Chapter 22

29.2K 1.6K 171
                                    

Sabiko bukas na ako mag-update kahit ka update ko lang kanina lang ginanahan kasi ako ngayong gabi at para makabawi din sa inyo.

Pinadalian ko lang to kaya kung may maling spelling itama nyo lang.

Dalawang chapter ang na update ko ngayong gabi.

*****
Sa pagkamatch ng bone morrow ni drake at christian
Tumungo agad sila ng ibang bansa para duon isagawa ang stem cell transplant kay christian. Dahil hindi kakayanin ng mga doktor ng pilipinas ang operasyon.

Habang nasa operating room ang mag- ama dasal ng dasal si dhel sa galigtasan ng dalawa lalo na ng anak at hinihiling na maging successful ang operation para matapos na ang paghihirap ng anak.

Panginoon buong puso kung ipagkatiwala  sayo ang kaligtasan ng aking anak at ang kagalingan ng kanyang sakit. Kung paano ko ipinagkatiwala ang buhay ko sayo noon, higit na nagtitiwala ako sayo na maging successful ang operation ng anak ko.
Gusto ko pong makitang lumaki ang anak ko at makapiling ito.
Panginon pakinggan mo po ang panalangin ko.
Nakikiusap po ako sayo.. "ang taimtim na panalangin nito na umiiyak".

Pagkalipas ng halos pitong oras lumabas ang mga doktor na nag-opera sa kay christian na pawis na pawis at pagod.

Mrs. successful ang operation kaya ipanatag mo ang iyong sarili.

Panginoon salamat dininig mo ang aking dalangin  sadyang napakabuti mo sa amin.
Salamat po!!

Pagkagising ni drake

Paanong nangyari na buhay ang anak natin?
Ang sabi ng doktor na kunan ka, kaya halos gumuho ang mundo ko sa narinig ko.

Dahil yun ang hiniling ni pinsan Nere sa doktor ang palabasin na nakunan ako para sa kaligtasan namin ng pinagbubuntis ko noon mula kay tricia.

Bakit hindi mo pinaalam sa akin? Bakit inilihim mo?

A-ayaw kung malaman mo, dahil galit ako sayo. Kaya pinagpasyahan kong itago at huwag ipaalam sayo ang tunggol sa pinagbubuntis ko. Dahil ayaw kung malaman nya na ang kanyang ama ay may ibang pamilya.
Dalawang taon pa lang si Christian ay na laman namin na may leukemia siya.
Simula ng malaman namin na may sakit siya halos sa hospital na kami tumira.
Humanap kami ng bone marrow na magkamatch sa anak ko ngunit wala kaming mahanap.
Kahit labag man sa kalooban pinasya kong bumalik dito sa pilipinas para humingi sayo ng tulong.
Pero nung nasalabas ako ng inyong building na duwag ako at na takot na baka hindi ka maniniwa at pagtabuyan mo ako. Kaya umalis akong umiiyak.

Bakit hindi mo sinabi sa akin na kailangan ako ng anak ko nong pumunta ako sa inyo?
Bakit mo pinaniniwala sa sarili ko na may asawa kana?

Dahil galit ako sayo at takot na kapagsinabi ko sayo ang katutuhanan at kung maniwala ka baka kukunin mo sa akin si Christian hindi ko kakayanin.

Hinding hindi ko magawang ilayo sayo ang anak natin. Kahit malaman ko ang katutuhanan. Ang tanging gusto ko ay makasama ka at ang anak natin.
Hinanap kita at hinintay
ng halos higit na apat na taon. Pinagsisihan ko rin lahat ng mga nagawa ko.
Hindi mo man lang ako na kasama habang pinagbubuntis mo ang anak natin at naghihirap ka sa sakit mo na hindi ko man lang alam.
Dhel paniwalaan mo ako mahal na mahal kita.

Paano ako maniniwala sayo na mahal mo ako? Pagkatapos mong  itinago akin na fake ang kasal natin at paniwalain sa kasinungalingan mo?

Mahal kita kaya nga hindi na kita pinakawalan ng may nangyari sa atin.

Biglang hinalikan ni drake si dhel kahit mahina pa ang katawan nya.
Bigla lang siya itinulak ni dhel.

A-aarray!!! ang sakit

Buti nga sayo umaabuso kana porket iniligtas mo ang buhay ng anak natin ay pumapayag na akong halikan mo at makipagbalikan sayo.

Sa ayaw at sa gusto mo wala kang magagawa dahil asawa kita at pag-aari kita dahil kasal tayo.

Paanong nangyari na kasal tayo? Ang sabi ng taong inutusan ko invalide ang kasal natin.

Pagkatapos nating ikasal umalis ang judge na nagpakasal sa atin hindi nya kaagad na register ang married certificate natin.
Pagkabalik nya saka nito neregister.

Paano kong ayaw kung maniwala sa mga sinasabi mo? Dahil minsan mo na ako niluko.

Kukunin ko ang anak ko.  "ngumingising sagot nito"

D-diba sabi mo hindi mo kukuin ang anak ko sa akin?

Anak natin dhel.
Kukunin ko ang anak natin na kasama ka. Baka ikakabaliw ko ng tuluyan kung mawawala kayo ng anak natin.
Kung kailangan suyuin kita araw araw gagawin ko para maniwala kang mahal kita at pinagsisihan ko ang pagkakamali ko nuon.

Drake

Mahal na mahal ko kayo ng anak natin asawa ko.

Talaga papa mahal mo kami ni mama?

The Wife Sacrifice  (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon