Three

1K 26 0
                                    

~ Brasilia, Brazil ~

[A/N: they're talking into their own language that I translated into English]

Dalawang lalaki ang pumasok sa bulwagan dahilan para matigil ang pag-uusap ng konseho.

"What is it now Ephraim?"

Agarang tanong ng isang may katandaang lalaki na nasa pinakagitna ng mahabang lamesa sa bagong mga panauhin.

Yumuko ang dalawa bago nagsalita. Sandaling napatingin ang may mahabang balbas na lalaki sa ibang naroon at muli sa kausap.

"Master Luke, I'm sorry for the interruption but I think you need to know this."

Nagtaas ng kilay ang kausap at sumandal sa sandalan ng upuan.

"Go on."

"I think it's time for us to appoint someone in the palace to lead the entire nation."

Diretsahang sabi niya dito. Nagkatinginan sila ng katabi niya at bahagyang napalunok. Kitang kita sa mga mata nito ang takot at pagkabahala. Tinanguan lamang siya ng katabi.

Nagkatinginan ang mga tauhang nandun sa mahabang lamesa.

Tumayo ang nagngangalang Master Luke.

"What made you think to do it?"

Nagtiim bagang ito at matalim na tinitigan ang kausap.

"You know Ephraim that it's not an appropriate move unless of course if it came from the Royals ."

"Master is right young man."

Pag sang-ayon ng isa sa mga panauhin sa konseho.

Huminga ng malalim si Ephraim at matapang na tumingin sa mga naroon.

"I know. But we all know that we lost the Royals 16 years ago. And-"

"What exactly is your point Ephraim?"

Putol sa kanya ni Master Luke. Napakuyom ang kamao ng katabi ni Ephraim.

Nakatayo na din ngayon si Master Luke at hindi na maipinta ang mukha. Tila ba may alam ito mula kay Ephraim na hindi nagustuhan.

"Tell me, he is the one sends you here?"

Sa pangalawang pagkakataon, huminga ulit ng malalim si Ephraim. Ibig nyang ipagtanggol ang tinutukoy ni Master Luke.

"Master Khail only wants peace and order in our country specially at times like this."

Ngumisi ang matanda tila ba nakumpirma mula sa kausap ang naisip niya.

"Tell your master that I am thankful for his concern on this country. However, I don't accept his proposal. I know him too well. You may now leave."

Aapila pa sana ang kausap pero hindi na ito pinahihintulutan ni Master Luke.

"Where were we?"

Tanong nya rito sa mga kasamahan.

Bago pa tuluyang makalabas ang dalawa may pumasok na namang isang naka uniporming tauhan. May hawak itong M16. Yumuko muna ito bago nagsalita.

"Master, we've received a report from the regional. Two villages in the southern part of Rio have been attacked."

Naging seryoso ang mukha ng kausap maging ang mga naroon.

Mabilis namang lumabas sina Ephraim pagkatapos marinig ang balita.

"Since it came from the regional, it only means that their divisions can't control the chaos."

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon