Chapter 7

26.2K 1.5K 48
                                    

S-si D-drake at tricia nagkabalikan na, kita ko at narinig. Kaya yon ang dahilan kung bakit ako nandito kanina. Narinig ko lahat lahat pinsan, hindi ako mahal ng asawa ko. Si tricia ang mahal  niya, ang pinakamasakit mismo sa bahay namin gumagawa silang dalawa ng milagro hindi man lang nila ako ginalang.

Bakit hindi mo sila pinigilan? May karapatan ka, ikaw ang asawa ikaw ang pinakasalan.

Oo' ako nga ang pinakasalan pero hindi ako ang mahal niya. Pinakasalan lang niya ako kasi may nangyari sa amin. Si tricia ang mahal ng asawa ko hindi ako. May patunay ako ito panuurin mo.

Pinanuod ko ang laman ng video habang pinanuod ko ang video gigil na gigil ako at awang -awa sa pinsan ko na patuloy parin sa pag-iyak.
Ang mga walang hiya binababoy pati pamamahay ninyo. Ang gagong Drake sarap na sarap pa hindi niya iniisip na makakasama ito sa kanyang mag-ina.
Hindi ko akalain na magagawa ito ni drake sa pinsan ko.

Bakit hinayaan mong mangyari ito pinsan? Dapat sa simula pa lang pinutol muna ang kagaguhan nila. Halika sugurin natin ang malanding tricia na yun. Ipamukha natin sa kanya na ikaw ang asawa ng Mondragon na yon at wala itong karapatang sirain ang pamilya ninyo.

Huwag na pinsan, hayaan nalang natin sila. Darating din ang araw na pagsisihan ni drake ang pinanggagawa niya at itama ang lahat ng pagkakamali. Ang kinatatakot ko na darating ang araw na iiwan niya ako para lang makasama si tricia. Natatakot ako na hindi ko matupad ang aking pangako sa anak namin, ang maging isang buong pamilya. Dahil ngayon pa lang ay unti unti na itong nawawasak.
Dito muna ako matulog pinsan, hindi uuwi ngayon si drake kasama nito si tricia.

Pinsan galit na galit ako sa asawa mo gusto ko silang sugurin pero nag-alala ako sa kalagayan mo. Magpahinga  ka hahalahin mo ang baby sa sinapupunan mo. Halikana para makatulog kana.

Kamusta ang aut of town ninyo? "tanong ni dhel sa asawa."

Okie lang naman. "walang ganang sagot nito."

Umupo ka muna ipaghahain kita ng favorite mong ulam na niluto ko.

Dhel huwag kanang maghain busog pa ako at pagod kailangan ko ng magpahinga.

S-sige, aayusin ko muna ang higaan tinanggal ko yong bedsheet kanina at ni labhan nakalimutan kung palitan.

Dali daling pumasok ng silid si dhel para hindi makita ni drake ang nababadyang pagpatak ng luha nito at inayos ang kama.

Nagbago kana drake hindi ka naman ganyan dati, kahit busog ka kumakain ka kahit kaunti lang. Ni hindi mo man lang ako kinamusta kung okie ba ako o hindi.

Dhel tapos muna bang ayusin ang kama?

H-hindi pa! S-sandali na lang to. "sagot ni dhel na pinupunasan ang luha ng marinig na papalapit si drake.

Tutulungan na kita...

A-ah! H-huwag na, ako nalang kaya ko naman to. Diba pagod ka?

Huwag matigas ang ulo, tutulungan na kita, bawal kang mapagod alahnin mo na buntis ka.

Okie po!! kung gusto mong tumulong sa madaling gawain na to ikaw ang bahala. "ani nito rito na nakangiti."

Tinitigan lang  siya ni drake habang tumutulong sa kanya. Pagkatapos maiayos ang kama humiga kaagad ito.

Tatanggalin ko muna yong sapatos mo para komportable ang iyong pagtulog.

Dhel......

mmmhh... bakit?

Maylakad ako mamayang hapon mayron akong mahalagang tao na tatagpuin. "sagot nito na nakapikit.

Sige.! " sagot ko" Tumayo kaagad pagkatapos kung tanggalin ang sapatos na suot niya.
Lumabas na ako ng silid baka kasi makamulat siya makita nito ang mga luhang umaagos sa aking mata.

Dalawang oras ng tulog si drake na pasyahan kung pumasok ng silid at inihanda ang damit na suotin nito mamaya. Tinitigan ko siya ng maigi. Bakit ikaw pa ang minahal ko ng ganito? Bakit sa dinami dami ng lalakeng nagkagusto sa akin bakit ikaw pa ang minahal ko? Kahit hindi mo ako magawang mahalin tulad ng pagmamahal mo kay tricia. Bakit  bakit ikaw pa ang itinibok ng puso kung ito?
Ang tanga ko talaga dapat na gawa kong pigilan ang naramdaman ko sayo tulad ng ginawa ko noon nuong highschool pa tayo hindi sana nangyari to sa akin, hindi sana ako nasaktan ng ganito.
Pagsinaktan ka ulit ni tricia nan dito lang ako handang tanggapin at tulongan kang tanggalin muli ang sakit na nararamdaman mo. Pwede ko bang hilingin sayo na ako nalang ang mahalin mo. Kahit sabihin nila na ang damot ko, okie lang kasi nagmahal lang naman ako ng totoo. Pinunasan ko ang aking luha kasi lumalabo na ang aking mga mata sa mga luhang hindi tumitigil sa pagtulo kanina pa. Hindi kita isusuko Drake piro oras na ikaw ang magsabi na ayaw muna sa akin wala na akong magagawa, hindi ako magdadalawang isip na layuan ka at hindi na magpapakita pang muli.

Pagkagising ni drake may na kita siyang damit na nakaayos sa itaas ng lamisa. Napangiti siya dahil alam niyang inihanda ito ng kanyang asawa.

Pumasok ng Cr si drake upang maligo, pagkatapos nitong maligo pinunasan niya ang kanyang basang buhok at katawan gamit ng tuyong towel saka lumabas kumuha ito ng ibang damit na susuotin para sa importanting lakad mamaya. Pagkalabas ni drake na amoy  nito ang mabangong ni luto ng kanyang asawa.

emmmhh!! amoy palang katakatakam na. Wow!! mukhang masarap ang luto mo, amoy palang ginutom na ako. "ang nakangiting sabi ko sa kanya. Nakangiti din ang asawa ko sa akin ngunit nag-iba ang timpla ng mukha nito ng makita ang aking suot na damit ngunit hindi ko ito pinansin."

Ipaghahain na kita, umupo ka muna.

Nagutom ako sa pagtulog kaya kakain ako ng madami bago umalis. "ani ko rito na nakangiti."

Pinaghain ako ng asawa ko ng pagkain susubo na sana ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumawag.
Sandali lang sasagutin ko muna ang Secretarya ko baka importante to.

Tumungo si dhel bilang pagsang-ayon. Tumayo agad si drake at lumabas ng kusina kinausap nito ang nasa kabilang linya. Ilang minuto lang bumalik ito.

Dhel hindi na ako kakain. Nandun na daw ang kameeting ko. Ikaw nalang ang kumain muna huwag kang magpagutom makakasama sa baby natin.

Drake kumain ka kahit kaunti lang.

Nex time na lang dhel, mag-ingat ka dito ha.
Bye baby!!
Hinimashimas ni drake ang tiyan ng asawa at hinalikan.  muhhhw!! muhhww!!

Isang tawag lang ni tricia sa kanya itsapwera ka agad ako. Hindi naman ang secretarya niya ang tumawag. Narinig ko ang pag-uusap nila ng babaeng mahal nito na may date silang dalawa.
Nasasaktan na naman ako hanggang kaylan ko mararanasan to? Hanggang kaylan ko matiis ang pangluluko ng asawa ko? Paano kung hindi kapa na buo baby ng dumating si tricia? Iniwan na kaya ako ng ama mo?
Ikaw ang dahilan kung bakit hindi pa nakipaghiwalay sa akin ang ama mo. Gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang kahit buhay ko ang kapalit gusto kong makita mo ang magandang mundo na nilikha ng maykapal anak.

The Wife Sacrifice  (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon