Eight

830 24 0
                                    

Turkey

"You like your new home?"

Nakangiting tanong ng lalaki sa matandang naka upo ngayon sa mahabang mesa.

Lumapit sya sa tapat ng matanda at tinukod ang dalawang kamay nito sa ibabaw ng mesa.

"Isn't it cozy here?"

Tanong niya ulit at ginala ang mga mata sa boung paligid.

Nanatili lang ang tingin ng matanda sa kanya. Nagmamasid.

"Don't you think my place is better than your place in Italy, hmm? Do you?" May halong pang-aasar sa boses nito.

"You see, Turkey is quite ..." Huminto siya at ngisihan ang kausap. "Warm." Lalong lumapad ang ngiti niya.

"Who really are you?" Malamig na tanong ng matanda.

Napatawa ng mahina ang lalaki. Nagtaas ito ng dalawang kilay sabay tinuro ang sarili. Ang hintuturo nito ay may isang malaking singsing na walang dyamante.

"Who? Me?" Sabay tawa. "Okay." Saka ito nag-iba ng itsura. "Curiosity appreciation, I have lots of identities, but this is for now."

Nanlaki ang mata ng matanda nang mapagtanto ang katotohanan. Ang lalaking kausap at nagkulong sa kanya sa sariling palasyo at ang lalaking tumulong sa kanya na makalabas doon at nagdala dito ay iisa.

"Surprised?"

Ngumiti itong muli at sinuot ang hood ng kanyang itim na jacket. Muli itong yumuko para lumapit sa katapat na matanda. Saktong lumabas ang kwintas na may pendant na baliktad na cross. Natulala ang matanda habang nakatingin doon.

"For now make yourself at home." Aalis na sana ito nang may nakalimutang ipaalala. "And one more thing, don't you dare plan on escaping. I have my eyes on you and one wrong move, they will fvck up. Anyway, this is a secluded island so."

At tumalikod na ito sabay naglaho.

Napapikit ang matanda at nanlumo ang mukha.

"You are the unknown."

Mahinang bulong nito. Dumilat siya at may luhang tumulo sa mga mata kasabay ang paglitaw ng isang hologram sa harapan.

"Looks can be deceiving, people should be more careful."

Pagkasabi niya nun ay nagpakita ang mga taong nagsaya sa hologram.

Masaya silang nakikisabay sa kanta ng isang grupo ng mga kalalakihan na nagpeperform sa entablado.

Lahat sumasabay sa indayog ng magandang musika.

Maya maya pa nag-iba na ang itsura nito at napalitan ng ibang scene.

Mga kabataang masayang masaya na naglalaro sa kanilang mga gadgets.

Mayroon ding mga matatanda na.

Nag-iba ulit at sa isang malaswang tanawin naman. Sa harapan ay isang palabas ng mga hubo't hubad na dalawang magkasalungat na kasarian. Pinapanuod ito ng dalawang panauhin.

Maya maya pa tila nakaramdam ng pag-iinit ng katawan ang dalawang nanunuod at ginaya na din ang palabas.

Muling nag-iba ang scene na nasa hologram.

Napunta ito sa mga kabataang nalulong sa masamang bisyo. Ang ibang kasama ay mga mas matanda pa sa kanila.

Bumukas ang pinto ng silid at may pumasok na isang trienta años na babae. Sa likod ay isang teenager na babae.

Napatingin ang dalawang lalaki sa kanya at tinawag ito sabay dinala sa isa pang kwarto.

Sunod namang lumitaw ay ang isang kaguluhan sa isang mala disyertong lugar. Maraming putukan at marami na din ang namatay.

Ngunit ang ipinagtaka niya ay ang mukha ng mga natamaan ay nakita na niya sa mga naunang palabas.

Muli siyang napapikit at napabuntong hininga.

"Only those who know the truth can see the realness of reality."

Sabi niya. Napahawak siya sa bandang dibdib niya.

"Stop following me Raine." May halong awtoridad sa boses niya.

Maya maya pa binitawan na nito ang dibdib at pinagsalikop ang dalawang kamay.

"This is getting worst. You are so cruel. Ruthless."

Galit ang mga mata nitong nakatingin sa pinaglahuan ng lalaki kanina.

"Remember, you may succeed but you will never win. We will make sure of that."

Napatingin siyang muli sa hologram ng may naghihiyawan mula doon.

Isang panauhin ang lumabas at tila galak na galak ang mga tao ng makita siya.

Hindi niya kilala pero nakikita niya sa mga mata nito ang tunay nitong pagkatao.

"Thank you everyone! Thank you! If not because of you, I am not here."

Masaya din itong humarap sa maraming tao at kumakaway pa.

"I thank God for his kindness."

Pagpatuloy nito sabay hinalikan ang hintuturo na may singsing at tinuro ang langit. Pumalakpak naman ang mga nanunuod.

"You have the guts huh?"

May pait sa boses ng matanda at saka inalis ang hologram.

Maya maya pa isang kahindikhindik na pangyayari ang sumagi sa isip niya.

"Be safe Princess."

*See Yah! ;)

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon