Thirty Six

492 15 0
                                    

Sa loob ng isang invisible na sasakyan, tahimik na nanunuod si Zero sa kanyang laptop sa mga kaganapan sa labas. Kakatapos lang nyang i-deactivate ang mga bombang nakatago sa ilalim ng lupa na madadaanan ng mga kasamahan niya. Kinokontrol kasi ang mga bombang iyon ng mga kalaban kaya madali lang nya itong nahack ang system nila.

Ngayon ang pinagkaabalahan naman nya ay ang pag upgrade ng mga shield at armor ng mga kasama. Mabuti at naisipan ni Shineya na mag imbento ng ganitong klaseng shield at armor dahil kakailanganin nila ito sa panahong ganito. Kung hindi nila magawang sulusyunan ang sandata ng kalaban na may lason, may paraan naman sila upang hindi matamaan nito o kahit magkaroon ng sugat man lang.

Nagkukulikot sya sa kanyang laptop at sinimulan na ang pagdagdag ng proteksyon sa kanilang mga armors. Sa pamamagitan nito, hindi sila masyadong makaramdam ng sakit kahit gaano pa kalakas ang pwersa na tatama sa kanila. Makakatulong din ito upang maubos at masira nila ang ng humanoids.

Malapit na sana nilang tuluyang mapasok ang capital nang lumabas mula sa tatlong building ang tatlong naglalakihang mga robot. Mukhang mga transformers at may dala ang nasa gitna na isang malaking machine gun. Ang dalawa sa likuran ay pinagdadampot ang mga tauhan ng LVP organization at kung hindi pinagpipisa ay hinahampas naman ito sa mga building.

"Shit!" Sambit ni Zero at natatarantang nagtipa sa laptop niya.

Samantalang ang dalawang magkapatid na nanunuod sa mga kaganapan sa ibaba ay tuwang tuwa sa nakita. "I didn't know we have them." Ani Greg.

"Tss. Do not underestimate me brother. Baka nakakalimutan mo, sa ating dalawa ako ang magaling sa ganito?"

"Sa sobrang galing mo, na salisihan ka." Anito na nagpapatungkol kay Khael, ang nagtraydor. "Sa oras talaga na makuha ng mga tauhan ko ang traydor, hindi ko sya hahayaang mabuhay pang muli." Kasalukuyan na kasing pinapahanap nya ang traydor. Mas dinoble pa nito ang pagbabantay sa central lalong lalo na sa kinaruruunan ng super chip.

"Anyway, wala ka bang napapansin?" Hindi nalang pinansin ang banat ng kapatid. Bahagya syang nilingon ni Greg. "Sa laki ng gulo ngayon, hindi ba nakakapagtaka at tahimik ang Hari?" Pagpapatuloy nito.

Napapaisip din ang kapatid, "maybe he let us do our works. And technically, we're not the one who started it."

"Bueno, let's go to the central. We are going to activate the super chip."

"Oh? I thought na kay Khael ang remote?"

"I told you, he made an alternative way. Still, we can be able to activate it." Anito at inilabas ang isang may kalakihang capsule. Kasing laki ng thumb ng lalaki.

"What's that?"

"Teleportation capsule."

"Capsule what?"

"Bingi nito. Wala ka talagang bilib sa akin noh? Naturingang kapatid. This is my masterpiece. I've been experimenting this my entire life at ito na, nakagawa na ako. Through this, it will help us go to the place we want to go in just a matter of seconds."

"Iinumin natin yan?" Mabilis na umiling ang kapatid at malakas na binato nito ang capsule sa sahig. May puting usok at pixes na lumabas at unti unti itong kumakapal. "Let's go." Ani Geo at hinila ang kapatid. Nang makapasok ay unti unti namang nawala ang usok kasabay ng pagkawala nila.

Dahan dahang binaba ni Kaname ang kanyang espada at unti unting sumilay ang isang ngisi. "It seems that you know me too well Hades." Nag-iba ang aura ng binata. Nagiging mas seryoso na ito.

"H-how.."

"Surprised?" Dahan dahang napaatras si Khael o mas kilalang Hades ng dating panahon. Unti unti namang lumalapit ang binata sa kanya. "But I know better." Anito at hinampas ang isang kamay kung nasaan ang remote. Tumilapon ito at halos mahulog na. Sabay na napalingon si Hades sa gulat at hahabulin niya sana ito pero dinambahan agad siya ni Kaname ng isang saksak na kaagad nya namang nailagan.

Tumihaya ito at gumulong. Pagtayo ay parehong may hawak na dalawang katana ang mga kamay nito. Ito ang unang sumugod at pinapaulanan ng saksak ang binata ngunit lahat ito nasalag nya.

Mabilis ang kalaban at kailangan nyang mag-ingat dahil hindi basta bastang patalim ang hawak nito kundi lason. Wala syang suot na armor o kahit shield man lang katulad ng mga kasamahan niya.

Sinalag nito ang katanang papatama sa tiyan niya. May kasunod pa kaya umikot siya pagilid at papatamaan sana nito ang tagiliran ng kalaban ngunit mabilis itong nakailag. Tinira syang muli sa bandang ulo, yumuko sya at kasunod ang isang tusok paharap. Gumulong siya palayo.

Muling hinanda ang sarili sa kasunod na aksyon ng kalaban. Sinugod ulit siya at dalawang katana na ang nakahandang sumaksak sa kanya. Isa sa taas at isa sa may bewang. Kasabay ng pagsalag sa itaas ang pag-atras niya.

Humahangos si Kaname na napaatras at pinilit balansehin ang sarili. Isang katana lang ang dala niya at kung papatagalin pa nila ito, paniguradong matatalo sya dahil sa pagod. Mukhang magaling din kasi ang kalaban at nahihigitan nito ang bawat tira niya. Kailangan gamitan niya ito ng utak at hindi lang puro lakas.

Muling umatake si Hades at agad din naman nyang sinalubong ito. Tanging pagkalansing lang ng dalawang metal ang maririnig. Paikot-ikot at halos malagutan na ng hangin si Kaname. Bukod sa kanina pa siya nakikipaglaban, pinapahabol pa siya nito ng ilang kilometro.

"Give up now kid!" Paekis na pinatamaan si Kaname at mabilis din naman itong humiga patihaya. Tinukod ang dalawang braso at boung pwersang tinadyakan ang bandang tiyan ng kalaban. Tumilapon ito palayo at halos mahulog na ito. Hindi na kontento ang binata at agad niyang binato ang katana papunta sa ulo ng kalaban.

Saktong pagbaling nito sa binata ay sumalubong sa kanya ang katana. Tumama ito sa noo at tumagos pa sa likod sa tindi ng pwersa. Dahan dahan namang nahulog ang boung katawan.

Hindi lang sya magaling sa reflexes, masyadong flexible din ang kanyang katawan kaya mas mahihirapang patumbahin siya ng kalaban.

Humihingal na napahawak siya sa kanyang tuhod at nilingon ang remote na malapit ng mahulog gawa ng hangin. Nilapitan niya ito at dinampot.

Kasabay ng paghawak niya ay ang pag-iba ng ihip ng hangin. Lumakas ito at bumilis ang paggalaw ng mga ulap sa kalangitan. Ang kaninang medyo may kulay na ulap ay napapalitan ito ng purong kadiliman.

Wala sa sariling napatingin sya sa boung paligid. Lahat dumidilim. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero isa lang ang masisiguro niya. May nag activate ng main system ng super chip.

SHINEYA II: Her Soul (BOOK 2) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon