Thirty Four

498 10 2
                                    

Huminto ang isang ninja sa ibabaw ng isang shrine, ang liberty. Doon sa pinakatuktok sya umupo at nagmasid sa boung kapaligiran.

Hindi na masyadong maingay dahil malapit na ring sumapit ang kailaliman ng gabi. Tinap nito ang Bluetooth earpiece nya saka nagsalita.

"Boss, enemies are approaching." Napamura ang kausap sa kabilang linya at dinig na dinig nito ang mga nabasag na gamit. Napangisi sya sa naging reaksyon ng pinuno.

"Bullshit! Gather your men and prepare the troops!"

"Roger." Muli nya itong pinindot at tumingin sa boung paligid. "My men got killed, but that's not important anymore." Aniya na parang wala lang sa kanya. Muli ay tinawagan nya ang ibang kasapi ng grupo. Mafias, gangsters, assassins, rebels lahat na.

Matapos maihanda ang lahat ay tawang tawa nyang tinanaw ang papalapit na mga kalaban sa unang lugar kung saan ang kanilang kasamahan.

"This is going to be fun." Anito at tinitigan ang maliit na control. "I've been waited for these and here it is now. I may lose them but I still have you. Tonight, I will be your king!" Muli itong tumawa ng malakas.

"You think so?" Isang boses mula sa likuran ang bumasag sa kanyang masaganang tawa. Unti unti syang tumigil at pinakiramdaman ang panauhin.

"What took you so long son?" Anito sa isang seryosong boses. Nakatutok ang mahabang katana sa likuran nya. "You sure you want to kill me?" Hindi pa rin nagpatinag ang huli at nagpatuloy sa paghakbang papalapit. "You will kill your own father with your own hands?"

"You're not my father. Hand it over or I'll slash your neck!" Anito sabay tingin sa hawak nitong remote. Ngunit hindi siya pinansin ng kausap at nagpatuloy lamang ito.

"I've been looking for you ever since. But it seems that, they kept you away from me."

"Shut up! I don't know anything about you!"

"Marahil ay nasa isang lugar ka na walang address." Bahagyang nagulat si Kaname hindi dahil sa marunong itong magtagalog kundi dahil alam nito ang lugar na tinutukoy. Iisang lugar lang naman ang alam nyang walang address.

"Does Shineya mansion rings a bell?" Halos mabitawan nito ang katanang hawak. Ang alam ng kalaban nila, LVP mansion ang tawag sa lugar na yun pero paano nitong nalaman ang nagmamay-ari at ang totoong pangalan ng mansion? Hindi man niya kita ang mukha ng kaharap pero batid nitong nakangisi ito.

"Surprise?" Bahagya itong nilingon ang binata. "Who are you?" Tiim bagang na tanong ni Kaname sa kanya. "I already told you."

"I said who the hell are you?!" Sigaw nya rito at akmang patatamaan sana nya ito ng katana nang magsalita itong muli na ikinatigil nya. "Silver sword."

Humahangos at nanlilisik na mga mata. Handa na sanang umatake nang matigilan ang binata. "The bearer of wind element." Dagdag nito.

Silver sword, the miniature of the wind element. Ang limang elemento at ang mga tagapangalaga nito. Alam lahat ito ni Kaname dahil sa kwento sa kanya ni Shineya dati. Yung panahong hindi pa nito alam na siya si Light Princess. Nakalimut man sya sa tunay nyang pagkatao pero alam nya ang mga bagay sa dating panahon.

Hindi nito pinaniwalaan ang dalaga pero nang mangyari ang mga hinala ni Shineya ay doon na nya nakuha ang lahat. Muling mauulit ang mga pangyayari noon dahil hindi pa ito tapos. Kumbaga, may karugtong at ito na nga yun.

Ngunit, ang hindi nito inaasahan ay ang marinig nya itong muli mula sa isang kalaban. Hindi ordinaryong kalaban. Hindi basta bastang mafia, assassin o ninja itong kaharap niya.

"Apat na dekada mahigit akong naghintay at nagpursigi makuha lang ang nararapat. Pero ako pa yung itinakwil." may himig na poot sa boses nito. "Inilayo ka na nga nila sa akin, kukunin pa nila ang para sa atin?" Anito at hinarap ang binata na tila naguguluhan na pero hindi pa rin sya nagpatinag. Muling tinaas ang hawak na patalim at itinutok sa kaharap.

"Hindi ka ba nagtaka na kahit kailan hindi ka hinayaang lumaban ng Prinsesa?" pati ito ay alam niya. Napalunok si Kaname at labag man sa kalooban hinihintay nito ang kasunod na sasabihin. "You've been training her miniature, remember the humanoid?" Maging ang katauhan ni Shai ay alam niya. Sino nga ba talaga ang lalaking nasa likod ng telang iyan?

"Hindi mo napansin, kahit saan ka magpunta may kasama ka. Si Mayumi, ang robot, si Zero? Ni minsan, napag-isa ka na bang lumabas sa mansion nyo?" Ayaw mag-isip ng masama ng binata pero yun nga ang nangyari. Halos wala syang nagawa o napuntahang lugar na sya lang mag-isa.

"It is because, they are protecting you. Alam ng Prinsesa kung sino ka, maging ng mga taong malapit sa'yo." Bahagyang nanginig ang binata at halos mawala sa konsentrasyon dahil sa naging pahayag ng kalaban. Hindi nito inaasahan na halos alam nito ang boung kwento ng buhay niya.

Kahit gustuhin nya itong atakihin at gutay-gutayin ang katawan, parang may malaking pwersa sa utak nya ang pumipigil sa kanya. Lalo lamang syang nang hina nang marinig ang kasunod na rebelasyon ng tunay niyang pagkatao.

"You. Kai Shima, the real bearer of the wind element at hindi ang anak ni Breana. You are the true ruler of the northern."

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon