CHAPTER 38: Jealousy Killed The Cat

15 1 1
                                    

Good morning, people of the world! Rise up and shine! ^________^

Ang ganda ng umaga. Ang mga huni ng ibon sa labas ng bintana ay napakasarap pakinggan. May pa-hum-hum pa akong nalalaman habang buhat-buhat si Lou-Lou at pababa kami ngayon ng hagdan at------

"Good morning, Love!"

MAY PANIRA NG ARAW KOOOOOO!

"Anong ginagawa mo ditong ungas ka! Kaaga-aga mambibwisit ka na naman?!" Naiinis kong sabi. Eh pano ba naman, feel at home ung mokong sa harap ng hapag-kainan namin. Alam ko ngang kanila naman talaga tong bahay, pero kasi eh. Can't we have some privacy?!

"Arf-arf!" Tumahol naman si Lou-Lou na parang sinasabing wag ko naman daw awayin ang bumili sa kanya.

"Nak, wag ka namang ganyan kay Silver! Ang gwapo-gwapo nung tao eh!" HA? Anong konek nun, Pa? Saka yan, gwapo? Joke ba yun? Panira kaya ng araw yan!

"It's okay, Papa." Sabat naman nung epal. "Baka hindi lang maganda ang gising ni Love. Ikaw Lou-Lou, baka pinuyat mo si Love ah." He grinned at me.

"Arf-arf!"

"Excuse me maganda ang gising ko bago ka dumating!"

Ano ba kasing ginagawa nyan dito eh. May pasok pa kami ah? Bakit dito sya nag-aalmusal eh ang yaman-yaman naman nila? Tss. Epalogs talaga. -________-

"Hoy Silver, bat ka nga kasi nandito?"

"Nothing. I just wanna have breakfast with you."

"Oh diba ang sweet, anak? Hohohoho kaya natutuwa ako sa inyo eh!" Papa, naabnoy ka na naman eh! >_______<"

"Papa naman! Pauwiin mo na nga tong mokong na to!" Pero di ako pinansin ni Papa. Ouch.

"Osiya, Silver. Mauna na'ko at may pasok pa ako eh. Pakibantayan muna tong si Lavender ah. Mas kailangan pa syang alagaan kaysa sa aso nya eh."

"Grabe ka naman, Papa! Ang sakit nun ah!"

Hinatid ko si Papa sa labas ng gate ng cute na cute naming bahay.

"Papa naman, wag naman ganun. Foul ka naman eh, pinapunta mo pa si Silver dito eh!"

"Ganun talaga, anak. Masanay ka na. Oh basta ikaw na bahala dyan ah. Bugbugin mo si Silver-----"

"TALAGA? Pwede ko syang bugbugin?! Yehey!"

"Ano ka ba, anak. Wag kang eng-eng dyan. Ang ibig kong sabihin bugbugin mo ng pagmamamahal at pag-aaruga! Ganown!"

"Yuck naman, Papa! Lakas mong makabanat! Nahahawa ka na dun sa epalogs na Silver na yun!"

"Ganun talaga pag pogi, anak. Osiya aalis na'ko! Kayo na bahala dyan!"

"Pero Papa!"

Pero lumakad na palayo si Papa. Badtrip talaga. Bat ba super kampante sya kay Silver? Hindi nya ba alam kung gaano ka manyak ung ungas na yun? Tsk.

"Love, come on. Let's eat breakfast. Baka mahuli pa tayo sa class." Sabi nung mokong pag pasok ko ng bahay. Arggh. Why am I always stuck with this pervert?

"Hindi naman tayo magkaklase sa first class ko ah!"

"I know. But I want to go to school with you!" Tapos bigla nya na lang akong niyakap! Sheeeeeeet! Kadardar! >/////<

The Heartstring GrapplersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon