Chapter 10

30K 1.5K 121
                                    

Nandito kana pala drake, sorry kong hindi ko naramdaman ang pagdating mo napasarap ang tulog ko.

Bakit namumutla ka? May sakit ka ba dhel?

W-wala akong sakit, napagod lang ako kanina sa paglilinis ng bahay.
Gusto mo bang imasahe kita mukhang pagod ka. "ani ni dhel rito agad minasahe ang balikat ni drake."

Salamat!  "nakangiting sabi ni drake."

Bakit napaaga ang uwi mo dapat isang buwan ka duon o higit pa diba? isang linggo ka palang don ha.! "tanong ni dhel habang nagmamasahe"

Na miss kita at ang baby natin kaya umuwi ako kaagad. "ani ni drake na nakangiti, sabay hawak sa tiyan ni dhel. "Saka hinalikan ang labi nito na ikinagugulat ni dhel ngunit hindi ito nagpapahalata."

Gusto mo bang mamasyal ngayon? "tanong ni drake"

Syempre gusto ko. "ang nakangiting sagot ni dhel."
Bakit kaya ako niya niyayang mamasyal?
May problema ba itong lalakeng to?

Bakit ganyan ka kung tumingin sa akin dhel? "nagtatakang tanong ni drake"

W-wala nakakanibago ka lang kasi.

Masayang na mamasyal ang mag-asawa sa mga park, nanunuod din sila ng sine at namimili ng mga gamit. Kumain sila sa mamahaling restaurant at nagpapicture pa. Samantalang nakalimutan ni dhel ang sakit na idinulot ng asawa, dahil sa sayang nadarama kasama ang ito.
Lihim naman na nagmamasid si tricia mula sa malayo na galit na galit.

Tingnan mo dhel ang ganda ng mga kuha natin.

Patingin nga!, ang ganda nga at ang gwapo mo dito.

Ang ibig mong sabihin dito lang ako gwapo?

Mas gwapo ka sa personal kaya nga nagustuhan kita. "ani nito rito na nakangit"

Talaga gusto mo ako? "parang batang tanong nito"

Oo gusto kita.. Ayaw mo bang maniwala sa akin?

Ngumiti si Drake sa sinabi ng asawa.

Oh! bakit ngumiti ka lang?

Ang cute mo kasi...

Tinitigan ng maigi ni drake ang asawa at hinawakan ang mukha nito.

ammhh!! Mahal kita dhel. "ani ni drake na seryoso ang mukha."

Nagulat si dhel sa sinabi ng asawa at parang nagdududa kong nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. Dahil ngayon lang nya na rinig ang salitang yun sa asawa nya.

Bakit mo sinabi sa akin to? Lalo mo lang akong sinasaktan, hindi naman totoo ang sinasabi mo sa akin na mahal mo ako. Bakit mo ako pinapasa bakit? Nasasaktan na ako sa mga pinanggagawa mo at ang hirap paniwalan ang sinabi mo." lihim na pag-iisip ni dhel."

Dhel bakit parang ayaw mong maniwala na mahal kita? "Nagtatakang tanong ni drake"

Drake halikana bibili patayo ng mga prutas. "ani nito na biglang tumayo."

Dhel mahal kita mahal na mahal sana paniwalaan mo ako.

Ngumiti siya sa asawa.
Mahal na mahal din kita matagal na."ani nito rito nakangiti".
Sana totoo ang pinagsasabi mo at hindi ka nagsisinungaling sa akin.

Papunta si dhel sa office ng asawa para ihatid ang naiwang gamit nito. Dumaan siya ng hagdan kasi inaayos pa ang nasirang elevator. Na salubong niya si tricia na nakangiting parang dimonyo. Hindi na siya nagtataka kung bakit nandito ang babaeng ito.
Iniwasan niya ito para makaiwas ng gulo at magpanggap na hindi niya ito kilala lalong lalo na ang tungkol sa relasyon nito sa asawa. Biglang hinawakan nito ang kanyang kamay at itinulak siya ng malakas sa may pader.

Aray!!! "Ani ni dhel"

Hoy! dhel layuan mo si drake at palayain sa kasal ninyo na walang pagmamahal. Hindi ako nagmamakaawa sayo kundi inuutusan kita. Mapapahamak ka kapaghindi mo ginawa.

Sobrang galit ni dhel nakalimutan nyang magpanggap na walang alam.

Hindi ko gagawin ang inuutos mo, hindi ko hihiwalayan ang asawa ko.

Hahaha... Asawa mo lang siya. Ako ang mahal niya.

Nasaktan si dhel sa sinabi ni tricia ngunit hindi niya ito pinahalata.

Hindi ba sinabi sayo ni drake na may relasyon kami? At nag sama kami sa tagaytay ng ilang araw. Ay oo nga pala walang balak sabihin sayo ng asawa muna may mahal siyang iba at ako yun. Kawawa ka naman ginawang panakip butas lang ng mahal ko.

Ayaw kung maniwala sayo, walang katutuhanan ang pinangsasabi mo. "ang pagkakaila ni dhel sabay talikod nito."

Hinila ulit ni tricia ang braso ni dhel at subrang lakas na itinulak sa pader.

Ano ba? masakit na ang likod ko.

Massubra pa ang gagawin ko sayo paghindi mo ako sinunod." sabay untog ulit ng likod ni dhel".

Itatak mo sa utak mo ang sasabihin ko. Huwag kang maniwala sa sinabi ni drake na mahal ka niya. Ako lang ang mahal ni drake nuon hanggang ngayon. Pinakasalan ka lang ni drake para kalimutan ako, diba alam mo yan?

Tumulo nalang ang luha ni dhel sa sinabi ni tricia at sa sakit ng likod niya dahil habang nagsasalita ito hawak nito ang braso nya at inuuntog untog ang likod niya sa pader.

Palagi ako ang kasama ng asawa mo sa araw na magkasamakami araw araw at gabi gabi masaya namin pinagsaluhan ang isang kama maipadama ang pagmamahalan namin.
Nangangako na magsama kami, balang araw hihiwalayan ka niya at bubuo kami ng isang masayang pamilya.
Hindi niya magawang hiwalayan ka dahil sa magiging anak niyo diyan sa sinapupunan mo. Dapat mawala nayang pinagbubuntis mo para hiwalayan ka ni drake. Tama dapat mamatay yan dahil siya ang sagabal sa pagmamahalan namin."sabay tulak kay dhel sa hagdan mabuti nalang nakahawak ito sa hagdan kaya hindi siya nalaglag.

Tricia huwag maawa ka, maawa ka sa baby ko, huwag mong gawin to. "ang pagmamakaawang sabi ni dhel habang dinipinsahan ang sarili mula kay tricia ganinagawang pagtutulak nito sa kanya.

Ma awa hahaha.... pagmamatay yang baby mo lahat ng attention ng asawa mo sa akin mapupunta. Hindi dapat maisilang ang batang yan.

Tricia maawa ka, huwag mong idamay ang baby namin. Gagawin ko lahat ng gusto mo, lalayuan ko si drake kahit ngayon na gagawin ko. Huwag mulang idamay ang baby namin. Gusto kung makita ng anak ko ang magandang mundo na ito. parang awa muna tricia, lalayuan ko na si drake huwag mulang gawin to.
"Ang nagmamakaawang sabi ni dhel na umiiyak habang nilalabanan si tricia huwag lang siya mahulog sa hagdan.

Hahaha!!! hindi ako tanga. Tinulak bigla si dhel ng subrang lakas.

Pagulong gulong na na hulog si dhel ng hagdan.

Aaarayy!!! ang sakit ng tiyan ko aaahhh!!!!

Naramdaman ni dhel namay mainit na dumadaloy sa kanyang legs.

Ang baby ko, ang baby ko. "namumutla at kinakabahang sabi ni dhel ng may nakita siyang dugo na dumadaluy sa kanyang hita. Natakot siya sa kalagayan ng kanyang baby sa sinapupunan niya.

The Wife Sacrifice  (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon