CHAPTER 6: The Welcome Party

30 0 0
                                    

(AUTHOR’S NOTE:  For Chapters 6 and 7, magkakaroon po ng Dual Point-of-View. Ibig sabihin kasi nun, sabay na nangyayari ung mga events sa magkaibang POV <Lavender’ POV and Silver’s POV>. Ung tatlong hashtag sign or ### signifies the change in POV. Pag may nakita kayong ganun, automatic, ibig sabihin nun, magshishift na ung POV.)

<Lavender’s POV>

“Cadence!”

So napag-usapan namin ni Cadence papunta ako sa bahay nila mamayang mga 3pm para maayusan nya ako, tutal hapon pa naman daw ang party ng pinsan nya, 6pm ata magsisimula. Sya na rin daw ang magtatabi ng pinamili naming mga dress at shoes dahil baka daw kung san ko pa mailagay yun (walang tiwala? hahaha). Baka daw kasi madumihan ko rin, alam nya kasing di ako maingat sa mga ganung bagay eh. Haha.

“Papa, mamaya pong mga 3pm pupunta po ako kanila Cadence. Nabanggit ko na po un diba? Ung welcome party daw po ng pinsan nya?” Umupo ako sa tabi ni Papa na kasalukuyang kinikiwi ang sapatos nya.

“Oo sige. Mag-iingat ka lang dun ha? Sigurado may alak dun, alam mo naman mga mayayaman. Naku wag na wag kang iinom o kahit titikim man lang. Alam mo naman ang mangyayari diba?” Biglang nagflashback sa utak ko ung time nung Graduation Party namin nung elementary. Kaklase namin ung nagfacilitate nung party kaya labas ang school sa lahat ng mga activities namin dun. Dun kami sa bahay nila nagcelebrate ng graduation. Hayip diba? Elementary pa lang, celebrate agad! Haha. Excited kasi mga classmates ko eh, palibhasa puro mayayaman. Ako, as always, scholar lang. Anyway, di ko alam na patago pa lang nagserve ng champaigne ung kaklase namin.

//FLASHBACK//

“Lavender, c’mon! Let’s dance there in the middle of the floor!” Si Cadence un, diba nga magkaklase pa kami nung elementary.

“Di ako marunong sumayaw eh!”

“Dali na!” Tapos hinila nya ako pupunta dun sa gitna nung dancefloor. Sumayaw sya ng sumayaw syempre. Grabe ang hot ni Cadence! Kung lalaking lang ako, baka nagkagusto na’ko dito! Ang lambot ng katawan kung gumiling. XD Eto naman ako sa isang tabi, onting kibot lang, galaw-galaw ng onti.

“Cadence! Nauuhaw na’ko! Hahanap muna ako ng juice o kaya tubig!” Pasigaw na ung pagsasalita ko nun dahil sa sobrang lakas ng music.

“Wait lang! Sama ako!” Pag-alis namin sa dancefloor ay nanunuyot na talaga ung dila ko. Kanina pa ako uhaw na uhaw eh.

“Lavender, look!” Tinuro nya ung table malapit samen, “I think we found some iced tea.”

“Haaay salamat! Sobrang nauuhaw na’ko eh!” Sabay naming sinunggaban ung mga basong nakalatag dun sa table. Lagok dito, lagok doon. Tapos biglang parang nahihilo ako..

..Nararamdaman kong parang umiikot ung paligid ko, at isang tao lang ang nakita ko..

“Cadence..”

“Uy Lavender, ano nangyayari sa----” Hindi na natapos ni Cadence ung gusto nyang sabihin dahil tinulak ko sya dun sa mesa at hinarangan ko. Unti-unti nang lumalapit ung mukha ko sa kanya..

“Cadence..”

BOOGSH!

Napaupo ako sa grass. Sobrang umiikot na talaga ung mundo..

//END OF FLASHBACK//

Pareho kaming napainom ni Cadence nun. Ang kaibahan nga lang, the moment na dumikit sa labi ko ung iced tea na may champaigne pala, nalasing agad ako. And by the way, pag nalalasing ako, may kalagim-lagim akong unavoidable habit.  Nanghahalik ako ng unang taong makikita ko. Oo, WEIRD DIBA?! Buti na lang nung panahong un, si Cadence ang kasama ko. Muntik ko na nga syang mahalikan sa lips eh! Buti na lang pala naitulak nya ako paupo dun sa grass. Huhuhu. (Sayang! Joke. XD)

The Heartstring GrapplersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon