti at katawan) ko. >_______<
Dagdagan pa ng pangmamaldita ni Ivy palagi saken at ng pang-eechos ni Silver. Haaaay oo, isang linggo ung talagang pinanindigan ni Silver ang pagiging trainer namin. Ampotekkk. Buti lang di nya na inulet ung kalokohan nya nung nakaraan noh!
"Good morning, Papa.."
"Oh Lavender, bat ang aga mo nagising? Sabado ngayon ah?"
"Eh Papa papunta po ako sa school eh.." Antok na antok kong sabi kay Papa. Amp ang bigat ng bawat hakbang ko, ang sakit kasi ng hita ko eh. Si Ivy wagas ung mga pinapagawang drills samen netong mga nakaraang araw. Ugghh. :'(
"May pasok kayo eh sabado ngayon?"
"Hindi po, Papa, may training po kami sa basketball."
"Aah. Aba puspusan na ang pagpapractice nyo ah? Wala man lang ba kayong pahinga?" Nag-aalalang sabi ni Papa. Siguro kasi napansin nya na lalamya-lamya na’ko at pagod na pagod tuwing uuwi ako galing sa school.
"Ganun po talaga eh.. Sabi ng leader namin.." Pumasok na’ko sa cr at naligo. Ouch. Binuhat ko lang ung tabo na may tubig, para na’kong nagbuhat ng isang sakong bigas. Pati braso ko ang sakit. Eh kung pagawin ka ba naman ng 1000 pushups araw-araw eh. Jusko namaaan.
"Nak, kung masakit pa ang katawan mo wag ka na lang munang umattend dyan."
"Hindi okay lang po ako, Papa."
"Osige, kumain ka na dyan ng almusal." Sabi ni Papa sabay tingin sa lamesa. Nagulat ako.
"Nakapagluto na po kayo?" Tanong ko habang sinusuri ung niluto ni Papa. Hahaha. Aba abaaa. Heavy ung mga niluto nya ngayon ah.. Sinangang, hotdogs saka itlog at may gatas pa talaga!
"Aba Papa! Umaasenso ung hapag-kainan natin ah! Hahaha!"
"Syempre naman, anak! Alam ko namang bigatin ang mga training nyo ngayon kaya kailangan mo ng sapat na resistensya para sa katawan mo!" Pinaghain pa talaga ako ni Papa. "Oh ayan, kumain ka ng marami ha?" Ang sweet talaga ng Papa ko! :)
"Thank you po, Pa!" Hinug ko si Papa. :D
Pagkain ko ng masarap na msarap na almusal na niluto ni Papa just for me, naligo na’ko at nagbihis. Buti na lang pinahiram ako ni Cadence ng basketball shorts kaya may masusuot ako ngayon. Tas t-shirt na lang ung pangtaas ko. Tas rubber shoes na luma na pero maayos pa naman. Hahaha. Yan, I'm ready to go! XD
Kinuha ko na ung bagpack ko at nagpaalam kay Papa.
"Pa, alis na po ako!"
"Sige, Lavender, ingat ka. Wag magpapaligaw ah!" Pahabol pa ni Papa paglabas ko ng bhay.
"Papa naman!"
10am ung simula ng training namin. Sakto lang ung alis ko na 9:30am. Habang naglalakad ako sa eskinita papunta sa sakayan ng jeep, bigla na naman nag-iba ung feeling ko. Lagi na lang ganito, ung feeling na may sumusunod saken. Maliwanag naman ngayon at mainit ang panahon, pero kinikilabutan pa rin ako. Lagi na lang kasi ganito eh, tuwing lalabas ako ng bahay feeling ko na lang palagi may sumusunod saken. Baka naman may stalker ako? Chos. Hahaha. XD
So binilisan ko na lang ung lakad ko hanggang sa makarating ako sa sakayan. Oo, magjejeep ako ngayon. Di na kakayanin ng powers ko ang maglakad papuntang school tas training pa mamaya. Baka naman mamatay na’ko sa sobrang pagod nyan. XD
Maya-maya lang may dumating na ding jeep. Buti na lang onti lang ung nakasakay. Haha. Isang nanay lang na may kasamang batang lalake, saka ung very sweet na couple na wagas kung maka-PDA. Ayoko kasi ng masikip saka sa maraming nakasakay eh. Hindi naman sa maarte ako ah, pero alam nyo naman na ung reason diba? Anyways, pagkasakay ko ng jeep, dun ako umupo sa dulong-dulong sa pinakamalapit sa labasan. Inabot ko ung bayad ko dun sa ale na may kasamang bata. Kaso mejj malayo sila eh. Tas dun sa kabilang side nakaupo.
BINABASA MO ANG
The Heartstring Grapplers
RomansaWhat if one day, you discovered na magpapakasal ka na pala? Pano na lang ang True Love? Yan ang napakalaking problema ngayon sa love story ni Lavender Lagdameo. Ano ang kahihinatnan ng buhay niya pag nadiskubre nya na kung sino at ano ba talagang kl...