Chapter 9

25.4K 1.5K 94
                                    

Kung ayaw mong magsalita okie lang.
Tulad mo mayron din akong malaking problema sobrang laki, may asawa na ako at magkakaruon na din kami ng anak ng asawa ko. Masaya ako kapagkasama ko siya, maalaga, mabait at mapagmahal na asawa. Kaya natatakot akong saktan siya, piro saginagawa ko ngayon alam kong masasaktan ko siya ng sobra sobra kapang na laman niya ang totoo.
"Sige lang ang iyak ni dhel, kwento naman ng kwento si drake."
Ang katutuhanan nakipagbalikan ako sa dati kung kasintahan, Mahal na mahal ko kasi ang dati kung kasintahan nuon pero ngayon hindi ko alam kung mahal ko ba ang ex ko o na awa lang ako.
Nagtataka ka siguro kung bakit ko ito ikinukwento sayo kahit hindi tayo magkakilala. Gusto ko kasi may mapagkwentuhan ng problema ko kaya makinig ka nalang kahit umiiyak ka.
Hindi alam ng asawa ko na nan dito ako sa Tagaytay kasama si tricia.
"Alam ko kaya, kaya ko nga kayo sinundan. "ang lihim na pag-iisip ni dhel."

Si tricia siya ang ex ko nuon na kasintahan ko ngayon.
Ang alam ng asawa ko nan duon ako sa cebu ngayon, ang hindi niya alam na wala ako duon.
"Alam ko, iiyak ba ako ng ganito kung hindi ko alam, nan dito nga ako sa tabi mo.
Ang sakit inamin mong nagsisinungaling ka piro ang maspinakamasakit hindi mo man lang ako na kilala kahit ang boses ko man lang sa pag-iyak.
Bakit ka ganyan drake? "lihim na panunumbat ni dhel.

Iiyak mo lang yan miss para gumaan ang pakiramdam mo. Miss gusto mo bang malaman kung mahal ko ang aking asawa bago ko siya pinakasalan?

Tumayo si dhel at tumakbo ng mabilis papalayo kay drake.

Miss miss tika lang. "ang pahabol na sigaw ni drake kay dhel"

Ayaw kung malaman, ayaw kung marinig ang katutuhanan na hindi mo talaga ako minahal.

Kinaumagahan nagpasya si dhel na umuwi nalang sila ni Nere dahil labis na siyang nasasaktan sa kataksilan ng kanyang asawa. Iyak ng iyak si dhel hanggang sa nakarating sila sa kanilang bahay.
Pinagpahinga ni Nere si dhel dahil alam nyang pagod na pagod ang pinsan sa kakaiyak at sa pabiyahe lalo na ang puso nito.

Habang wala si drake sa kanilang bahay na nunuod lang ng movie si dhel para kahit saglit makalimutan ang asawa. Biglang sumakit ang kanyan tiyan, kinabahan siya kaya tinawagan nya ang kanyang pinsan.

Pagkadating ni Nere nakita nyang namimilipit sa sakit ng tiyan ang pinsan at namumutla ito. Dali dali niyang isinugod ng hospital ang pinsan.

Pinsan bakit hindi mo sinabi sa akin na ganyan ang kalagayan mo? Bakit ka pa nagpabutis sa gago mong asawa na bawal pala sayo ang mag-kaanak. Kung di pakita isinugod dito sa hospital hindi ko alam na pwede mong ikakamatay pagnanganak ka." Ang umiiyak na tanong ni nere"

Pinsan sorry kung inilihim ko sayo. Matagal ko ng alam na dilikado sa akin ang manganak dahil sa nangyari sa akin nuon. Dahil mahal ko si drake at gusto niya namagkaanak kami hinayaan ko na mabuntis ako para sa ikakaligaya nya kahit ipapahamak ko pa.
Kamusta ang baby ko pinsan okie lang ba siya sa sinapupunan ko? "ani ni dhel rito na umiiyak at tanong."

Okie lang naman si baby pinsan malakas ang kapit niya ang problema ay ikaw paano kung mamatay ka dahil sa pagasilang mo ng anak mo. Pinsan ayaw kung mamatay ka, alam kung mali pero na isip ko na ipalaglag muna lang yang baby bago ka pa mapahamak.

Pinsan huwag kang mag-isip ng ganyan. Umasa parin ako na maisilang kong ligtas ang baby ko kahit ikamatay ko pa. Pinsan kung darating man ang araw na pagpiliin ka sa amin ng anak ko, piliin mo ang anak ko gusto kung makita nya ang mundong ito. "umiiyak na sabi ni dhel"

Paano kung dalawa kayo ang mawawala? Ngayon pa lang huwag munang ituloy ang pagbubuntis mo total padalawang buwan palang yan. Kahit sabihin muna pakasama kong pinsan tatanggapin ko dahil para naman sayo to.

Pinsan please makinig ka sa akin kahit ngayon lang, please hayaan mong itutuloy ko ang pagbubuntis, malay mo maawa ang dios sa akin at gagawa siya ng milagro. Manalig na lang tayo sa maykapal.

Mahal na mahal kita pinsan kahit hindi ko gusto ang disisyon mo wala akong magawa kundi sundin ka. Ayaw ko rin mawala ang magiging pamangkin ko na tatakot lang ako kapag maymasamang mangyari sayo. "umiiyak na sabi ni Nere"

Salamat pinsan salamat. "ani ni dhel na umiiyak."

Dapat malaman ni drake na nandito ka sa hospital.

Huwag mong ipaalam kay drake na nandito ako.

Bakit ayaw mong ipaalam sa asawa mong taksil na nandito ka, para malaman nya dahil sa kagustohan nyang magkaanak na nganganib ang buhay mo.

Pinsan huwag na lang natin ipaalam sa kanya, walang pakialam yun sa akin. Masaya siya ngayon na kasama si tricia huwag nalang natin guluhin silang dalawa.

Yun nga eh! nagpapakasaya siya samantala ikaw dito ay nasasaktan.

Please pinsan huwag munang ipaalam okie naman kami ni baby susundin ko lang ang bilin ng doktor para sa ikabubuti ni baby at saka bukas pwede na akong lumabas ayaw kung tumagal dito baka lalo pa akong magkasakit dito.

Wala na akong magawa, kong ako lang ang masusunod dapat malaman ito ng asawa mo.

Kinaumagahan na kalabas na ng hospital si dhel. Binilihan siya ni Nere ng mga prutas.

Sa araw araw na wala si drake hindi man lang siya naalalang tawagan nito para kamustahin ni hindi nga siya nakatanggap ng txt mula sa asawa.
Pinilit niyang huwag dibdibin ang pagbaliwala ng kanyang asawa. Dati rati palagi siya nitong itinitxt at tinatawagan kahit hindi pa siya buntis, kinalimuta na siya ng asawa dahil kay tricia.

Nakatulog si dhel na may luha ang mga mata.

Na datnan ni Drake ang asawa namahimbing ang tulog sa sala na kaopen pa ang DVD player pinatay nya ito. Tinitigan nya ang natutulog na asawa at nag-isip ng malalim. Nakita nyang nilalamigan si dhel kinunan nya ng kumot at nilagyan ng kumot ang asawa.

Naramdaman ni dhel namay naglagay sa kanya ng kumot kaya na padilat siya nakita nya ang nakangiting mukha ng asawa.

The Wife Sacrifice  (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon