Twenty Seven

553 20 0
                                    

"Speak." Utos ni Greg sa kararating lang na director. Ito ang tawag sa head ng kanyang mga tauhan. Nanatili namang nakatingin ang kambal sa tauhan. Tila iniiksamin ang boung pagkatao nito. Hawak hawak ang panga habang matamang tiningnan ito at ngumisi. Napalunok ang nasabing director bago magsalita.

"The weapons has been distributed to Venom Mafias, Serpent Group, Spider, Crow Assassins, Jaguar and Illuminate Gang." Ang mga nabanggit ay under sa pamumuno ng Poisonous Death organization. Isa sa mga organisasyong nabibilang sa Crown 666 organization. Ang tinutukoy na weapons naman ay ang mga sandatang may lason na kapag pumasok sa katawan ng tao ay hindi kumakalat, kundi peperme ito sa isang lugar at titigas. Dito na mabubuo ang kanilang tinatawag na microchip.

"Also, the elixir has been distributed to various hospitals." Nang marinig nila ito ay nagkatinginan ang kambal kasunod ang isang halakhak. Sa sobrang galak, napapalak-pak si Geo at lumapit sa director. Hinalikan ito sa pisngi. "Brilliant job as expected from you Khail!" Puri nya rito na ikinangisi lang ng huli.

"We should celebrate!"

Ang elixir ay hindi lang basta bastang gamot pampasigla at pampahaba ng buhay kung hindi, meron din itong lason na katulad sa lason na nilagay nila sa mga sandata. Tinatawag nila itong domare na ang ibig sabihin, to tame you.

"Elixir Domare is on your way Creatus." Muli na namang ngumisi si Greg at katulad din ng dalawa, makikita sa mga mata nito ang kagalakan.

Elixir domare ang pinakamatinding lason na nagawa nitong makabagong panahon. Lason na sa oras na pumasok ito sa katawan ng tao, ay kayang kaya na nitong kontrolin sa oras na ini-activate na ito ng Super Chip. Isa itong matatawag na unique na paraan ng pagsalin ng naturang microchip.

Hindi lingid sa kaalaman ng tatlo na nasasabak sa malaking ekspirimento ang mundo sa oras na magtagumpay silang ipakalat ang naturang lason.

"I really can't wait to put elixir domare in any liquid products in the market." Magiliw na pahayag ni Khail. Nilagok muna ni Greg ang kanyang alak bago nakangising tinanguan ang lalaki. "We'll reach that soon." Muli na naman silang nagtawanan.

Nahinto lamang nang tumunog ang cellphone ni Khail. Inabot nya ito at sinagot. "Yes?"

"Boss, eD has gained users and highly recommended by doctors worldwide." Napangisi ng malawak si Khail dahil sa narinig. "This is a great news to boost your company." Pagpatuloy nya pa rito. "Other than that, many celebrity endorsers love the product." Katulad ng boss ay hindi din mawawala ang galak sa boses nito. Tila isa itong napakalaking achievement.

"Very well, thank you so much Eula." Pagkatapos ng tawag ay inangat na nito ang tingin sa malaking flat screen TV sa harapan na kanina pa nakabukas. Saktong commercial break at iniindorso ng isang sikat na singer-dancer sa isang bansa ang produktong kanina pa nila pinag-uusapan.

"Wanna know my secret for being this active? eD enhancer is with me! With eD Enhancer, I can sing and dance 24/7 without getting tired. I can even do things aside from performing because it helps me to stay active even I'm on the rush. It is purely gel that's why it has no side effects and the only enhancer recommended by doctors worldwide."

"This is way better than taking drugs." Nakangiting ani ni Greg.

"I'm sure within this month, your company will be now the number one pharmaceutical company in the world." Dagdag pa ni Geo dahilan para lalong ngumiti ang director. "All thanks to our King Superior. He's the real king of all kings." Sambit nito at muling nagtawanan.

Nagtagal pa ng ilang oras ang kanilang munting siyahan nang magpaalam si Geo. "Anyway, I better get going. I still have to check the machinery." Tumango lang ang dalawa at maya maya pa ay nagkanya kanya na rin ito.

Pagkarating sa machinery na tinutukoy ni Geo ay kaagad syang sinalubong ng head engineer. Dito sinasagawa ang bawat sandatang ginamit nila. Mapa mechanical weapons o explosives dito rin ginagawa. May mini laboratory sa ilalim ng building kung saan sinasagawa ang paglalagay ng lason na isang elixir domare na uri sa bawat weapons nila.

"Can I see it?" Baling nya rito. "This way your highness." Nilahad nito ang kamay sa harapan na sinunod naman ni Geo.

Sa pinakatuktok kung saan sila patungo ay matatagpuan ang pinakamalaking roman clock. Ngunit ang hindi alam ng lahat, sa ilalim nito matatagpuan ang ginagawang super chip na pinapalibutan ng makapal na uri ng bildo. Kasing laki ito ng bus. Natatabunan ito ng malaking orasan kaya hindi ito halata.

"This is beautiful." Kulay itim ito na may itsurang microchip. "Although its not finish yet but it looks ravishing!" Nakangiting anito at hinarap ang kasama. "Splendid work engineer Tuazon. You never failed me." Lumawak ang ngisi ng kausap at yumuko. "Thank you so much your highness."

"Now, how long it consummates?" Anito sa seryosong pamamaraan. Tumikhim ang kausap at tiningnan ang ledger nito. "Base on my estimation, about two to three days. The entire chip will be finish from the features up to its electronics facility."

"Then, that would be the time that it can be activated." Dugtong ni Geo at muling sumilay ang isang ngisi dahil sa kanyang naisip. "Exactly the estimated time the elixir domare will conquer the world." Maging ang engineer Tuazon ay nahawa na sa sobrang kagalakan nito. Lahat ng pinaghirapan ay naisakatuparan. "Everything went well according to plan."

"Exactly your highness." Sang-ayon nya rito. "And after two or three days, the world will finally ours!" Nasundan iyon ng isang masayang tawanan. Tawanan para sa nalalapit na tinatamasang pangarap na mapapasakamay na nila ilang araw nalang ang hinihintay.

A/N: will they succeed?

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon