Fourteen

656 21 2
                                    

Shine

"Shine, baby?"

"Are you okay?"

Pagmulat ko ay nakangiting mukha ng dalawang panauhin ang sumalubong sa akin. Hinahaplos ang mukha ko ng isang mgandang babae. Nasa tabi naman nito ang isang lalaking umaalalay sa kanya. Katulad ng babae ay maluha-luha din itong nakatingin sa akin.

I rose from the ground and I felt a sudden throb of my head. Napahawak ako doon at kasabay ang pagngiwi. Masakit talaga.

"It's okay baby. You're free now." Alu ng ginang sa akin.

"Teka, hindi ko kasi kayo kilala eh, care to introduce yourselves?" Nagkatinginan ang dalawa samantalang hinilot ko naman ang sumasakit kong sentido.

"We're you're parents." Magkasaby nilang sabi. Napatigil ako at nilingon sila, gulat na gulat.

Saglit kong naalala ang mga mukha ng Alliance Royalty na pinakilala sa amin ni Shineya noon. At muling tiningnan sila, may kamukha nga sila! At itong kaharap ko ngayon ay siguradong sila iyon, at sila din ang tunay naming magulang ni Shin. Does that mean, patay na din ako tulad nila?

"Am I dead already?" Naguguluhang tanong ko sa kanila.

"No." sabay nilang sagot. "Then, anong ginagawa ko dito?" I'm still uncomfortable with meeting their eyes kasi baka may muta ako o ano. Pakiramdam ko kasi ang tagal kong natulog. Nginitian ako ng babae sabay haplos sa balikat ko.

"Nagamit ka sa isang eksperimento." Mahinang sagot nya sa tanong ko. Biglang tumigil ang mundo ko sa narinig. Ano daw? Ako? At experiment? Posible palang magsama iyon?

"At thanks to Light kasi napigilan niya ang mangyayari sa'yo sana. She sacrifices herself in order to save you and to make a change too." Kung kaninang kunot na noo, nagiging mas kumunot na ngayon. Ano ba ang pinagsasabi nito?

"Mukhang hindi mo kami naiintindihan ng mama mo anak." Nagsalita din sa wakas ang kasama nyang lalaki. Si papa daw. Naiyak ako, bakit ang awkward? Dahil ba hindi ako sanay o sadyang nahihiya lang ako dahil alam kong mga magagaling silang tao at may kakayahan unlike me.

"Mahabang kwento kasi. Pero I'll make it short. Light Princess, ang kaisa-isang prinsesa na may kakayahang magpaiba-iba ng anyo, ang may kakayahang kitilin ang sariling buhay at muling buhayin sa ibang katauhan. Siya ang tinitingala namin noon na tagabantay ng daigdig. Pero dumating ang hindi inaasahang panauhin, isang traydor at gagawin ang lahat maisakatuparan lang ang nais. Hindi siya kilala pero alam ng Prinsesa kung anong klaseng tao siya dahil sa kanya lang din ito nagpapakita."

"Isang araw, nalaman ni Light ang planong agawin nito ang mundo mula sa kanya. Gumawa ng hakbang ang prinsesa pero mautak ang traydor at nalaman nito ang planong pagpuksa. Ang ginawa niya ay nilinlang ang prinsesa at kinulong sa puder niya. Doon, unti unting nawawala ang liwanag sa mundo at unti unti ding napalitan ng kadiliman hanggang sa nagpakamatay ang Prinsesa."

"Kasalanan naman pala ni Light eh." Bakit nya hahayaang mangyari iyon sa mundo di ba?

"No. It was part of her plan. Ang planong kailanman man hindi malalaman ng Kadiliman dahil nakasaad ito sa isang propesiya na ginawa mismo ni Light Princess. Ang propesiyang hindi kailanman mabubuksan hanggat hindi nangyayari ang dapat mangyari."

Pero may kulang talaga sa kwento nila. Hindi naman sigurong mangyari sa akin 'to ng walang dahilan. At yung sinasabi nilang napag-ekspirimentuhan ako, what does that mean?

"Pero teka, di ba sabi niyo, I was experimented? Ang gulo e, naguguluhan ako. I can't find any logical reasons or kahit scientific reasons."

Bahagyang natawa sila sa inasta ko. "Mana talaga sa'yo yang anak mo Freya, mainipin." Tinawag niyang Freya si Dakota, yung mama ko. Teka, isa pa yan, hindi ko alam kung anong tunay nilang pangalan.

"Pero bago nyo po sagutin ang tanong ko, maari ko po bang malaman ang totoong pangalan nyo?" Nagkatinginan sila at sabay na ngumiti.

"Marahil hindi nila kinwento ang totoong pangalan natin. Anyway, I'm Robert Foster, Eichi in Alliance Royalty and your mama is Freya Foster, Dakota naman ang pseudonym nya." Tumango tango ako. Gusto ko mang magtanong ulit tungkol sa ibang kasama nila at sa mga nangyayari pero sumakit ulit ang ulo ko.

"And to your first question, naalala mo ba yung pagkabaril sa'yo?" Tumango nalang ako dahil hindi ko ata kayang magsalita pa. Masakit talaga ang ulo ko. "Okay ka lang ba anak? Kaya mo pa ba?" Nag okay sign ako at sumensyas na magpatuloy.

"Parte iyon ng plano hindi kay Light Princess kundi sa traydor. Nang dahil kasi sa pagkamatay ng Prinsesa, nasira lahat ng plano ng kadiliman noon kaya kailangan niyang mag-umpisa muli sa kasalukuyang panahon. At ngayon iyon. Kaya ang mga naglabasang mafia, assassins, gangsters at iba pang oraganisasyon ay kagagawan ng kadiliman."

Matapos kung marinig iyon ay napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Kahit anong gagawin ko ay ayaw mawala.

Nagdilim ang boung paligid pero namimilit pa rin ako sa sakit.

Kalaunan ay nakarinig ako ng sobrang lakas na tugtog dahilan para magising ako. Inis kung hinablot ang malaking headphone at binato sa kung saan. Ngunit akala ko ay doon na magtatapos ang rindi ko. Maging ang boung kwarto ay may dalawang speaker na nagsisigaw. Sa inis ko ay bumangon ako at pinatay ang player. Nagdadabog akong lumabas ng silid at malakas na sinarado ang pinto.

"SINONG SIRAULO ANG NAGPATUGTOG DITO SA KWARTO KO?! PAPATAYIN KO LANG!"

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon