Chapter 8

25.7K 1.5K 79
                                    

Drake hanggang kaylan ka duon sa cebu? "tanong ni dhel habang tinutulungan ito sa paglalay ng mga damit nito sa maleta."

Baka isang buwan o higit pa ako doon.

Ang tagal naman. "Sabi ni dhel na nakabusangot"

Marami kaming tatapusin dun sa cebu lalo na may bagong ipinatayong hotel ang companya natin duon.

Pwede muna man ipagkatiwala sa mga tauhan mo ang trabaho dun. At saka ikaw naman ang may-ari ng companya, ipagkakatiwala mo nalang sa kanila.

Lahat ng mga tauhan na pinagkakatiwalaan ko ay maykanya kanyang hawak na project. Kaya ako na ang mag-aasikaso. Huwag kang mag-alala tatawagan kita palagi para kamustahin kayo ni baby. Kailangan ko ng umalis dadaan pa ako sa office at baka malate pa ako sa flight.

Mag-ingat ka duon.

Inga ka din dito.
Bye baby, muwwh!! "hinalikan ang maliit na tiyan ni dhel.

Mabuti ka ba baby na alalang halikan ng dady mo. Pero ako hindi man lang, baby hindi nagsisilos si mommy sayo ha. Kung kiniss ka ni dady parang kiniss din si mommy.

Dingdong
Dingdong

Hoy! pinsan bilisan mo pagbukasan mo ako maiiwanan na tayo ng sasakyan.

Andyan na.. Pupunta kami ng Tagaytay ni pinsan para sundan ang aking asawa. Hindi kasi sa cebu ang punta ni drake. Sinundan ko siya kagabi nung umalis siya para makipagkita sa kameeting niya.
Ayon lahat nagpinag-usapan  nilang dalawa narinig ko. Hindi man lang nila ako na pansin. Kaya tinawagan ko ang pinsan ko para sa plano kung sundan ang dalawa.

Bakit ang tagal mong buksan ang gate? At bakit ganyan pa ang ayos mo?
Hi baby susundan natin ang sira ulo mong dady ha. "ani ni Nere na hinahawakan ang maliit na tiyan ng pinsan.

Pinsan maririnig ka ng baby ko.

Sinasabi ko lang ang totoo, magbihis kana baka na kaalis na ang buss tayo na sa taxi pa lang.

Ang haba pa ng oras natin...

Ang dami mong kuskusbalungos hayy!! Ang sa akin lang kailangan natin makasakay ka agad ng buss bago pa sumakay yung asawa mo at ang kabit nito. Para hindi tayo makita ng gago mong asawa.

Dadaan pa yun ng office at susunduin si Tricia, kaya hindi nila tayo makikita.

Ang malanding Tricia na yun ang sarap kalbuhin at dikdikin ng pinong pino.

Nakarating ng Tagaytay si dhel at Nere  na hindi alam ni drake na isang buss lang ang kanilang sinakyan.

Kumuha ng isang room si dhel at Nere na malayo sa dalawang taksil. Lahat ng ginawa ni Drake at Tricia ay nakikita ng dalawa habang  sinusundan nila ito ng palihim, para silang detective sa kanilang ginagawang pagsunod sa dalawa. Masayang masaya ang dalawa na kikipagharutan at nakipaglaplapan habang si dhel ay nasasaktan.

Kinuha ni dhel ang cellphone niya at tinagawan si Drake.
Ilang sigundo sinagot nito kaagad ang tawag.

Hello!!

Oh!! Drake nakarating kana ba ng cebu?

Oo nan dito na nga ako sa office masyadong maraming trabaho.

Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha. Nakatingin parin ako sa kanila habang hawak hawak ko parin ang aking cellphone na kadikit sa aking tainga.

Hello dhel!! may kailangan ka ba?

A-ah ah W-wala kakamustahin lang sana kita.
"Tinakpan ko ang aking labi ng makita kung hinalikan siya ni tricia sa labi at niyakap gumanti din ito ng yakap kay tricia."

Bakit hindi muna lang sabihin sa akin ang totoo. Na ayaw na niya sa akin at si Tricia ang mahal nya. Bakit kailangan paasahin pa nya ako ng ganito dapat tinapos na nya ang sa amin para hindi ako masaktan.

D-drake "I love you, hindi kuna mapigilan ang pag- iyak ko. I love you drake.

Shiit!! Dhel may problema ka ba?

Wala namiss lang kita. Ingat ka diyan palagi ha, nakakaistorbo na yata ko sayo bye.
"Agad pinatay ni dhel ang cp nito at umiyak.

Kahit palubog na ang araw sunod parin sila ng sunod sa dalawa.

Pinsan baka mapaano ka at ang baby mo. Kanina patayo sunod ng sunod sa kanila ikaw naman iyak ng iyak magpahinga na tayo.

Pinsan mamaya na hindi pa sila nakabalik sa hotel.

Insan kanina pa tayo sunod ng sunod ha!! sa ayaw o sa gusto mo babalik tayo ng hotel para makapahinga kana. Hayaan nalang natin ang dalawang yun. Kapagpinagpatuloy panatin ang pagsunod sa dalawa lalo kalang masasaktan at iyak ng iyak. Tayo na.....

Walang magawa si dhel ng hilain siya ni Nere pabalik ng hotel. Alam kasi niya na ginagawa ito ng pinsan ay para sa kanya at sa kanyang baby nya.
Pagdating nila sa loob ng silid iyak parin ng iyak si dhel.

Pinsan tama na sakaiyak na mamaga na yang mata mo.

Pinsan ang sakit ang sakit sakit kasi makitang masaya silang nagsasama  at naglaplapan sa maramipang tao. Ni hindi ko man lang sila pinuntahan at sinugod.

Tama na sakaiyak disisyon mo yan. Marami kanang luhang naisayang kanina pa hanggang ngayon iyak ka parin ng iyak.

Pinsan  lalabas muna ako pasadi 9:45 na ng gabi hindi parin ako dalawin ng antok, magpapahangin hangin muna ako.

Pinsan ikaw na ng sabi na 9:45 na baka mapaano ka pa salabas.

Pinsan hayaan mo muna ako matulog kana kaya ko ang sarili ko.

Hoy! ikaw kung ano manyang iniisip mo huwag mong itutuloy ha!!!

Pinsan naman wala akong gagawing masama, pangako ko yan. "ani nito rito na ngumingiti"

Sige na ingat ka sa labas.

Lumabas si dhel at naglakad lakad na tumutulo ang luha. Umupo siya sa isang malaking bato at humagulgol ng malakas na kapatong ang ulo sa may tuhod. Biglang may humawak sa kanyang balikat.

Miss bakit ka umiiyak?

Nang marinig ni dhel ang boses ng lalaking nagtanong sa kanya, hindi siya magkakamaling boses ng asawa niya ang kanyang narinig.

Miss may problema ka ba? "tanong nito ulit sa kanya"

Hindi niya pinansin ang lalaking nagtanong sa kanya.. dahil pagmagsalita siya makilala siya ng asawa at malalaman nito na sinundan niya ito.

Humagulgol si dhel ng malakas at walang balak kausapin ang asawa. Umupo ang lalake sa kanyang tabi at nag-umpisang magsalita.

The Wife Sacrifice  (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon