Thirty

618 20 0
                                    

"What the fvck do they want ha?!" Naiinis na bulyaw ni Hiro sabay pinatid ang maliit na bato sa madilim na parte ng lugar. Kasabay nito ang isang daing ng lalaki. Nagpalingon-lingon siya sa paligid. Tanging mga abandunadong kabahayan at building ang makikita sa boung paligid. Isolated na kung tutuusin ang boung lugar pero hindi nito namalayan na nakarating na pala sya dito.

"Shit dude!" Reklamo ng isang lalaki. Mula sa dilim ay lumabas ang hinihingal na Shinji. "Muntik mo ng tamaan ang gwapo kong mukha, alam mo ba yun?" Masama itong nakatingin kay Hiro. Wala namang emosyon na napatingin sa kanya ang huli.

"Anyway, Shinji bro." Sabay lahad ng kamay. Hindi ito tinanggap ng huli bagkus tumango lamang habang nakapamulsa. "Hiro." Nahihiyang nagkamot ng ulo si Shinji at katulad din ni Hiro ay nagtingin-tingin na din ito sa paligid.

"Kanina ka pa rito?" Tanong nya sa nakangusong Shinji. "Kararating ko lang dito. Teka, bakit ka nga pala napunta dito?" Sabay silang napalingon nang may mapansin silang gumagalaw sa punong malapit sa lugar nila. Mula doon tumalon si Shiki. Sa sobrang hingal hindi nito nabalanse ang sarili. Agad syang dinaluhan ng dalawa.

"Okay ka lang bro?" Agarang tanong ni Shinji sa kanya. Nag-angat ng tingin ang binata at sinamaan sya ng tingin. "Mukha ba akong okay?!" Kahit hinihingal nakuha pa rin nitong singhalan ang lalaki. Nagpigil sa tawa si Hiro dahil sa biglaang pagtaas ng dalawang kamay  ng binata.

"Fvck!" Muli nitong daing nang maitapak nito ang kaliwang paa. "Umupo ka nalang muna bro." sehustiyon ni Hiro at inalalayan ang binata papunta sa isang bato.

"Lintik talaga na mga gangsters yun. Ano bang kailangan nila sa akin?" Bulong ni Shiki nang makaupo ito ng maayos. Agad namang pumwesto si Shinji sa may paanan nito at kinuha ang kaliwang paa. "Let me bro. I can do something to ease the pain." Nagdalawang isip pa ang binata at pagkaraa'y tumugon na din. "Nga pala, sabi mo hinahabol ka ng mga gangsters. Isa ka rin bang gangster at kaaway ka nila?" Tanong ng binata rito.

Si Hiro ay tahimik lang na nakasandal sa malaking bato. Nakapikit na ang dalawang mata nito at animo'y tulog na pero nakikinig lang ito sa usapan ng dalawa.

"Hindi. Hindi ko nga alam bakit nila ako hinahabol e. Kayo ba, anong ginagawa nyo rito?" Balik tanong nya rito. Unti unti namang bumubuti ang pakiramdam nya. Hindi na masyadong masakit ang parteng nadaganan nya kanina. Nagpagpag si Shinji ng kamay nang matapos at sinagot ang tanong ng binata. "Tulad mo ay hinahabol din ako ng taga Royal Blood Gang. Nakita kasi nila akong palakad-lakad sa teritoryo nila noong isang araw. Kaya akala nila, spy ako mula sa ibang gang. Ni hindi ko naman kasi alam na lugar pala nila yun at saktong may importanteng pinag-usapan sila. Mula nun, pinaghahanap na nila ako at kanina nga lang nakita nila ako at gustong patayin. Sayang ang lahi ko kaya tumakbo nalang ako kung saan saan. Dito nga ako napadpad."

Parehas silang natahimik at tiningnan si Hiro na bahagyang gumalaw. "Ikaw bro, sino ba ang tinutukoy mo kanina at paano ka napunta dito?" Tanong ni Shinji sa nakapikit pa ring Hiro. Maya maya pa, dumilat ito at tiningnan silang dalawa. "Hinahabol ako ng mga di kilalang tao."

"Baka mga grupo ng gangsters din yun bro." Napatangong ani Shinji. Kamakailan lang nya kasing nalaman na may mangyayaring digmaan sa pagitan ng mga gangsters at hindi malabong madamay ang mga inosente tulad nila. May ibang sapilitang kinukuha para sumali sa grupo nila para dagdag pwersa. Sa panahon kasi nila, walang tumatayong nakakataas sa mga gangsters upang pigilan ang anumang alitan na nadadamay ang mga inosenteng tao.

Nagkibit balikat nalang si Hiro at muling pumikit. Maya maya pa, isang tili ng babae ang narinig nila malapit sa kanilang kinaruruunan. Dali dali nilang nilingon ang parteng yun at akmang pupuntahan sana ni Shinji iyon ng pigilan sya ni Hiro. "Hayaan mo lang." Magreklamo pa sana ang binata nang muling magsalita si Hiro. "Alalahanin mo, may pilay tayong kasama. Baka madamay pa tayo. Pagod na ako." Napatingin siya sa nakasandal na Shiki, katulad din nila ay mukhang pagod na din ito. Walang nagawa ang binata at sinunod nalang nito ang huli.

"Shiki." Basag nya dito mula sa mahabang katahimikan at tanging ang hiyaw ng babae ang maririnig. Maya't maya namang napapkislot si Shinji. Hindi ata kumportable sa kasalukuyang nangyayari. Nilingon nya ang binata at tinanguan. Hindi katulad ni Hiro kanina na hindi tinanggap ang kamay nya. "Shinji bro." Sabay tanggap din ng kamay ng binata. Tinuro nya si Hiro na bahagya pang humihilik. "Hiro naman yang kumag na yan."

"Anyway, alam kong gusto mo talagang puntahan yun, huwag ka lang papakita." Iyon lang ang hudyat upang tumayo si Shinji at iniwan ang dalawa. Kanina pa kasi sya hindi mapakali.

Pagdating nya doon ay kitang kita nya ang boung pangyayari. Nasa may likod sya ng isang lumang warehouse at kitang kita nya ang pakikipaglaban ng dalawang tao sa sampung membro ng gangsters. May mga nakahandusay na sa sahig at wala ng malay. Nalipat ang tingin nya sa sigaw ng babae. Natamaan kasi nito ang bandang dibdib nya. Agad nag-init ang ulo ni Shinji sa nakita. "Bastos ka ah!" Sigaw ng babae at agad nyang sinipa ng pagkalakas-lakas ang uri nito. Dahilan para tulog na itong lumapag sa lupa.

Nagpagpag ng damit ang babae at nilingon ang isa pang lalaki. Kasama nya rin ata. Sa isip ni Shinji. "Shin! Kaya mo pa ba? Tapusin mo na yan, naiihi na ako!" Sigaw nya rito. Hindi sya nilingon ng nagngangalang Shin dahilan para mainis ang dalaga. Nakasimangot ang mukha ng babae at tumalikod ito papunta sa kinaruruunan ni Shinji. Napalingon ang binata sa likuran nya at napansin nito ang grupo ng mga gangsters na nagpalinga-linga.

Agad niyang hinablot ang kamay ng babae at lumapit sa isang lugar kung saan hindi sila makikita ng mga gangsters. "What the-" agad tinakpan ni Shinji ang bibig ng dalaga. "Shh. May paparating." Anito at sinilip ang lugar kanina. "T-teka, yung kambal ko!" Agad nagpanic ang boses ng dalaga at pilit sinilip ang kinaroroonan ng kapatid ngunit wala na ito doon.

"Don't worry, I'm here." Nilingon ni Shine ang likuran at nandun nga sa dulo ng abandunadong warehouse ang kapatid.

Maya maya pa ay nagpasya na silang tatlo na umalis sa lugar na yun bago pa sila maabutan ng mga gangsters. Doon sila dumaan sa dinaanan ni Shinji kanina.

"Oh, may mga kasama ka pala." Puna ni Shine sa binata. Gising na si Hiro at nakasandal na ito sa isang puno. Samantalang naka-upo na si Shiki sa kaninang sinasandalan na bato.

"Tulad natin, may nakasagupa din silang mga gangsters." Ani Shinji sa dalawa. Nagkatinginan ang bagong dating at ang dalawang binata. Maya maya pa, may sinabi si Shin na nagpabago ng buhay nila. "Why don't we unite and act as gangsters para proteksyunan ang isa't isa?"

"Naalala mo na ba Haidar?" tanong ni Light Princess sa kanya matapos ang mahabang katahimikan. "Hindi aksidenting nagkatagpo lang kayo ng landas ng boung Uncrowned Royals. Bawat isa sa inyo ay may kanya kanyang katayuan sa mundo. Dati na kayong magkagrupo sa lumang panahon. Napagbuklod-buklod ulit kayo sa bagong panahon bilang unknown gang na nabigyan ko ng pangalan as Shineya noon at ito nga ay Uncrowned Royals."

Saglit na tumigil si Light Princess at hinayaang maproseso ng utak ni Shin ang lahat. "Ano bang ibig mong sabihin na katayuan namin sa mundo?" Ngumisi si Light sa naging tanong ng binata. Kahit kailan ay hindi naging mahirap kay Shin na paniwalaan ang tunay na pagkatao. Noon pa man, ramdam na nya na may kakaiba sa kanya.

"Kayo ang tagapangalaga ng apat na elemento ng mundo. At dito rin kayo nagmumula. Ikaw na nagmumula sa angkan ng mga Eortheans. Ang simbolong nasa batok mo ang magpapatunay na ikaw ang bearer ng Earth element. Si Hiro na nagmumula sa angkan ng mga Zephyrusians. Ang may hawak ng Wind element. Ang kulay silver na espada. Si Shinji na mula sa angkan ng mga Wazzarus, ang may hawak sa Water element. At si Shiki na mula sa angkan ng mga Flagrares, ang Fire element. Samantalang nag-iisang guardian nyo ang kambal mo at ang nag-iisang matalik kong kaibigan sa lumang panahon."

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon