CHAPTER 9: This Is So Not Happening

25 0 0
                                    

First day of classes! Okayyy, ang oa ko. Alam kong 7:30am pa ung pasok ko, but here I am, now wide awake at 4am. I know, I know. Eh excited na’ko eh! Naligo na agad ako at nagbihis. Ang tagal ko ng gustong isuot tong cute naming uniform eh! Sa wakas, magagawa ko na rin! Sa sobrang excited ko nga, minsan katabi ko pa matulog tong uniform ko eh. Hahaha. Oo, ako na baliw. XD

Tapos naghanda na’ko ng almusal. Nagprito ako ung dalawang itlog at tatlong tuyo. Tas nagsangag ako ng kanin-lamig na natira kagabi. Perfect almusal! Yum yum yum! Nagulat na lang ako ng maya-maya eh gising na rin si Papa.

"Oh Papa? Bat gising na po kayo agad?"

"Syempre kailangan natin kumayod, anak. Kahit may scholarship ka sa school mo, ayoko namang magmukha kang mahirap talaga dun. Dapat maayos-ayos ka rin tingnan noh!"

"Hehe, si Papa talaga! Hindi naman kailangang maluho eh. Mag-aaral ako, hindi magpaparty."

"Anak, papayag ba naman akong magmukhang basahan ung prinsesa ko? Syempre hindi!"

"Papa talaga! Khit mahrap tayo, okay lang. Basta magkasama tayo, masaya na’ko!"

"Sus, binobola pa ako ng anak ko eh! Halika nga dito!" Niyaya ako ni Papa palapit sa kanya with open arms. I cuddled in his arms.

"Haaay ang sarap-sarap talaga yakapin ng anak ko! Basta anak, saken ka lang magpapayakap ah!"

"At ano naman pong ibig ninyong sabihin dun?" Nakapamaywang kong tanong kay Papa.

"Eh.. syempre.. CoEd ung school mo..mamaya.."

"Papa! Iniisip mo ba talaga na magboboypren ako?"

"Baka hindi naman maiiwasan yun eh!"

"Alam mo, Papa. Tanggap ko nang hindi na’ko pwedeng magkagusto sa iba dahil.. you know, ikakasal na’ko." Natahimik kaming dalawa ni Papa for a moment.

"Lavender, anak, patawarin mo‘ko at kailangan mong pagdaanan tong mga to dahil saken."

"Papa naman eh! Wala kayong kasalanan dahil di nyo naman ako pinilit! Kain na nga po tayo! Di naman drama ang theme ng storyang to eh!"

"Aayy oo nga pala! Sige na nga! Nagluto pa naman ang maganda kong anak ng masarap na almusal!"

"Syempre naman!" Kinuha ni Papa ung isang itlog at isang tuyo.

"Mmm! Pwede ka na mag-asawa!" Nagjoke si Papa. Weeeh.

"Papa naman eh!"

"Hehe joke lang! Basta anak, mag-aral kang mabuti dahil wala akong ibang maipapamana sayo kundi yang talino mo."

"Syempre naman po. Para sa inyo kaya ako nagsisikap eh."

"Aja?"

"Aja!" XD

After kong maready lahat ng kailangan ko, nagpaalam na’ko kay Papa para umalis. Medyo madilim pa nung umalis ako kasi mga 5:30am un eh. Maglalakad lang kasi sana ako papunta sa school para tipid. Habang naglalakad ako sa may eskinita, parang nafeel ko na may sumusunod saken. Paglingon ko, parang may nakita akong anino. No wait, MGA anino. Bigla na lang tumibok ng mabilis ung puso ko. Nagmamadali na’ko, parang lakad-takbo na ung  ung ginawa ko. Lord, please. Bata pa po ako, gusto ko pa pong mabuhay ng matagal. Marami pa po akong pangarap sa buhay. Sana po wag na‘kong holdapin kasi saktong limang piso na lang po tong dala ko pambiling fishball mamayang lunch eh. Amen.

Until finally, nakarating na rin ako sa sakayan ng jeep kung san maraming tao. Haaaay. Thank you po, Lord! Labyu mwaaah!

Pero. Hindi nga ako sasakay ng jeep. So naglakad ako papuntang school. Malayo pa lang, tanaw ko n ung entrance ng school ko. Eh pano ba namang hindi eh anlaki-laki! Jusko! Pagdating ko sa tapat ng gate, napanganga na lang ako sa ganda at laki ng school ko! I mean, ilang beses na’kong nagpabalik-balik dito nung summer para sa requirements ko, but it still has the same effect on me. Naglalakad ako ng lutang tas biglang..

The Heartstring GrapplersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon