Thirty Seven

495 14 0
                                    

"Hey!"

"Who are you?! Let go of me!"

"You!"

Magkasunod na sigaw na may kasamang padyak ng isang babae. Nakagapos ito sa isang upuan at may piring ang mga mata.

"I'm sorry but you left me with no choice Shineya." Isang boses ang nagmumula sa likuran ang nagsalita.

Kasalukuyang nasa isang madilim na kwarto ang dalawa.

"It's you again?!" Anito na tila nabosesan ang nagsalita.

"Ayaw mo kasing mapakiusapan kaya idinaan ko nalang sa dahasan. Anyway, kailangan na talaga nating makabalik sa kasalukuyan ngayon, dalawang---

"How many times do I have to tell you that I don't know what you are talking about!" Muling sigaw nito na nagpaputol sa sasabihin sana ng binata. "Let me go and I promise, I won't call the police. Just, just let me go so I'll see my husband again, he might---

Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil nakarinig sya ng isang lagapak. Sinuntok ng kasama niya ang lamesa. "How many times do I have to tell you that you are not f*cking married!" Napahilamos si Shin ng mukha at ginulo ang buhok. "Yes, you kissed but you're not married!" Anito na halos hindi na maitsura ang mukha at halos sirain na ang sariling ngipin sa sobrang panggagalaiti.

"You're not even in a relationship with that douche bag!" Hinarap niya ang babae at sininghalan. Napaigtad ang huli dahil sa gulat. "Shit! I didn't know it would be this hard." Bulong nito sa sarili.

"He even flirted with another woman, you call him husband?!" Anito patungkol sa nangyari noong isang araw sa beach bago pa sila mapunta dito. "Pagkatapos nyang makipaglandian sa'yo, sa iba naman sya?! Bullshit!"

"Why are you so mad?" Mahinang usal ng dalaga.

"Because I'm---never mind." Hindi na umimik ang binata at umupo nalang sa tabi nito. Nilabas ang isang potion bottle at iniiksamin ito. Napatingin sya sa katabing dalaga na ngayon ay nakanguso. Nagbuntong hininga ang binata at tinanggal ang piring nito. Dahan dahang dumalit ang dalaga at nagpalinga linga sa paligid.

"You blindfolded me but we're inside this dark room?"

"I hate seeing your eyes."

Napatingin ang dalaga sa katabi niya na busy pa rin sa pagsisipat ng potion. Nakagapos man ang mga kamay sa likod ay pilit pa rin niyang inayos ang kanyang upo.

"I have an amnesia."

"No you don't."

"I met an accident---

"No you didn't."

"Do you really know me?"

"I hate repeating."

Huminga ng malalim ang babae at tinitigan ang tinitigan ng binata. Hawak ang potion sa s
Isang kamay at tila kumikinang ito kahit ilaw lang mula sa bintana sa itaas ang nagsisilbing liwanag.

"What's that?"

"Travel potion."

"To?"

"To the present."

"Do I really came from the present?"

"Let's prove it, shall we?."

You must convince her bago mo buksan ito, maliwanag? paalala sa kanya ni Light nang matanggap nito ang potion. Akala nito madali lang pero mahirap. Sa sobrang hirap kailangan nya pang kidnapin ito at ilayo sa kinikilalang asawa nito dahil kasabwat na iyon ng unknown. Kailangan niya lang makasiguro na sa kanya sasama ang dalaga.

Magtatanong pa sana ang dalaga nang sabay silang makarinig ng kalampag ng pinto. "Wife! Are you there?!" Sigaw mula sa labas. Dali daling tinakpan ng binata ang bibig ng dalaga. "Shh. Remember, he is not your husband. You are not related with him. You belong to the present. You belong to me." Bulong niya rito.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ng binata. Kinakabahan sya hindi para sa kanya kundi para sa dalaga. Alam niyang kasama ng lalaking nasa labas ang unknown. Nararamdaman nito ang matinding pwersa ng kadiliman. Hindi na din sya magtaka kung paano sila nito natunton.

Pumikit ang binata at ilang beses napalunok. "Please, don't make this hard for me Shineya, please." Nagsusumamong bulong niya rito.

Isang malakas na kalampag at bumukas ang pinto nito. Kasabay ang pagpasok ng dalawang pigura ng tao ang pagsibol ng nakakasilaw na liwanag sa pwesto nina Shin. Binuksan ng binata ang potion at bumukas ang isang lagusan.

Habang distracted ang dalawang panauhin sa nakakasilaw na ilaw ay sya namang pagkawala nina Shin at Shineya. Kasunod ang pagyanig ng boung lugar. Sa labas makikita ang lalong pagdilim ng kalangitan. Pagbibilis ng galaw ng mga ulap. Ang unti-unting pagkawala ng mga ilaw sa mga kabahayan at ang mga building. Natigil ang lahat ng mga sasakyan maging ang mga tao. Umihip ang malakas na hangin hanggang sa natatangay na nito ang mga maliliit na gamit.

Sa kasalukuyan ay tinanaw ni Kaname ang pangyayari mula sa malayo. Kinain na ng kadiliman ang boung lugar kasabay nito ang pagsisigawan ng mga tao. Mga sasakyan na nagbabanggaan at nag-iingayan.

Muli niyang pinagmasdan ang remote hanggang sa may maalala ito. Tinap nito ang earpiece at kumunekta agad ito sa kabila. "I got it."

Pagkarating ng dalawang kapatid sa bulwagan ng kompanya ay agad itong pumasok sa elevator at pinindot ang pinakatuktok. Parehong may ngiti sa kanilang mga labi at pagkaraay nagtawanan.

"It seems that, this is our time."

"Finally!"

Nang makalabas ay agad silang nagtungo sa secret passage ng clock tower. Maraming tauhan ang nagbabantay sa bawat lugar. Pumasok sila sa isang pintuan at doon bumungad sa kanila ang fully functional na super chip. Natatabunan ito ng puting tela pero nang makarating sila ay tinanggal ito.

Kulay itim at parihaba ang porma. Sa likod ay ang mga maliliit na metal na nagsisilbing pyesa. Connected ang mga ito sa main system. Sa oras na i-activate ito ay awtomatikong mag activate din ang mga microchip na nakaturok na sa katawan ng mga taong gumagamit ng eD Enhancer.

Lumapit ang head sa dalawa at binalita ang mga bagong improvements at ang pagiging handa nito.

Ngumising tumatango ang dalawang kapatid at sumunod sa sinabi ng head. Nilapitan nito ang super computer o ang main system ng super chip.

Si Geo mismo ang nagtipa upang ma-activate ito. Ilang minuto lang at lumabas ang trienta segundos na timer.

The super chip will be activated in 30...29...28...27

Nagkatinginan ang magkapatid at muling nagtawanan. Tawang tagumpay.

"At last!"

Super chip is activated.

Pagkasabi ng boses robot na babae ay nag-apir ang dalawa. Tuwang tuwa sa naging resulta.

Ang mga taong nandudun ay napalingon sa boung paligid. Takot ang sumasailalim sa kanilang mga mukha. Samantalang ang dalawa ay parang wala lang sa kanila ang nangyaring pagbabago ng paligid. Patuloy pa rin ito sa tawanan.

Please insert the micro card to access the world.

Please insert the micro card to access the world.

"What?!"

"Anong sinasabi niyan Geo?!"

Please insert the micro card to access the world.

Please insert the micro card to access the world.

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon