Twenty Eight

540 17 0
                                    

Mula sa mahimbing na tulog ay nagising si Mayumi. Bumangon ito habang habol ang kanyang hininga. Napahawak pa itong bahagya sa kanyang dibdib. Sobrang sama ng panaginip nya. "May delubyong paparating." Anito sa mababang boses. Napatitig ito sa picture frame ni Shineya kung saan nakaupo ito at nakatingala sa malaking mapa sa dingding. Wala sa sariling kinuha nya iyon at tinitigan.

Dumapo ang mga mata nya sa tatlong nakatusok na dart. Nasa may bandang USA ito. Sa tuwing nakikita nya ito noon ay binabalewala nya lang. Subalit may nagtulak sa kanya ngayon na tingnan at suriin ito. Walang ano-ano ay kinuha nya ang magnifying glass sa drawer na nasa gilid ng kama niya. Tiningnan nyang mabuti ang mapa. Tatlong dart nga ang nakatusok at medyo may distansya ito.

Tinusok ito sa syudad ng Colorado springs, Duluth and Knoxville. Wala namang kapansin-pansin doon pero bakit iba ang pakiramdam nya dito? Wala naman sigurong balak si Shineya na puntahan nito ang mga nabanggit na lugar pero bakit may tusok ito? Isa pa ang panaginip nya. Isang nakapanindig balahibong panaginip.

Bibitawan na nya sana ang larawan nang mahagip ng magnifying glass nya ang isang maliit na tuldok. Hindi ito tuldok na kasama sa mga sulat kung hindi, tuldok ito na isang palatandaan na may tinusok ito dito noon.

Muli nya itong tiningnan at binasa ang nakasulat sa mapa. Des Miones. Hindi naman masyadong sikat ang lugar pero bakit nya ito nilagyan ng palatandaan? Hindi naman siguro ito aksidente lang. "Bakit sinadya pang nasa pinakagitna ito ng tatlong dart?" Bahagya syang natigilan nang may naisip.

Tinitigan nyang maigi ang tatlong dart. May korte itong triangle at nasa gitna nito ang maliit na tukdok.

Saglit syang natulala nang maisip nito ang kanyang panaginip. "Could it be?" Mabilis ang kilos nya at nagsuot ng roba bago lumabas ng silid. Bigla syang kinabahan at masama ang kutob nya sa panaginip na iyon.

Pagkarating nito sa control room ay nadatnan niya si Zero na busyng busy sa harap ng maraming monitor. Saglit pang natigilan ang babae sa nasaksihan. Nakabukas ang lahat ng monitor at iisa lang ang laman nito. World map. May naka zoom in at hindi. "Hindi ka natutulog?" Panunang tanong nya rito. Tila hindi sya narinig ng binata at nagpatuloy lang ito sa pagkalikot. Tatayo, lalakad, babalik, paulit-ulit lang.

"Zero, is there a problem?" Medyo nilakasan na nya at napatingin ang binata sa kanya. "Mukha kang aligaga dyan." Nagpunas ng pawis ang binata bago hinarap ang tiyahin.

"May nadetect ang satellite natin Tita. It's so unusual." Anito. Lumapit naman ang tiyahin sa kanya at tiningnan ang mga ginagawa ng binata. "Since, our satellite is specialized and designed to detect unusual transaction. May napansin akong kakaiba sa ibang mga transaction. It came from the western portion of earth. May mga products silang pinapadala anywhere in the world at mostly sa hospitals ang recipient. I didn't mind it at first but there is this certain pharmaceutical company na bigla bigla nalang nag-e-exist. I mean, not that it came like magic but, it boost in a span of two days. Mas angat na ito ngayon sa number one pharmaceutical company."

Nanatili namang nakikinig lang si Mayumi. Maging sya ay nahiwagaan sa biglaang pag-angat nito. It takes time to market your products pero bakit ang kompanyang ito ay sa isang iglap lang, angat na agad?

"So I checked the company's background. Hindi naman masyadong ganito kabinta ang mga proudkto nila pero may bago silang produkto ngayon na syang nagpapaangat sa kanila. eD Enhancer. May alam ka ba tungkol doon Tita?" Umiling ang tiyahin sa naging tanong ng binata.

"There must be something in that enhancer."

**

"Haidar." Muling tawag ng boses sa kanya dahilan para dumilat si Shin. Nagpalinga-linga ito sa paligid at hindi nya alam kung saang lugar sya. Wala syang makita na kahit ano. Puro kulay itim at puti lang. "Nasaan ako?" Bulong nya. Naalala nitong may misyon pala ito at yun ay ang pabalikin ang katawan ni Shineya sa kasalukuyan.

"Nasa Centralis Dimensio ka." Muli na namang narinig nya ang boses na 'yun. Malumanay man ang pagkakasabi nya ay wala naman itong kabuhay-buhay. Napakunot ang noo ng binata nang marinig nito ang kinaroroonan nya. "You're going to the future right? Upang kunin ang katawan ko at dalhing muli sa kasalukuyan."

Ang Centralis Dimensio ay ang namamagitan ng past, present at future. Ang central dimension.

"S-shineya?" Mahinang usal ng binata. Kasunod nito lumitaw ang nakakasilaw na liwanag. "Ako nga." Nakangiting mukha ng magandang babae ang lumitaw sa harapan nya. Ngunit, binubuo ang kanyang katawan ng kulay puting usok. Wala sa sariling napatitig sya rito at nang mapagtanto nya na hindi pala ito ang Shineya na dating kilala ay bahagya siyang yumuko tanda ng paggalang. "Light Princess." Anito sa mababang boses.

Tumango lang ang huli at muling nagsalita. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit ikaw ang pinadala papunta sa future?" Nag-angat ng tingin ang binata sa kanya. Hindi na naman nito maiwasang mapatitig sya ng matagal dito. Kakaiba kasing talaga ang ganda nya. "Ang alam ko lang, kaya ko ito ginagawa ay bilang pasasalamat sa'yo sa pagbalik mo sa kambal ko."

Ngumiti ng tipid ang dalaga. "May rason ang lahat ng pangyayari Haidar. Tumalikod ka." Kunot noo naman itong sinunod ang dalaga. "Saan mo 'to nakuha?" Tanong nya rito. Biglang nakaramdam ng lamig si Shin sa bandang batok nya. Napahawak sya doon at hinarap ang dalaga. Hindi pa rin nawawala ang lamig doon.

Napatingin sya sa dalaga at sa ginagawa nito. May kung ano anong ginagawang hand gesture. Naalala nya tuloy si Shineya. Lumitaw ang isang kulay gold na hugis bilog sa ibabaw ng palad nito. Bigla itong umilaw at kasabay nito ang muling paglamig ng batok nya. Lumitaw sa ere ang bilog at lumapit ito sa likuran nya. Lilingunin nya sana pero napahawak sya sa batok nya ng bigla itong humapdi.

"A-anong---" natigilan sya ng may naalala. Ala-ala na kahit kailanman ay hindi nya pa naranasan. Isang ala-ala sa nakaraan.

Apat na lalaki ang nagbibiruan nang dumating ang isang babae at sinaway sila. "Magsitigil! Paparating na ang mahal na Prinsesa." KKasunod nito ang pagpasok sa bulwagan ng isang napakagandang babae. Kulay puti ang damit at kulay asul ang mga mata.

"Teka, bakit may naalala ako? Sino ba yung mga yun?" Ngumisi lang ang dalaga at muling nagsalita. "Tulad ko ay nanggaling din kayo sa nakaraan."

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon