Tricia hindi ko alam na ganyan ang nanyari sayo kung sinabi mo sa akin noon hindi mangyayari yun sayo.
Nagalit ako sayo dahil iniwan mo ako at ipinagpalit kay Ramon. Masnagalit ako ngayon sayo dahil hindi mo sinabi sa akin ang totoo. Pinaniwala mo ako na niluko mo ako. "ani nito na umiiyak".Babe sorry, ayaw lang kita mapahamak.
Galit na galit ako ngayon sa sarili ko, kasi hindi man lang kita na ipagtanggol kay Ramon.
Galit na galit din ako sa sarili ko dahil kahit may asawa na ako mahal parin kita.Pagkarinig ni Tricia sa sinabi ni drake na mahal parin siya nito niyakap niya kaagad at lihim na nakangiti dahil sa tagumpay.
Mahal parin kita, akala ko na wala na ang pagmamahal ko sayo. Dahil sa ipinagtatapat mo na awa ako sayo at nararamdaman ko na may puwang ka pa dito sa puso ko.
Paano ka nakatakas kay Ramon?Namatay na si Ramon, pinatay siya ng kanyang tauhan dahil hinahangad din ng tauhan niya na makamit ang position nito kaya trinador nito si Ramon at pinatay.
Kaya malaya na ako ngayon, malaya na tayo kay ramon.Hinalikan ni tricia si drake na iginantian din nito.
Tricia may asawa na ako, paano na to?
Babe hindi muna man siya mahal diba?
Nakita ni tricia ang pagkalito ni drake sa tanong niya.
Hiwalayan muna lang ang asawa mo para magsama na tayo at maging masaya na tayong dalawa.
Buntis ang asawa ko, hindi ko siya pweding iwan ng ganun ganon lang.
Babe paghindi mo siya hiwalayan paano naman ako? Ang nararamdaman natin sa isat isa hayaan mo lang ba na hindi natin bigyan ng katuparan?
Alam mo naman diba na nuon ko pa gustong magka-anak? Kaya hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko lalo na dala nito ang magiging anak ko.
Paano ang kaligalahan natin? Kung gusto mo babe gagawa tayo ng anak natin.
T-tricia
Kung ayaw mong hiwalayan ang asawa mo, kahit pangalawa lang ako sa buhay mo. Pumayag ka na magsama tayo. Kahit maging kabit mo okie lang sa akin handa akong makihati lang sa oras mo, ganyan kita kamahal.
Alam ko tricia babe.! pero masasaktan ang asawa ko kapagginawa ko ang gusto mo.
Gusto mo rin na makasama ako diba?
Kung ayaw mong hiwalayan yang asawa mo ilihim natin ang relasyon natin. Huwag kang mag-alala hindi ko sa sabihin sa asawa mo. Simula sa araw na ito isa ako sa maging asawa mo kahit ayaw mo pa.Tricia...
Hindi na hinintay ni tricia ang susunod na sabihin ni drake, hinalikan niya ang labi nito. Gumanti din ng halik si drake. Hindi alam nito natuwang tuwa si tricia dahil kumagat sa bitag si drake. Kumapit sa leeg ni drake si tricia habang patuloy silang naghahalikan.
Babe ang kinin mo ako please, namiss ko na ang pag-angkin mo sa akin tulad nuon. Mahal na mahal kita Drake Mondragon.
Mahal din kita Tricia Reyes
Lingid sa dalawa may dalawang paris ng mata ang nakatingin sa kanila habang naghahalikan.
Anak patawad kung hindi ko man lang pinigilan ang ama mo. "ani ni dhel sa anak habang hawak nito ang hindi pa malaking tiyan na tumutulo ang luha.
Kahit isang buwan ka palang sa sinapupunan ko alam kung naramdaman mo kung gaano ko kamahal ang ama mo. Ang kaso hindi ako ang mahal niya, kundi si tricia. Alam ko din na darating ang araw na babalik si tricia at babawiin ang iyong ama. Ngunit hindi ko inisip na ganito ka aga.
Pangako anak gagawin ko lahat nang paraan para maging buo lang ang pamilya natin. Handa akong magsakripisyo para sayo kahit na sasaktan ako. Ayaw kung lumaki kang hindi buo ang pamilya natin, mahal na mahal kita anak. Iisipin ko na lang na hindi ko nakita at hindi nangyari ito kahit sobrang sakit na dito sa puso ni mommy.Kinuha ni dhel ang cellphone niya at vinideo ang ginawang kataksilan ng asawa.
Tricia babe mahal kita,"sambit ni drake na katingin kay tricia sabay halik sa labi nito na walang pakialam kung maabutan sila ng asawa niya kapag dumating ito.
Mas mahal kita Mondragon...
Hindi na kinaya ni dhel ang kanyang nakikita at naririnig kaya nagdisisyon siyang umalis ng kanilang bahay at pumunta ng mall para makalimutan pansamantala ang naramdamang sakit, bago pa siya makaisip ng bagay na pagsisihan niya.
Tricia babe mangako ka na hindi malalaman ni dhel ang tungkol sa atin.
Promise babe hindi niya malalaman. "sagot nito na agad sinungkaban ng halik ang labi ni drake.
Pagkabalik ni dhel sa kanilang bahay pagbaba pa lang niya sa taxi nakita niya ang dalawa na masayang masaya habang nakayakap si tricia kay drake papalabas ng kanilang bahay at sumakay ng kotse ni drake. Tumalikod siya kaagad para hindi mapansin ng dalawa.
Umalis ang dalawa na masaya walang pakialam kung may makakita man sakanila na nagsasama. Tumulo naman ang luha ni dhel at nagmamadaling pumasok ng bahay, doon nito inilabas lahat ng sakit naramdaman. Ipinagluto nito si drake ng gabing iyon at hinihintay ang pagdating kahit malabong mangyari na uuwi ang asawa.
Nakatanggap ito ng message mula sa asawa.From: mahal
Dumating kana ba ng bahay? Kamusta ang pakiramdam mo? Okie lang ba kayo ni baby? Sorry kung hindi ako makahapunan at makauwi ngayong gabi may out of town ang companya. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sayo ng personal hindi kapa kasi dumating ng bahay kanina nang umalis ako. Kumain kana lang diyan, huwag mong babayaan ang sarili mo baka mapaano kayo ni baby.
To:mahal
Okie ingat ka din. I love you!!
Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin.
Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo sa akin?Kailangan ko ng makakausap ngayon. Pinangligpit ko ang pagkain at binalot sa supot ipamimigay ko nalang ito sa mga batang kalye sayang lang kasi baka mapanis.
Oh! pinsan gabi na bat napasugod ka?.
Nangmakita ko si pinsan niyakap ko siya at humagulgol ng iyak. Pinsan bakit ganon siya? Bakit niya ginawa to sa akin? Kulang pa ba ang pagmahal ko sa kanya? Sabi nya hindi niya ako sa saktan at paiyakin. Ito ako ngayon umiiyak dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko hindi ko alam pinsan."ang umiyak na tanong at sabi ni dhel".
Nagulat si Nere ng bigla lang siyang yakapin ng kanyang pinsan at umiyak na nagsasalita habang umiiyak ramdam din ni Nere ang sakit at pighating naramdaman ng pinsan.
Ano ang nangyari pinsan?
S-si drake pinsan.. huhuhu
Pinsan ano, bakit ka umiiyak?
P-pinsan s-si d-drake at tricia ay nagkabalikan. Yung babaeng ex ni drake na ikinukwento ko sayo.
Na shock si Nere sa narinig mula sa pinsan, hindi niya akalain na magagawa ni drake pagtaksilan ang pinsan nya dahil alam nito na mahal ni drake ang pinsan.
Pero gusto niyang makasigurado kung tama ang kanyang narig mula rito.Pakiulit nga ng sinabi mo pinsan?
BINABASA MO ANG
The Wife Sacrifice (Completed)
RomanceIsinisisi ni Drake si Dhel dahil sa pagkawala ng kanilang magiging anak naipinagbubuntis pa lamang nito. Dahil sa kapabayaan nito at hindi Pag-iingat. Patuloy sa pag-patak ang kanya mga luha, nag magmakaawa si Dhel na pakinggan siya ni Drake. Ng...