Chapter 09

13.9K 258 3
                                    

MATTHEW POV

Alam kong may problema yung babae nayun. Hayys bwiset bakit koba pinoproblema yun. Hay anu bang nangyayari sakin.

Maaga ako gumising ngayon dahil baka dumating si manang lordes. Sya yung kinuha kung katulong dito sa bahay. Kilala ko sya dahil sya yung nagpalaki samin ni Mark.

Syaka may susi naman si manang ng bahay namin. Kaya pwede syang pumasok .

Bumaba na ako at nakita ko si manang lordes na nakaupo sa sala. Kanina pa siguro dito si manang.

"Kamusta na po manang" tanung ko kay manang at niyakap ko sya.

"Ayos lang ako iho. Ikaw kamusta na lalo ka atang gumagwapo ah" sabi sakin ni manang.

Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni manang di parin talaga nagbabago si manang.

"Nangbola ka pa manang" sabi ko sa kanya.

"Abay totoo naman yung sinasabi ko ah. Oh sya maiwan muna kita at magluluto na ko" sabi sakin ni manang.

Tumango na lang ako kay manang at umakyat na ulet ako sa taas. Papasok na sana ako ng mahagip ko yung pinto ni stupid girl.

Binuksan ko yung pinto at nakita kong mugtong mugto yung mata nya. Anu nanaman kaya ginawa nito at ganyan yung itsura.

Pinagmasdan ko lang sya habang natutulog. Mukha syang anghel at matangos ang ilong mahabang ang pilik mata at mapupulang labi.

Pagkatapos ko syang pagmasdan bumalik na ako sa kwarto ko at naligo na.

IRISH POV

Nagising ako na mugtong mugto yung mata ko. Bumangon na ako at naghilamos lang sandali at bumaba na.

Pagkababa ko may nakita akong isang matandang babae na naglilinis. Siguro ito yung sinasabi sakin ng daddy ni human ice na katulong.

"Hi po" bati ko sa matandang naglilinis. Lumingon ito sakin at ngumiti.

"Hello iha. Ikaw ba si Irish yung asawa ni Matt" tanung nya sakin.

"Ahm opo" sagot ko.

"Abay kay ganda dalaga ka pala iha. Ako pala si manang lordes ako yung magiging katulong nyo. Halika na iha at kumain kana" sabi sakin ni manang lordes.

Tumango na lang ako kay manang at sumunod na sa kanya kumain.

**************

Pagkatapos kung kumain nakipagkwentuhan lang ako kay manang. Mahaba haba din yung kwentuhan namin ni manang.

"Manang san po pala pumunta si Matthew" tanung ko kay manang.

I'M MARRIED TO A MAFIA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon