KOK-KOROKOK!
This is it! Naligo na agad ako pero nagbihis muna ako ng pambahay. Baka kasi madumihan pag sinuot ko agad eh. Alam nyo naman, hindi ako maingat sa mga ganyang bagay diba? >:)
Paglabas ko ng banyo, gising na rin pala si Papa.
"Ang aga nyo Pa, ah. Excited din kayo noh? Hehehe." Sabi ko sabay upo sa tabi nya. Nagulat ako dahil nakahanda na rin sya ng almusal at nakaligo na.
"Syempre. Excited ako para sayo eh."
"Sasamahan nyo po ako mamaya diba?"
"Syempre naman! Hahayaan ba kitang mag-isa dun?"
"Haaaay ang bait talaga ng Papa ko!" Niyakap ko si Papa.
"Anak, kahit anong mangyari, andito lang ako para sayo. Alam mo naman yun diba?"
"Syempre naman, Papa! Kahit mahirap lang tayo, masaya ako dahil magkasama tayo!" Hinigpitan ko pa ung yakap ko kay Papa.
"Osiyasiya, tama na ang drama. Kain na tayo. Pagkatapos mo magbihis ka na ha. 10am ang call time eh. Syempre dapat mas maaga tayo dumating dun." Parang baliktad ah. Diba nga dapat mas mauna dumating ang lalaki at pamilya nya? O______o
"Okay po!" Binilisan ko na ung pagkain ko. Tapos kinuha ko ung dress dun sa box. Pumasok ako sa banyo at sinuot na ung red dress. Paglabas ko, dumiretso ako sa salamin sa may dingding. I couldn't believe my eyes..
Ako ba talaga to..
Ang ganda..
Nung damit. Hahaha. Seriously, bagay saken! Nuxx. :D
"Ang ganda mo, anak." Narinig kong sabi ni Papa.
"Oo nga po eh! Hindi rin ako mqkapaniwala!"
"Ano ka ba, anak. Wag mo sabihin yan! Maganda ka naman talaga eh!"
"Si Papa talaga, nangbobola pa! Magbihis na rin po kayo!"
"Sige, ikaw na bahala dyan ah."
"Opo!"
Kinuha ko ung suklay at inayos ung buhok ko. Nagpony na lang ako, buhaghag kasi buhok ko forever eh. -_______-
Mas maayos tingnan pag nakapony. :)
Nagpolbo na rin ako para kahit papano naman, umayos ung mukha ko. Tas for the first time, ginamit ko ung lip gloss na binigay saken ni Cadence dati pa. Finally, I looked at myself in the mirror. I.. I look.. Beautiful.. *_______*
"Oh handa ka na?"
"Ang pogi naman ng Papa ko!" Nakakatuwa naman. Naka-Amerikana na black si Papa. Ang pogi nyaaaa! :)
"Sus nambola ka pa!"
"Hehe. Totoo naman po eh!"
"Oh ano, tara na? 9:00am na eh, medyo malayo-layo pa nun, mga kalahating oras na byahe."
"Eh magjejeep po ba tayo ng nakaganito?"
"Syempre naman hindi! Kahit ngayon lang, pagkagastusan naman natin to. Magtataxi tayo! Rerentahan natin ung taxi ni Mang Arnel mo, ung kapitbahay natin."
"WOW! Feeling ko ang yaman natin hahaha!"
"Oh tara na?"
"Tara na po!"
Paglabas namin ng bahay, nag-aabang na sa may kanto ung taxi ni Mang Arnel.
"Iha!" Sabi ni Mang Arnel, "Kaganda-ganda mo talagang bata!"
"Enekebe, Meng Ernel, hindi nmen po. Ahihihi." Chos. >:)
"At aba! Tingnan mo si Pareng Jaime, ang gwapings!" Sabi nya naman habang tinitingnan si Papa.
BINABASA MO ANG
The Heartstring Grapplers
RomanceWhat if one day, you discovered na magpapakasal ka na pala? Pano na lang ang True Love? Yan ang napakalaking problema ngayon sa love story ni Lavender Lagdameo. Ano ang kahihinatnan ng buhay niya pag nadiskubre nya na kung sino at ano ba talagang kl...