Gumalaw si Drake nakita niya si dhel na dinadampot nito ang mga nagkakalat nitong damit habang lumuluha.
Good morning"bati niya dito"
Good morning din,"sagot ng dalaga."
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni drake ng makita niya ako dito sa loob ng kanyang kwarto na ganito ang ayos. Tiningnan ko siya na pilit pinipigilan ang pagpatak ng aking luha, saka nagmamadaling lumabas ng silid nito.
Pagkalabas ni dhel sa kwarto ni drake dali dali itong pumasok ng guestroom na nakalaan sa kanya at duon umiyak ng umiyak.
Biglang na tauhan si drake ng tumakbo palabas ng kanyang kwarto ang dalaga. Nagmamadali itong pumasok ng banyo upang maligo. Pagkatapos ni drake maligo napatingin siya sa kama habang pinupunasan ang basa nitong buhok. Napangiti ito ng makita ang kulay pulang mantsa sa hinigaan ng dalaga kagabi.
Hinarangan ni drake ang pinto ng guestroom upang hindi makalabas ng tuluyan si dhel.
Tatakasan mo ako dhel?" tanong ni drake ng makita nitong papalabas na sana ng guestroom ang dalaga bitbit ang dala nitong malita.
Mabuti na lang na abutan ko siya. "ani ni drake sa sarili"
D-drake! "gulat na nauutal na sambit ni dhel."
Pagkatapos mong isuko ang sarili mo sa akin kagabi tatakasan mo ako. Akala mo ba ganon lang ako kadali takasan." Ani ni drake rito"
D-drake ang nangyari sa.....
Hindi na pinatapos ni drake ang pagsalita ng dalaga nang dinugtungan niya ito.
Kagustohan ko. "nakatitig na dugtong nito.
Lasing ka kagabi ako nakainum kaya lahat ng nangyari kagabi ay dala lang ng alak. Kaya huwag munang isipin yun.
Ilang beses ko bang sabihin sayo na hindi ako lasing na kainum lang lahat ng ginawa ko kagabi ay alam ko. At hindi ako papayag na hindi maulit ang nangyari sa atin.
Panagutan kita at magpapakasal tayo.A-ano?" na uutal na tanong ni dhel ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay masayang masaya sa sinabi ng binata."
Ang sabi ko magpapakasal tayo!.
Alam mo ba kung ano ang pinagsasabi mo drake?
Hindi mo naman kailangan na pakasalan ako dahil sa may nangyari sa atin. Ang kasal ay sagrado. Baka na awa ka lang sa akin kaya mo ako inaalok ng kasal, hindi na kailangan drake.Siryoso ako sa sinabi ko dhel.
Hindi ako magpapakasal sayo drake.
Biglang na lungkot ang mukha ni drake sa sinabi ng dalaga.
Bakit ayaw mo? Gwapo naman ako matalino at mayaman wala kanang mahanap na katulad ko.
Grabe ang yabang ng lalaking to. Pero may ipagyayabang nga naman, gwapo nga ito hindi makailang naging playboy ito noon dahil sa kabila kabilaang girlfriend.
Ikaw ang hangin mo talaga.! Umalis ka nga diyan lalabas ako."sabay tulak rito."
Bakit ba ayaw mong panagutan kita ha? Bakit ayaw mong magpakasal sa akin? Dhel may nangyari sa atin kagabi hindi lang isa, dalawa, tatlo maraming beses mong isinuko ang sarili mo kagabi sa akin. Sa lahat ng mga babaeng na ikama ko ikaw lang ang hindi ko ginamitan ng protection. Paano kung nabuntis kita?
Drake makinig ka ayaw kung pakasalan mo ako dahil sa may nangyari sa atin. Hindi ako selfish para itali ka sa isang kasal na walang pagmamahal na mamagitan dahil na pilitan ka lang.
Kung iniisip mong mabuntis ako, huwag kang mag-alala hindi ko ipagkait sayo ang magiging anak mo kung sa kaling magbunga man ang nangyari sa atin.
Ang gusto ko ay maikasal sa taong mahal ko at mahal ako.Shit!! Alam kung mabubuntis kita, at kung sa tingin mo ba na hayaan kung lumaki ang anak ko na hindi buo ang pamilya.
Magpakasal tayo,pagkatapos natin ikasal pag-aralan mo akung mahalin at pag-aralan din kitang mahalin. Dhel hindi mahirap mahalin ang tulad mo ganon din ako.Hindi ko nakailangang pag-aralan kang mahalin drake kasi mahal na kita." ani dhel sa sarili".
Hindi ganon kadali ang iniisip mo drake. Paano kung hindi magwork ang kasal natin? Matutunan nga kitang mahalin, tapos ikaw hindi mo ako magawang mahalin. Masasaktan lang ako drake ayaw kung masaktan kasi subrang sakit dito sa puso, tulad ng nararamdaman mo.
Kaya huwag mo ng ipilit ang gusto mo. Alam ko kung alam mo kung ano ang dahilan mo kung bakit mo ito ginagawa sa akin. Gagamitin mo lang ako para kalimutan si Tricia ang ex girlfriend mo. Hindi ang pagpapakasal sa akin ang paraan para kalimutan mo si tricia.Labas si tricia sa disesyon kung ito. Kahit ayaw mo magpapakasal tayo. Gagawin ko ang lahat mapapayag lang kita sa gusto ko. Hindi ko nagawa kay tricia ito piro sayo gagawin ko mapasaakin kalang.
Kung iniisip mong saktan kita hindi mangyayari yun. At hindi matututang mahalin nagkakamali ka, hindi ka mahirap mahalin.Nagdadalawang isip si dhel kung tatanggapin ba ang alok ng binata o hindi.
Paano kung magdadalang tao nga ako? Ayaw ko din na lumaki ang anak ko na mayrong ibang pamilya ang ama niya at tatawagin siyang bastardo, anak sa labas. Pakakasal ako kay drake, gagawin ko ito hindi para sa sarili ko kundi para sa magiging anak namin.
Siguro darating din ang araw na matutunan niya akong mahalin."ang malalim na pag-iisip ni dhel."Panghahawakan ko drake ang iyong mga pangako. Pumapayag na akong magpakasal sayo.
Talaga pumapayag kana?"nakangiting tanong ni drake"
Oo drake."ang nakangiting sagot ni dhe." Kasi mahal kita noon pa man," ani ni dhel sa sarili".
Yes! Salamat dhel.
Basta huwag mong babaliin ang pangako mo.
Hindi ko maipapangako na hindi kita masasaktan at paiyakin dahil kasama yan sa ating buhay. Ngunit gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maging masaya ka sa bawat araw ng buhay mo na kapiling ako at hindi ka iiyak. Para hinding hindi mo pagsisihan na pumayagkang pakasalan ako."ani ni drake rito"
Sa lalong madaling panahon magpapakasal tayo kahit sa judge lang muna.
Kung yan ang gusto mo sige, ikaw ang bahala. "ang nakangiting tugon ni dhel".
Pagkatapos ikasal nagsama silang dalawa sa iisang bobong. Ipinaramdam ni dhel ang pagmamahal kay drake, pinagsisilbihan at inalagaan. Hindi rin nagkulang si dhel sa pangangailangan ni drake bilang isang lalake. Ramdam din ni dhel na masaya ang asawa sa piling niya at mahal na din siya ng asawa.
Araw araw naman binibigyan ni drake ng bulalak si dhel at nililigawan. Naramdaman din ni drake na mahal siya ng kanyang asawa na lalo niyang ikinasasaya. Mabait at mapag-unawa ang kanyang asawa, kaya hindi niya mapigilang matutunang mahalin ito. Nakakalimutan nya na si tricia dahil sa kabutihan ng babaeng napili niyang pakasalan at mahalin.
Maslalong naging masaya ang kanilang pagsasama ng mabuntis si dhel.Ngunit ang kanilang masayang pagsasama ay biglang magbabago sa pagbabalik ni Tricia Reyes ang ex ni Drake Mondragon.
BINABASA MO ANG
The Wife Sacrifice (Completed)
RomanceIsinisisi ni Drake si Dhel dahil sa pagkawala ng kanilang magiging anak naipinagbubuntis pa lamang nito. Dahil sa kapabayaan nito at hindi Pag-iingat. Patuloy sa pag-patak ang kanya mga luha, nag magmakaawa si Dhel na pakinggan siya ni Drake. Ng...