Chapter 20

29.2K 1.6K 144
                                    


Salamat sa paghihintay nyo ng update. Sa nagcomment at nagvote lalo na sa nagbasa salamat po!

 

***
Bukas mamasyal tayo kung papayagan tayo ng mama mo. "sabay tingin kay dhel."

Mama papayag ka po ba? "Malambing na tanong ni Christian sa ina."

Sorry baby hindi pwede may check up ka bukas. "sabay buhat ng kanyang anak."
Drake umuwi ka na, dahil patutulugin ko pa ang anak ko.

Pareng drake balik ka ha!! bye po!!. "ang bilin at paalam ni Christian habang buhat buhat ng ina.

Pinatulog ni dhel ang anak habang si Drake ay nasa labas nagliligpit ng kanilang pinagkainan at hinugasan ito.
Nakatulog na si christian, ayaw paring lumabas ni dhel baka kasi nasalabas pa si drake. Dahil hindi nya alam kung paano kausapin ang kinikilalang asawa noon. Hindi nya rin alam kung dapat nya bang sabihin ang tungkol kay christian. Maniniwala ba ito sa kanya kung ang pagkaalam nito na kunan siya noon.
Kailangan nya ang tulong ni drake kaya nga sila umuwi ng pilipinas.
Hanggang sa nagpasya na siyang lumabas ng silid  para iligpit ang kanilang pinagkainan. Pero na datnan niyang malinis na ang lamesa, nakita nyang nakaupo si drake sa sala na nagbabasa.

Bakit ka pa nandito?

Bakit mo ako pinalitan ka agad? "balik na tanong ni drake ng marinig ang boses ni dhel at ibinaba ang hawak na newspaper.

Alam mo kung ano ang sagot sa tanong mo drake? "ang pabalik na tanong ni dhel".

Bakit ka umalis kaagad ng hospital?
Bakit hindi mo hinintay na gumaling ka bago lumabas ng hospital?

Baka nakalimutan mo drake na ikaw ang dahilan ng lahat.

Nakita ni dhel ang biglang paglungkot ng mukha ni drake sa sagot nya.

Saan ang ama ni Christian?

N-nasa h-awai at sa susunod na linggo ang uwi dito. "sagot ni dhel  na pautal utal.

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni drake, kanina ay bakas ng lungkot ngayon naman ay galit.

Gustong sabihin ni dhel ang katutuhanan kay drake at gusto din yang sabihin na kailangan ito ng kanyang anak pero hindi nya alam kung paano sabihin kay drake dahil sa nakitang galit na galit ang mukha nito.
Biglang lumabas ng bahay si drake na walang pa alam na  pasan ang bigat at sakit ng damdamin, nasiyang ikinagulat ni dhel.

BAR

Masakit isipin na iba na ang may-aari sayo at malabong maging tayo ulit dahil sa kagaguhan ko.
Umaasa akong pagbumalik ka ay makapiling kitang muli. Ngunit malabo ng mangyari dahil ang babaeng mahal ko ay pag-aari na ng iba.
Sana hindi ko ginawa yon .
Sana hindi kita pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sana pinakinggan kita. Sana hindi ako nagpadala sa galit.
Sa sana......

Sana hindi ka umiiyak nangganyan ngayon.
At sana hindi ka nagpapakalasing ngayon.

Lumingon si Drake sa babaeng nagsalita.

Nere ano ang ginagawa mo dito?

Sinundan kita ng makita kitang lumabas ng bahay ko na umiiyak.

Nere bakit hindi mo sinabi sa kanya na nagsisi ako sa mga ginawa ko sa kanya? Bakit hindi mo sinabi na mahal ko siya?
Nere alam mo naman diba na hinahanap ko siya bakit wala kang sinabi kung na saan siya? Bakit nere?

Patawad drake..

Kung pinaalam mo lang sa akin kung nasaan siya noon.
Hindi mangyayaring magmahal siya ng iba.
Dahil sa itinago mo siya sa akin hindi na maging akin muli ang babaeng mahal ko. Ang sakit sakit, ganito ba ang nararamdaman noon ni dhel ng makita nyang kasama ko si tricia? "Umiiyak na  tanong ni drake kay Nere habang iniinum ang alak."

Sobra drake, sobrang sakit ang nararamdaman ng pinsan ko dahil siya mismo ang nakasaksi sa kagaguhan mo noon.

Patawarin mo ako Nere sa nagawa ko sa pinsan mo.

Napatawad na kita drake.
Inaamin kung galit ako sayo lalo na kay Tricia dahil sa ginawa ninyo sa pinsan ko, pero tapos na yon at iba na sa ngayon. At sana patawarin mo rin ako kong itinago ko sayo ang pinsan ko ginawa ko lang ang makakabuti para sa pinsan ko.
Sana sa oras na kailangan ni dhel ang tulong mo lalo na ng anak n'ya ay huwag mong ipagkait ang tulong na kailangan nya mula sayo.

Ano ang ibig mong sa bihin Nere? Maysakit parin ba si dhel? hindi pa ba ito magaling? "ang nag-aalalang tanong ni drake"

Malalaman mo rin yan drake balang araw. At saka ikaw itigil mo nayang paglalasing. Sakit sa ulo lang ang bigay sayo.

Gusto kong magpakalunod sa alak para makalimutan ko si dhel.

Drake huwag mong ilayo ang  sarili mo sa pinsan ko dahil kailangan ka nya lalong lalo na si christian.
Balang araw mayron kang matutuklasan na mahirap paniwalaan ngunit dapat mong paniwalan dahil yon ang totoo "ang sabi ni Nere sabay labas ng bar.

Gulong gulo ang isip ni drake sa sinabi ni nere ng umalis ito ng bar.

*****
Kababalik ko  lang kahapon galing sa pinuntahan namin wattpad kaagad ang inatupag ko.
Para makabawi sa inyo.

Pero hiindi kami na tuloy sa dapat naming puntahan nong isang araw mamaya na daw.
Kaya kung hindi man ako makapag-update kaagad ang ibig sabihin ay na tuloy ang lakad namin.

Ayaw ko nga sanang sumama.Wala akung magawa katulong lang ako amo ko sila. hehehehehe.....

Sa nag tanong kung bat hindi nyo mabasa ang update ka hapon at bakit chapter 25 kaagad. hehehe sorry nagkamali kasi ako kahapon sa pagpindot nagsusulat kasi ako.

Salamat sa pag-unawa.

The Wife Sacrifice  (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon