Teaser

69.5K 2.1K 66
                                    


Hindi po ako magaling sa spelling kaya kung may mga mali man po ay sorry dahil tao lang.

=====***=====


Teaser

Nang magising si Dhel ang mukha ng kanyang asawa ang kanyang nabungaran.
Galit na galit ang mga titig nito na para bang gustong-gusto na siyang patayin.

"Drake a-ang baby natin... kamusta? O-okay lang ba siya?" may pag-alalang tanong nito
sa  mahihina niyang tinig.

Galit itong tumitig sa kanya.

"Bakit hindi ka nag-ingat ha?!
palagi kung sinasabi sayo na mag-ingat ka diba? at kabilin-bilinan ko na alagaan mo ang anak natin!
bakit hindi mo ginawa?
dahil sa kapabayaan mo na wala ang anak ko!! "galit na sinabi nito.

Gulat at dimakapaniwala si Dhel sa mga salitang sinabi ng asawa sa kanya. Hindi ito makapaniwala sa mga narinig mula sa asawa.

"Hin- hindi p-weding mawala ang anak natin Drake hindi pwede! "Pagkasabay nito ay ang pagtulo ng kanya mga luha.

"Wala na siya Dhel, patay na dahil sa kapabayaan mo!"May paninising sinabi nito.

"Hindi totoo yun Drake sabihin mong hindi totoo.! "Umiiyak na sinabi nito.

"Ito ang tandaan mo Dhel hinding hindi kita mapapatawad sa pagkawala ng anak natin! Ikaw ang pumatay sa kanya.! Pinagkait mo na isilang at mabuhay ang anak natin sa mundong ito! "Panunumbat na sinabi nito.

Hindi maawat sa pagtulo ang kanya mga luha.
Hindi nito matanggap ang mga pangyayaring naganap.

"D-Drake hindi ko magagawa sa baby natin ang pinagbibintang mo sa akin."pilit niyang kinukumbinsi ang asawa na hindi niya magagawa ang pinagbibintang nito sa kanya. Labis niyang mahal ang kanyang anak kahit hindi pa ito na isisilang.

"Nagawa mo na Dhel."may pait na sinabi nito sa kanya.Makikita sa mukha nito ang galit, lungkot sa pagkawala ng kanilang anak.

"Drake magpapaliwanag ako. Please pakinggan mo naman ako."umiiyak na pagsusumamo nito at hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa na baka sakaling papakinggan siya nito.

"Anong paliwanag ang sasabihin mo ha?! "May kalakasang sinabi nito sa kanya.

"S-si T- tricia siya ang....n- "
Hindi natapos ang kanya sasabihin ng magsalita ang kanyang asawa.

"Punyita bakit mo dinamay si Tricia sa pagkawala ng baby natin. Huwag mo siyang siraan sa akin. Hindi siya tatanga -tanga katulad mo.! Ayaw mo sa bata kaya- "

"Hindi totoong ayaw ko sa bata.
" agad sinabi ni Dhel.

Tiningnan siya nito nang matatalim at kasabay nito ay pag-alis nito sa kanyang kamay.

"Napakasama mo Dhel... mamamatay tao ka, ang masakit ay anak pa natin!
Simula sa araw na ito huwag na huwag kanang magpapakita sa akin. Ayaw kong makita ang pagmumukhang mo. Naiintindihan mo!?
Pinuputol ko na din ang kaugnayan natin bilang mag-asawa.
Wala na akong pakialam sayo! "Galit nitong sinabi.

"D-Drake magpapaliwanag ako sayo please.
Drake s-s-si T-tricia ang nagtulak sa akin sa hagdan s- "
pagpapaliwanag nito kay Drake.

Ngunit tinignan lang siya nito ng matatalim... At walang pasabing tumalikod at lumisan sa kanyang silid.

Tulalang tiningnan ni Dhel ang pintong nilisan ng kanyang asawa.

At pagkasabay nito ang pagtulo ulit ng kanyang mga luha.

"Hindi man niya lang ako pinakinggan.
Drake patawad kung hindi ko man magawang protiktahan ang anak natin kay Tricia. Patawad kung naging mahina ako."Umiiyak na sinabi ni Dhel sa kanyang sarili.

======***======
Hangang dito na lang muna.

Salamat sa nagbasa.

The Wife Sacrifice  (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon